By: Arey Serrano
Maraming dahilan para mahulog ako sa'yo pero mas pinili kong manahimik na lng
Dahil natatakot ako, maniwala ka natatakot akong mawala ka sakin
Yan ang palaging tumatakbo sa isip ko kaya't heto pagod na pagod na ako
Minsan gusto narin kitang tanungin kung napapagod ka rin ba,
Napapagod sa pagtakbo sa isip ko.
At kung dati matangkad ka ngayon ay nagtataka ako dahil bigla namang liit mo
Nagtataka ka siguro kung bakit? simple lang, dahil dati nasa isip lang kita
Pero ngayon ay nasa puso na kita, at kung minsan daig ko pa nakainom ng isang litrong kape
Dahil kapag nakikita kita halos lumabas ang puso ko sa sobrang kaba
Anong klaseng nilalang kaba?,
Una natakot ako
Pangalawa napagod ako
Pangatlo nagtaka ako
Pang apat pinakakaba mo dibdib ko
Ang sarap lang sa pakiramdam diba?
Ang sarap sa pakiramdam yung bigla ka na lang kikiligin
Yung bigla ka na lang napapangiti dahil naiisip mo siya
Yung kahit naglalakad ka para kang nakalutang sa ere
Pero syempre mas masarap sa pakiramdam kung mayroong "Tayo"
Pano nga ba magkakaroon ng "Tayo"?, Ipagtatapat ko na ba sayo?
Pano kung ayaw mo? Pero pano kung parehas lang din tayo?
Parehas tayong naghihintay, naghihintay sa isa't - isa.

BINABASA MO ANG
Ang mala Rollercoaster Ride na Tula
PoezieSInulat ko ang mga tula na to base sa totoong nararanasan ng mga tao. Ang mga simpleng hugot sa buhay. Nagmahal, nasaktan, umasa, at bumangon. Kagaya ng isang rollercoaster ang buhay natin ay paikot-ikot lang ngunit may iba't ibang level ng heights...