Chapter Ten
January three, balik school na ulit sila, dumaan si Ralph sakanila, para sabay na silang pumasok. Pagdating nila sa school, nakita nila si Pola, “Hindi talaga ‘to nale-late kahit kailan eh,” sabi nya sa sarili. Lumapit sila dito, “Start na ba agad ng practice mamaya?” tanong nito kay Ralph, “Oo daw.” Lumapit sakanila ang MAPEH teacher nila, “Ralph, alam mo na ba yung plano para sa foundation day, mass demo ng fourth year?”, “Hindi pa po, sir.” Pagabalik sakanila ni Ralph, hindi maipinta ang mukha nito. “Oh, bakit ganyan mukha mo Ralph?” tanong ni Dawn, “By partners daw ang sayaw, umpisa boys muna sasayaw, tapos ng two minutes performance, girls naman, tapos next by partners na,” nakasimangot na sagot nito, “Oh, eh bakit nakasimangot ka?” tanong nya, “Syempre, sino pa ba makakapartner ko? Walang iba kundi si Brittany,” natawa sya, “Oh? Eh di ba maganda naman yun, sexy pa, di ba nga may gusto kayo doon?” tanong nya ulit dito, “Dati yun, pero nung nalaman ko yung ugali nya, Yuck! At nangako ako kay Darlyn nung Pasko. Na hindi na ko titingin pa sa iba, sya lang at wala ng iba. Magbabago na ‘ko, pare, I only have eyes for her,” natawa sya sabay kibit balikat.
Nag puntahan na sila sa kani-kanilang classroom, pagdating nila sa classroom nila nandoon na rin ang adviser nila. “Okay class, start na ng practice natin para sa Mass Demo, Saturday ang performance natin, we have five days to have our practice,” sabi nito sakanila, kailangan ko muna ng isang representative ng girls para tuturuan ni Brittany ng steps nyo,” may nagvolunteer naman na isa sa mga kaibigan ni Brittany, sa mga boys hindi na nila problema dahil si Ralph na mismo ang magtuturo noon sakanila. Habang naghihintay, nagumpisa nang mag-ingay ang klase, hanggang sa madatnan na sila ng adviser nila sa ganung sitwasyon. Nakita nitong nakatayo si Cael sa harapan ng classroom nila. “Mister Cael, gusto mo ba talagang magpasikat, at wala ka pang sapatos ha,” sabi ng teacher nila,”kumuha ka ng upuan at dalhin mo dyan sa harapan,” kumuha naman agad ito ng upuan, “dyan ka umupo, at gusto ko dyan ka lang hanggat di pa dumadating si Ralph,” umupo naman ito sa upuan, “At isa pa, ilagay mo yung isa mong sapatos sa ulo mo, kapag yan nalaglag, wag ka na sumali sa mass demo ha, alam mo na grade mo pag hindi ka nakasali doon.” Tahimik lang ang klase nila, dahil lahat nagpipigil ng tawa dahil nasa harapan nila si Cael at nakaupo na may binabalanseng sapatos sa ulunan nito. Noon nya lang napansin na may sugat ito sa kaliwang pisngi.
Dumating din sa wakas si Ralph, tinuruan kasi nito ang ibang representative ng ibang section. Lumapit agad sya dito, “Pare, tingnan mo si Cael,” sabi nya dito, tumingin ito kay Cael, “Oh bakit ano meron sakanya?” tanong nito na hindi napansin ang sugat ni Cael sa pisngi, “Tingnan mo, may sugat sya sa pisngi.” Nang makita ni Ralph, “Alam na kung sino yung nagpukol nang paputok nung bagong taon, tingin ko may sikreto yan si Cael eh, may ginagawa yang kalokohan. Balita ko kasi lagi nyang kasama sila Renz,” sabi ni Ralph. Ang grupo nila Renz ang isa sa pinaka kinaaayawang grupo sa school nila, hindi ito pasaway na matatawag dahil sobrang nakakabastos ito magbiro, wala rin itong ginagalang pati ang mga guro nila, pinagtritripan din ng mga ito, at higit sa lahat alam nilang gumagamit ito ng MJ. “Siguro nga,” sagot nya kay Ralph.
Habang nagpapraktis ng sayaw, nagkagulo sa labas, may nagaganap daw na inspection sa ibang klase, agad na nataranta ang mga kaklase nyang may dalang cellphone. Nakita nya ring nataranta si Cael, dati naman hindi ito natataranta kapag may inspection, dahil hindi naman ito mahilig sa cellphone kaya hindi ito natataranta, di tulad ngayon. Minamasdan nya ito kumilos, pero wala naman itong nilalabas na cellphone. Habang pinapanood si Cael, narinig nyang nagbubulungan na ang mga estudyante, “Ano daw yun?” tanong ng isa, “May nakita daw kayla Renz,” sagot ng isa, “Ano daw yung nakita?”, “Marijuana daw.” Pagkarinig nya nun ay agad syang tumingin kay Cael, lalo itong nataranta at ngayon, namumutla na ito. Ngayon alam nya na kung bakit. Dumating na ulit ang adviser nila, “Lahat ng may locker dito, sumama sa akin,” sbi nito sakanila. Sumunod naman sila, inumpisahan sa mga babae, kahit ang mga palusot ay hindi rin gumana, kapag sinabing hindi dala ang susi ay sinisira ang padlock. Madami din nakuhang cellphone, pero hindi pa doon natatapos ang lahat. Matapos maghalungkat ng mga bags at lockers, pinapunta naman sila sa gym. Nakita nyang nakasimangot na ang adviser nila, at kapag ganoon natatakot na ang mga estudyante, dahil isa ito sa mga ginagalang na teacher sa school nila. Sa lapag sila pinaupo, at lima limang pinapila, magkahiwalay ang lalaki sa babae. Alam na nila ang gagawin, kakapkapan sila.
Marami din nakuha, cellphone, make up, wax, babasaging pabango, deadly weapons, at ipinagbabawal na halamang gamot. Walang takas dahil kahit saan mo itago ay makukuha pa rin ito, pinapatalon at kinakapkapan. Napatingin sya kay Cael, namumutla pa rin ito. “Okay, lahat ng tatawagin ko maiiwan dito sa gym,” sabi ng fourth year chairman. Isa sya sa nabanggit na pangalan, kasama din si Ralph at Cael. Balita na hind daw gagraduate kapag hindi umamin kung sinu sino ang gumagamit ng MJ. Pagdating sa classroom kinausap sila ng adviser nila, kasama si Ralph. “Wag kayong mag alalang dalawa, alam kong wala kayong ginagawa, alam ko kasing alam nyo talaga kung sino yung mga gumagamit noon, at kahit naman uminom sila ng sandamakmak na sterilized milk, hindi pa rin mawawala yung ebidensya na gumamit sila noon.” Magkakaroon ng urine test para sa mga tinawag na pangalan kanina, relaxed lang sila ni Ralph dahil wala naman silang bisyo, at hindi naman sila gumagamit noon.
Breaktime, paglabas ng room nasa tapat ng pintuan nila si Pola, “Lindon!” tawag nito sakanya. “Bakit ka tinawag? Ano sinabi sainyo? Pinagalitan ka ba? Ano ba ginawa mo?” dirediretsong tanong nit, “Nag aalala ba ito? Cute ha.” Natawa sya, “Bakit ka tumatawa dyan? Ano ba? Ano nga sinabi sa inyo?” tanong ulit nito. Umarte sya, kunwaring nalungkot, “Pola, pano kapag hindi ako nakagraduate?” malungkot na tanong nya, “Hala! Bakit naman? Ano ba kasing kalokohan ginawa mo bakit di ka gagraduate?” tanong nito. Natawa ulit sya, “Wala! Tara na kain na tayo, gutom na ko eh.” “Ano ba yan, nagtatanong ako eh,” nakasimangot nitong sabi habang bumababa sila ng building.
BINABASA MO ANG
Beauty and The Pig (Tagalog)
Teen FictionSabi nga nila, kung kayo talaga ang para sa isa’t isa kayo pa rin sa huli, kahit laos na kasabihan totoo naman, at ang pagseselos ay hindi palaging nangangahulugan ng kakulangan ng tiwala, minsan mahal ka lang talaga ng isang tao kaya nagagawa nyan...