13. Flavors

8.8K 247 10
                                    

"Ate, papasok kaba?" Huminga ako ng malalim pagkatapos kong ayusin ang sarili ko. Unang araw ngaun ng pasok for this year. Nasa fourth year na ako at graduating by the end of the year.

"Ofcourse, dapat ikaw din.." ngumiti ako kay Kristele na alam kong wala siyang gana pumasok. Hindi pa din natapos ang away ni Daddy at Mommy kaya apektado na masyado si Kristele. Ako din naman, kaso hindi naman pwede tumigil ang buhay namin porke nagkakagulo ang pamilya namen. I've been there. I sacrificed my youth dahil sa gulo ng pamilya. I don't want to happen it again. 

Ngumuso si Kristele at binagsak ang katawan sa kama ko. Umiling ako at tumayo para sundan siya at hilain sa kwarto niya para makapag-ayos. Hindi naman pwede na pabayaan niya ang pag-aaral niya dahil sa nonsense drama ng magulang namin. "Tumayo ka jan', Kristele. Papasok ka sa ayaw at sa gusto mo." Seryoso kong sabi sa kanya.

"Pero ate..." mahinang sagot niya. Tumayo siya at bumuga ng hangin. "Paano si Mommy? Palagi silang nag-aaway ni Daddy.. baka di--" hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya ng umiling ako. "Walang mangyayari kay Mommy. Ginusto niya yan kaya pabayaan natin siya.." malamig na usal ko. Totoo naman, Mom has a choice pero pinili niya yung ganyan paraan. Masira man siya ay siya ang gumusto niyan. Pagod na pagod na ako sa mga drama ng pamilya. Sobra.

Parang kahit ano ang gawin ko para sa amin ay hindi pa din sapat. Hindi pa din sapat kay Mommy na nadito kami ni Kristele para sa kanya. Bakit gustong gusto niya si Daddy na hindi naman karapatdapat para sa amin? Hindi paba kami sapat? Am I not enough?

"Okay, sabay na tayo?" Tumango ako kay Kristele hanggang tuluyan na siyang lumabas ng kwarto ko. Mamaya pa naman ang unang klase ko kaya may time pa ako para hintayin siya. Gusto ko lang naman umalis ng maaga para hindi ko na abutan ang pagtatalo nila Mommy. Kung pwede nga lang ay sa Pluto na ako tumira kaso hindi pwede dahil nabura na ang Pluto sa mga planeta. E, kung sa Jupiter nalang kaya? Hays!

"Be good, Kristele.. bawas bawasan mo ang pagka-bratinela mo sa classroom, okay?" Payo ko sa kanya ng makatapat kami sa LSU. Hindi naman kasi masyado pinapagamit sa kanya ang sasakyan niya dahil bata pa siya. Umirap si Kristele kaya napailing ako. "Why do have to preach me everyday?" Iritadong salita niya tsaka mabilis na lumabas at padabog na sinara ang pintuan ng sasakyan ko. Napapikit pa nga ako ng bahagya dahil sa lakas ng kalabog.

Bakit siya nagagalit kung pinagsasabihan ko siya araw-araw? It's for her, tho. Ginagampanan ko lang ang tungkulin ni Mommy na hindi niya magawa dahil sa mga kabaliwan niya. I'm the eldest so I want my sister to act proper. Abnormal na nga ang pamilya namin abnormal pa si Kristele..

Napabuga ako ng hangin ng makalabas ako sa sasakyan. Medyo malayo pa ang lalakarin ko dahil sa building three pa ang unang klase ko.

Napangiti pa ako ng makita ko sa parking ang sasakyan ni Luther at ng mga pinsan ko. Nandito na sila? Ang aga ah..

"Sasha!!" Napalingon ako sa kabilang side ng field. Nakita ko ang maingay at kumpulan na grupo nila Camille doon. I smiled and walk towards them.

"Kamusta ang bakasyon?" Nakangiti kong salita sa kanila ng makalapit ako.

"Eto, bitin nga, e.  Pero na enjoy ko.." Camille answered me after giggling. Tumango ako at napakunot ang noo dahil nakatuon ang mga mata nila sa Ipad na hawak ni Sia.

"Grabe!! Totoo bang wala na dito si Simon?" Sabay sabay na salita nila kaya lalo akong naguluhan. Ni hindi nga nila napapansin na nakatingin lang ako sa kanila.

"But damn, he's one of a hell hot!!"salita ni Davina na ikinakunot ng noo ko.

"And, Jesus!I think Simon taste like heaven.." napatayo ako ng makaramdam ako ng iritasyon! Pinagnanasahan nila si Simon? At haler? Nandito ako!

No Strings (Strings Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon