*Jake's POV*
Nakaka bading, pare. Kahit ako nagulat sa sinabi ko na 'i like you too' kay Kate.
Flashback
"I have no idea kung ano to but.. everytime na makikita ko sya, parang alam mo yun.. sumasakit yung tyan ko? Parang nagbubuhol buhol yung mga internal organs ko. Akala ko nga nac-cr ako e. Then everytime na hinahawakan nya ko.. parang ang lakas ng kuryente. At.. nung hinalikan nya ko? I felt.. Ugh.."
Hnihintay ko yung susunod na sasabihin nya. Teka. Ano ba 'tong ginagawa ko? Diba dapat iniinis ko sya? Eh ba't parang ako pa yung naiinis? Naiinis ako dahil.. hindi ko yun magawa sakanya? Labo naman oh.
"You felt.. what?"
Napatingin si Jamie at Kate sakin at halatang halata sa mukha nila na gulat na gulat sila.
"Guess you're inlove with me.. li'l sis." I winked then smile.
Kitang kita ko na namula si Kate. Grabe. Ang bilis nya mamula. Pati halatang halata eh. Kaya gustong gusto ko sya asarin. Natutuwa talaga ko pag namumula sya. Teka. Ano ulit? Natutuwa ako?
"Y-you heard me?" Alam kong ine-expect nya na mag 'no' ako. I nod and smile instead.
At alam ko din na hiyang hiya sya ngayon. Pero bakit parang may gusto ko sabihin? Parang may gusto ko gawin? Bahala na.
Lumipat ako sa tabi nya then whispered..
"Wanna know a secret?"
"I like you too."
Sinabi ko lang yun para lalo syang mamula at para lalo akong matuwa. Pero bakit parang ibang tuwa 'to? Hindi kaya.. hindi kaya.. Ayy ano ba yan! Hindi kasama yan sa plano, Jake.
Pero ba't ba di ko sya matiis?
End of flashback
Paguwi ko sa bahay. Dumiretso agad ako sa kwarto ko. Nag shower then maya maya may kumatok sa pintuan ko.
"Jake. Kakain na." Narinig ko si Tito Michael.
Pababa na sana ko pero di ko mahanap yung Vneck ko. San ko ba nalagay yun? Alam ko nandito lang yun eh. Ilang minuto na lumipas di ko parin mahanap yung Vneck ko. Papunta na ko sa may pintuan para buksan at itanong kay mama kung nasaan.
Pero biglang bumakas yung pinto.
"Ano ba! Kakain na da---" Bigla naman syang natulala then ready na para sumigaw habang nakatingin sa baba.
Ano ba yun? Napatingin ako sa baba at nakita ko ang aking minamahal na katawan.
"Aaaaaaaaaahhhhhhhhhh!" Bigla naman nagtakip ng mata si Kate at tumakbo.
Problema ba nun?! Ngayon lang ba sya nakaka kita ng abs? Arte ah! Sya na nga 'tong pinagpala. Tsss. Tsaka naka boxer naman ako! Ako na nga nasilipan dito ako pa sinigawan. Badtrip yun ha.
*Kate's POV*
"Asan na ba si Jake?" tanong ni tita Bianca.
"Tinawag ko na eh. Tawagin mo nga ulit, Kate." sabay tingin sakin ni Papa.
Haay. Badtrip naman. Gutom na gutom na ko eh. Pano ba naman di ako nakakain kanina! Pagkatapos ng mga pinagsasabi ng demonyong yun? Haaay.
Hinawakan ko yung door knob nya. Nakaka asar. Gutom na gutom na ko ang bagal bagal paaa. Binuksan ko yung pinto nya then...
"Ano ba! Kakain na da---" Tokwa.Toyo.Suka.Patis.Tofuuuu. Isang nagbabagang katawan ang nasa harapan ko. Ang mga mata ko. Nadikit sa mga pandesal ng taong 'to.
""Aaaaaaaaaahhhhhhhhhh!" Sa sobrang gulat ko napatakip ako ng mata. Pero syempre may butas. JOKE! Tumakbo ko palayo sa kwarto ng demonyong 'to.
"Ano yun? Ba't ka sumisigaw????" tanong ni tita bianca.
Pumunta naman si Papa sa kwarto ni Jake then....
"BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAAHAHA!"
O-kay? Anong nakakatawa? Pagkatapos kong maka kita ng mainit na pandesal-- I mean, ng censored pagtatawanan ako? Ayos ah.
"Pagpasensyahan mo na 'tong si Kate ha, Jake? Nabigla siguro sya. Hindi kasi sanay makakita ng mga ganyan. HAHAHAHAHAHA."
Bigla naman lumabas si Jake at this time naka shorts at Vneck na. He smirked at me then..
"Hayaan mo, Tito. Sasanayin ko."
Waaaaaah! Kinikilig ak-- I mean nandidiri ako! Di ba sya kinikilabutan? Sabihin pa yun sa harap ng magulang namin ha? Kadiri talaga. Brrr.
"Osige na. Halika na at kumain na tayo." Yaya ni Tita Bianca.
After namin kumain tinulungan ko si Tita Bianca mag ligpit. Bukas pa yata dadating yung maid. After ko magligpit, nagpaalam na ko para umakyat at pumunta sa kwarto ko.
Syempre I checked my phone to see kung nagtext ang aking labs. And there I found 3 messages and 2 missed calls.
Tinignan ko muna yung missed calls and it's from Troy.
I checked the messages. Binasa ko yung first message.
From: Babe ♥
Babe. Kumain ka na? I'll call you later. Missyou...
I read the second message.
From: Babe ♥
Babe. Iloveyou. Kain na. Text ka pagkatapos. I miss your voice.. :*
Hihihi. Ako'y kinikilig. Ang saya lang pag nakakabasa ko ng mga text messages na ganto from him. Pero pag click ko ng third message..
From: asdfghjkl
Oy, manyak!
What the---?! Ako pa manyak?! Kapal ha.. hindi ko naman ginusto na makita yung pinagpalang katawan nya na yun noh! Pati it was an accident, pwede ba!
Di ko nalang pinansin yung text ng mayabang na yun. Syempre ni-reply-an ko agad yung babe ko. Sabi ko kumain na ko and I miss him so much.
*No matter what I do all I think about is you. Even when I'm with my boo, boy you know I'm crazy over you~~~*
Kinuha ko agad yung cellphone ko and I answered his call.
"Hi babe." That voice. I miss his voice.
"Hi."
"I miss you." Ay, Kilig naman ako dun. HAHA.
"Landi mo talaga. I miss you too." Then I giggled.
Ilang oras pa kami nag usap then after nun binaba ko na. Haay. Boses lang nya, buo na araw ko. :) Pag end ko ng call, nakita ko si Jake sa may pinto.
"Ayy pandesal! Ano ba! Anong ginagawa mo dyan!" Grabe nakalimutan ko i lock yung pinto.
"Ayos sa ringtone ah." He smirked then leave.
Ano daw???? Narinig nya? Ibig sabihin kanina pa sya dun? Gulay. Napaka chismoso talaga ng lalaking yun. Pati ba naman ringtone ko pakialaman? Grrr.
Ganun ba ka obvious? >.<
---------------------------------------------------
A/n: At dahil sinisipag akong mag sulat. HAHAHA. Na inspired ako sa aking reader. Natutuwa talaga ko. :''> Para sayo. Enjoy. :)))
BINABASA MO ANG
My secret l♥ver.
Teen FictionBakit nga ba halos lahat ng bidang babae sa isang story.. e mas naiinlove sa mga character na badboy kahit meron namang goodboy? Hmm. Bakit nga ba? :3 Read this story and know why. :)