Carina's Math Love Book (ONE SHOT!)

68 4 0
                                    

ÿþMarami ng naimbentong istorya dito sa wattpad. Madalas, uso ang tanga-tangahan ng mga characters. Stories often happen like yung taong para sa iyo ay nandyan lang sa paligid mo, nakikita mo, nakakausap, nakakangitian at minsan ini-ignore mo pa nga. Tapos hinahanap mo yung taong gusto mo sa ibang tao pero sa huli, mare-realize mo na yung taong lagi mo palang kasama ay yung perfect girl or boy para sa iyo. Cliché, ika nga nila.  

Pero paano yan kung malas ang love story mo at yung taong laging mong kasama na feeling mo ay mahal mo na ay hindi naman talaga para sa iyo. Asumera na nga ang peg mo, nasaktan pa pati ang inassume mong lover mo.  

At ang masama pa ay binuhol ni Mr. Destiny ang buhay mo sa taong hindi na nag-eexist sa mundo. Poor love life ang ending mo. Paano na ang puso mo? Hahayaan mo na lang ba itong lalong mabuhol sa taong hindi mo pa nakikita at nakikilala o gagawa ka ng paraan para maputol ang napakanipis na sinulid na nagdudugtong sa puso niyo?  

This is how the story goes...  

Bern Velasco.  

Ang poging Handsome ang middle name at ang nag-iisang matalinong bobo sa mundo.  

Half englishero at half makatang Pilipino,  

Huwag mo lang tapatan ng Math dahil nagno-nosebleed sa numero.  

Gets?  

Isa siyang taong fulltime mag-aral sa lahat ng subject maliban sa matematiko.  

[a/n: Enough for rhymes, at baka maging tula ang istoryang ito.]  

Time check- 3:45 bago ang end of the world, este ang Math subject ni Bern. At dahil nararamdaman na ng kanyang katawan ang masamang aura na nanggaling sa Math book na nasa loob ng kanyang bag pack ay tumutulo na ang pawis niya mula sa ulo pababa ng leeg.  

Isa na namang oras ng kamalasan at kabobohan ang kanyang mararanasan sa kamay ng terror niyang teacher sa math na si Mam Lucrexia na apple of the eye siya sa tuwing nagtuturo. Hindi siya mapakali sa kanyang kinauupuan. Sigurado siya na torture na naman ang aabutin ng utak niya sa mga numero.  

Hindi naman sa idiot siya, ang problema lang talaga ay parang may pangpapatulog ang mga numero kaya t madalas ay humihilik siya sa klase. Ngunit noong mahuli siya ng halimaw na si Lucrexia na natutulog ay pinalipat siya sa harap para lalo niyang mabantayan ang kaawa-awang si Bern.  

"Hey Trace, punta naman tayong Library. Inaantok na talaga ako dahil pinagpuyatan ko yung report ko sa English kagabi sinabi iyon ni Bern ng nagpapa-awa.  

Alam niya na alam ni Trace ang nasa isip niya.  

Si Tracey Castillo. Ang kanyang friend, close friend, best friend, girlfriend, tutor at chaperone na din. Sa sobrang close nila ay minsan lang silang maghiwalay, lagi silang magkasama except lang sa pag-uwi dahil seperate ways sila. At syempre pati sa pagpunta sa Comfort Room ay hindi sila magkasama.  

Sanay na din naman ang mga classmates nila sa kanilang natural sweetness kahit na tinatanggi nila na meron silang relationship which is wala naman talaga.  

Once upon a time, they became childhood sweethearts. Noong bata pa sila ay may sumpaan na silang sila na talaga. Pero nagbago na ang lahat sa high school. Kahit close sila ay hindi na nila napag-usapan ang ganoong bagay.  

Ngunit sumasagi pa rin sa isip ni Bern na si Trace na nga talaga ang para sa kanya dahil madami na talaga silang pinagsamahan pero sa tuwing naiisip niya iyon ay parang nagkakaroon ng tensyon sa puso niya.  

Tila may sariling isip ang puso niya at tumataliwas iyon sa utak niya.  

"Really? Oh baka naman dahil math time na. Tigil-tigilan mo nga ako sa mga palusot mo! Your laziness sucks!  

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 12, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Carina's Math Love Book (ONE SHOT!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon