Halos dinumog na ako ni mama ng tanong kung saan ba daw ako pupunta at bakit ako nagmamadali. Ang sarap lang sapakin ng sarili ko -.- Nag sinungaling pa ako sa nanay ko na pupunta lang akong Park at mamamasyal. Bwesit na pasyal pasyal na yan! Ewan ko nalang talaga kay Liam pag pinag lalaruan lang ako ng taong yun. Malilibing ko yun sa lupa!-.-Di naman medyo kalayuan ang Park kaya naka abot rin ako na fresh na fresh na. Nilibot ko ang paningin ko at nakita ko si Liam sa may ilalim ng puno na may dalang Frappe at nakangiti. That smile, it gives me shiver. Sarap nyang suntukin >_<
Nilapitan ko na at tumabi sa kanya. Ang sarap kaya ng dala nya. Yummmm!
"Pengeng isa."sabay hablot ko sa Frappe. Di yan aangal, paano pa aangal yan eh kinuha ko na haha.
"Akala ko di ka pupunta."he said breaking the silence between us.
"Nako lang Liam, pag yan di importante, nako talaga mapapatay kita! Nagsinungaling pa ako kay mama na mamamasyal lang ako sa Park eh! Sabihin mo na kung ano yung sasabihin mo. Dali na kasi."para akong batang ewan dito nag pu-puppy eyes sa kanya. Pwe! Tigil tigilan mo yan, Cassandra. Ako na talaga sasapak sa sarili ko pag nagkataon.
"Yung nga, mamamasyal tayo."sabay hila sa kamay ko at kinaladkad nya ako papuntang kotse nya.
Amputa-.- Akala ko ba may sasabihin sya? Eh ang drama pa nya sa phone kanina ah? Na kesyo daw kaylangan nya ng kausap bla bla bla~ Ewan ko sa kanya. Tapos ngayun, mamamasyal lang? Wala akong dalang PERA!! Kabwesit ang Unexpected Pasyal Together na ito. Aissh! Ano ba, Cassandra? Sinabing WAG LUMANDI eh! -.-
"Saan ba kasi tayo pupunta?! Iuwi mo na kasi ako, wala ka naman palang sasabihin eh!"sigaw ko sa kanya sabay hampas. Ayan bagay sayo, siraulo ka! Bwesit! Bwesit! Bwesit! Kung ako lang talaga masusunod, kung kaya ko lang talaga syang takasan, kung madali lang talaga syang layuan, ginawa ko na. Pero hindi eh, kapag nilalayo ko sarili ko mas lumalapit pa sya. Palapit ng palapit hanggang sa di ko na namamalayan na nagagawa ko na ang mga bagay na di ko nagawa at di ko dapat gawin. Nagkasala na talaga ako kay Lord.
"Stop punching me, Cassy. Aray! Ouch! Ano ba!! Masakit na ah--"sabay hawak nya sa kamay ko at nilapit nya yung mukha niya sa akin. We're inches apart. Putakteng puso 'to, bakit parang sasabog na?!
"Aaaaaaaaaaaahhhh!!!!"sigaw ko sa kanya. Sana mabingi ka, putragis!
"Can you please, SHUT UP?!"
O.o
>_< Naman eh! Bwesit sya! Ba't nya ba ako sinisigawan? Eh bakit ko nga naman sya sinisigawan? Anong paki ko sa ginawa nya eh wala naman >_<
Wala dawng paki pero kinikilig na. Sus umamin ka na kasi. Bwesit ka din ah! Ba't ba umeepel na naman tong mga Assuming Thoughts na ito? Bwesit kasi Liam eh!
Umupo nalang ako ng maayos at nag seatbelt, wala akong magagawa kundi sumunod nalang sa kanya. Nakakatakot naman kasi syang magalit eh.
"Ah eh--Ano kasi. W-Wala akong dalang pera. Naka pangbahay nga lang ako oh."i said breaking the silence. Nakakabinging katahimikan -.- Nakakaawa naman bulsa ko. Walang kalaman laman ahuhu T . T
"I'm sorry about a while ago. I was just, you know---Aish! Ang ingay mo kasi eh. Pero don't worry, my treat"then he winked at me. Ohemgeeeeeeee! Tama na kalandian! Kinikilig ako pero WHATEVER! -.- Hindi pwedi! Erase! Erase!
"Hoy, Cassy? You're blushing."
Inayos ko nalang ang pag upo ko at iniwasan yung tingin nyang nakakatunaw. Bakit ba ako nagkakaganito. Eh pag nakakita naman ako ng mga gwapo, di naman ako nang b-blush ah -.- Eh bakit pag kay Liam? Aisssh! Umiinit ulo ko sa mga nangyayari eh. This is so freaking weird. Like totally weird! And I hate this feeling.
BINABASA MO ANG
Chasing Cassy
RomansHindi ko gusto ng magulong buhay. Pero bakit ganito? Parang mas gusto kong habulin nya ako kahit na masaktan man ako. -Cassandra Abueva Date Started: May 8, 2017