Chapter 14

174 16 0
                                    

A/N : I really appreciate you my readers. Sana pakatutukan niyo pa 'to hanggang sa huli. Kamsahamnida. 😁 Ang chapter na ito ay handog para kay Theo.

Theo's POV - Aking Allison.

Mahal kong si Allison. Bumalik ka na sana please.

Throwback...

"Ipaglalaban namin ang aming pagkakaibigan hanggang sa huli!" sigaw ko sa mga magulang ni Allison. "Hindi niyo kami mapagkakahiwalay. Mahal na mahal namin ang isa't-isa." sabi ko.

"Lumayas ka sa buhay ng anak namin. May itinadhana na sa kanya. Matagal na naming pinagpaplanuhan ito. Ayaw naming masira dahil lang sa isang walang kwentang katulad mo!" sigaw ng Mama ni Allison.

Kasaluluyan akong nakatayong mag-isa sa harapan ng magulang ni Allison. Pinagpipilitan akong layuan ko na siya.

"Kung ayaw mong lumayo kay Allison, pwes gagawin namin ang lahat para magkalayo kayo!" sigaw niya ulit.

Kinabukasan, tinawagan ako ni Allison.

["Theo! Theo."] hagulhol na iyak niya ["Sabi ni Mama, pupunta kami ng States. Doon na daw ako papaaralin niya or else palalayasin niya ako sa bahay."] dinig ko mula sa tenga ang iyak niya. Napaluha nalang ako.

Anong gagawin ko? Paano? Mahal namin ang isa't-isa. Ayokong mawalay sa kanya.

5 days after...

Pinuntahan ko siya sa Airport para pigilan sila. Alam kong wala akong magagawa dahil mama niya ang nagplano nito. Habang pahakbang ng pahakbang ako, nawawalan ako ng pag-asa na makita siya. Nasaan siya? Tumakbo ako paakyat. Tumakbo ako ng tumakbo para makita lang siya. Ngunit huli na pala ako ng nalaman kong wala na siya, aking Allison.

End of throwback...

Hanggang ngayon, hindi ko pa nagagamit ang kapangyarihan ko. Plano ko sanang ipakita ito kay Allison pag kasal na kami. Hindi ko gagamitin ang kapangyarihan ko hanggang hindi ko siya makita.

Hawak-hawak ko ang kwintas niya. Ang tanging kwintas na naiwan niya mula saakin. Buti si Jane lang ang may hawak nito. Napag-isip isip ko, may pagkakapareho lang ng ugali si Jane at Allison. Pero ewan ko ba, loyal lang muna ako kay Allison.

Andito ako sa kwarto ko. Wala pa ang roomate kong si Peter. Saan kaya siya. Alas tres pa naman ngayon eh. Wala din kaming klase ngayon. SC President din ako atsaka Class Vice.

Nabigyang pansin ko nalang na biglang may pumasok sa room ko. Si Peter lang pala. Kaklase ko siya. Isa din siyang Bloodarian.

"Huy! Pres Vice Theo! Nabalitaan mo na ba?" sabi niya saakin.

"Huh? Ang alin?" sabi ko.

"Hay nako! President ka pa naman, pero hindi mo alam ang nangyayari?" ani ni Peter.

"Ano nga! Sabihin mo na." Inis ko. Ang tagal namang sabihin.

"May tao dito sa Vampire Academy! Naku! Pag fresh yun, ako ang unang kakain ng mga dugo niya! Ha-ha-ha!" sabi niya.

"Hoy! Di mo ba nakakalimutang Good Vampire ka ha? Atsaka ano? Paanong? Paanong nagkatao dito sa Vampire Academy?" tanong ko.

"Ewan ko, tanungin mo sila." sabi niya.

May tao dito sa Vampire Academy?

Sino naman ang magtatangkang pumasok dito?

Itutuloy...

A Vampire's Love #WattpadStoryAwards2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon