START

0 0 0
                                    

"Jaaay gumising kana, at baka malate ka sa klase mo ngayon!"

nagising ako sa sigaw ni mama sa baba , ano ba naman yan alas 5 palang ng umaga nanggigising na siya,  samantalang 7am pa ang pasok ko, Inaantok pa ako. Letche naman oh!

"Jayy anaak, gumising kana diyan, bumababa kana. nakahanda na ang pagkain."

Sigaw ulit ni mama sa baba.

"Opo ma, bababa na po ako. maliligo lang ako."

"Bilisan muna!"

At dahil nagmamadali ang mama ko ay binilisan ko nalang ang pagligo ko, ilang minuto lang at natapos na ako, At dahil first day ngayon e naka ordinary lang ako. Newbie pala ako sa Dream high academy so, wala pa talaga akong kakilala.. Ni isa wala talaga. Kumusta kaya ang school ko? Maganda kaya? Marami kaya akong magiging kaibigan? paano kong ibubully lang nila ako? marami kayang gwapo? Chooss. Hahaha Sana maging okay ang araw na to. Hayst! Inayos ko nalang ang mga gamit ko. Btw 1st year college pala ako kaya fresh na fresh talaga ako sa school na yun. I check the time, 5;48. So, hindi muna ako bumababa dahil sobrang aga pa para pumasok.. So nag tweet muna ako sa twitter. "First day" then I check my Fb account, grabe naman halos lahat ng nasa news feed ko puro "FIRST DAY" lalo tuloy akong kinakabahan sa kung anong pweding mangyari sa school. Then a few minutes tumunog ang messenger ko. "Hi. Sana maging kaibigan kita, Welcome sa DHA. mag eenjoy ka promise"

Nagulat ako sa nakita ko, Sino kaya to? at bakit wala siyang pic sa Fb? Nasa kalagitnaan na ako ng pag tytype ng tawagin ako ni Mama.

"Ano ba Jay! Malalate ka niyan! Hindi ka pa rin ba nag aayos? Bumababa kana nga diyan at kumain kana dito!"

Sigaw ni mama sa baba.

"Oo ma, tapos na ako baba na ako"

"First year college kana anak, hindi kana high school matututo ka nang maging responsable sa buhay mo, wag kang tatamad tamad dahil hindi ka niyan uunlad? Naiintindihan mo ba ako? at isa pa, ayoko muna na mag boboypren ka ha? Pag may tumititig sayo wag mong papansin at tsaka wag kang mamimigay ng # mo. Ayoko rin na gumagala gala kayo pag my naging kaibigan kana, dapat alas 5 palang ng hapon nasa bahay kana. Okay? Mahirap na at bago ka palang diyan sa school na yan."

Sinermonan lang naman ako ni mama habang kumakain, at siya naman hinahanda niya ang lunch namin ni Kuya. Ewan ko ba kay mama. May pambayad naman kami ng Yaya pero hindi siya kumukuha, Gusto niya daw siya ang mag silbi samin. Hayst!

"Oo ma" Yun nalang ang naging sagot ko sa haba ng mga sinabi niya..

"Princess alamin mo yung schedule mo pra alam ko kung kailan kita susunduin." Sabi naman ni Kuyaa. Isa pa tong strikto!

"Opo Kuyaa"

"Maa, Alis na kami ni princess." Sabi ni kuya kay mama.

"Sige, mag iingat kayo ha? ajay bantayan mo yang kapatid mo! Sabay kayong kakain, at uuwi."

At naka-alis na kami ni Kuyaa, good thing at my kotse siya, regalo kasi yan ni papa samin noon. 2nd year high school si kuya. Nursing ang kinuha niya. Ako rin 1st year at nursing din ang kinuha ko, same school kami, hindi ko naman kasi gusto mag aral sa DHA ee si papa kasi gusto niya doon kasi daw doon daw nag tapos ang mga kapatid niya at gusto niya na doon din kami ni Kuyaa. Ilang minuto lang naman at nasa school na kami, kinakabahan na ako, hindi ko kasi talaga alam kong saan at paano ako magsisimula.

"Princess alam mo na ba ang room mo?" Tanong ni Kuyaa.

"Hindi pa kuya, hahanapin ko palang. " sabi ko

"Ahh samahan nalang kita, total alam ko naman ang room ko." Sabi niya.

Sige..

LAKAD LAKAD LAKAD LAKAD

Ang luwang luwang naman ng school na to, ang daming estudyante, ang gaganda ng mga babae, ang arte nga lang ng iba, ang dami ring mga gwapong lalaki. Kumusta kaya ang magiging buhay ko sa school na to? hayst! Sana maging maayos ang lahat. :( Sana talagaaa. Sanaaa..

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 26, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

WHEN WE WERE TOGETHERWhere stories live. Discover now