Noong una ay akala ni Amira na kailangang ipakita niya sa iba ang kaniyang totoong nararamdaman upang mas lalo siyang makilala ng mga taong nakapaligid sa kaniya ngunit ito'y nag iba ng mapansin niyang walang kamalay malay ang kaniyang mga magulang sa kaniyang pinagdadaanan.
Bata pa lamang si Amira ay isa na siyang masayahing bata. Nakikipaglaro siya sa kaniyang mga pinsan at kapitbahay. At sa murang edad ay natutunan niyang magparaya dahil maaga siyang nasundan ng kapatid. Kinailangan niyang matutong mag alaga ng bata at iwan ang nakasanayan na paglalaro at pakikipag kaibigan kahit alam niyang karapatan niya bilang isang bata na maranasan ang buhay na walang iniintinding iba kundi ang magpakasaya.
![](https://img.wattpad.com/cover/110502451-288-k922237.jpg)
BINABASA MO ANG
Lost In The Middle
Non-FictionAkala ng iba totoong masaya ang tao kapag nakikita nila itong nakangiti, ngunit ang hindi nila alam ay may itinatagong lihim sa likod ng iyong magagandang ngiti at malulutong na tawa. Hindi nila alam ang iyong totong nararamdaman dahil akala nila ok...