"Di ko alam kung masuwerte ba ako at sa mura kong edad ay naranasan ko nang umibig. Dati pag-aaral lang at paglalaro ang pinagtutuunan ko ng pansin pero nagbago ang lahat nang makilala ko si Andrew." ~ Ellie
Magkababata, magkalaro, at mag best frien...
HAPPINESS is having an older brother who takes care of you. ❤
Ellie's POV
Ang saya ng araw na ito. Ngayon lang yata nangyari na hindi ako inasar ni Mike. Sana nga lagi na lang ganito. Kaya lang kinabahan din ako kanina dahil akala ko mabubuking na ako. Sana'y hindi niya napansin ang pamumula ng aking mukha. Baka nahalata niya na siya yung crush ko. Hindi pwedeng mangyari yon dahil nakakahiya talaga sa kanya ganun din kapag nalaman ni Kristoff at Andrew. Wala na akong mukhang ihaharap pa sa kanila.
Naiisip ko pa rin ang mga sinabi ni Mike sa akin kanina.
"Maganda ka Ellie." Paulit-ulit na bumabalik sa aking isip.
"Hindi kaya malabo na ang mata ni Mike? Nagagandahan talaga siya sa akin?" Humarap ako sa salamin. Tinitigan ko ang aking sarili.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Saan banda kaya yung ganda ko? Nag-side view ako, front view, at side view ulit.
"Bakit hindi ko makita?" habang nakadikit ang kamay ko sa ibabaw ng aking kilay na parang nasisilaw.
Nang biglang napansin ko si Elmo ang nakababata kong kapatid na nasa sa likuran ko.
"Ate, anong ginagawa mo dyan?" tanong niya sa akin.
"Ah wala may hinahanap lang ako" habang nakaharap pa rin ako sa salamin.
"Dyan sa salamin? Anong hinahanap mo dyan?" nagtatakang tanong niya ulit.
"Hinahanap ko yung ganda ko" habang pakunwari akong may hinahanap sa harap ng salamin.
"Ay, naku! Malala ka na teh" pailing-iling na umalis si Elmo.
"Mga kapitbahay! Si ate....hinahanap daw niya yung ganda nya!" pasigaw na sabi ni Elmo.
"Uy! Wag kang maingay! Joke lang yon e." natarantang saway ko sa kanya.
Inaasar na naman ako ni Elmo. Madalas nila akong mapaiyak kapag nag-aasaran kaming magkakapatid. Kaya minsan iniisip ko na sana hindi na lang ako ang naging panganay. Sana may kuya ako na hindi ako aasarin at ipagtatanggol ako kapag may umaaway sa akin.
Kinabukasan.
Recess na namin. Tapos na akong kumain at gusto ko sanang matulog muna dahil napuyat ako kakaisip nung nangyari kahapon. Matagal pa naman ang break. Yumuko ako sa desk at pumikit. Biglang may naramdaman akong tumabi sa akin. Iniangat ko ang mukha ko at nakita ko si Andrew na nakatingin sa akin habang nakapangalongbaba sa desk.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.