40. FLORENCE

119 8 0
                                    

Sabi nga sa isang kanta ni Selena Gomez, The Heart Wants What It Wants. Kung may song title man kasing makakapag-describe sa nararamdam ko ngayon, yun na siguro yun.

Kasi ang saya ko ngayon eh. Kahit pa kami na ulit ni Ivan, hindi ko pa rin maitatanggi na masaya ako sa nangyayari ngayon. Magka-holding hands ba naman kami ngayon eh.

Kahit na ang korni, at bawal (dahil kay Ivan) kinilig pa rin ako sa simpleng bagay na yun. Parang sa pelikula, tumakbo kaming walang pakialam. Palabas ng school ang tinatahak naming direction pero bigla na lang umambon. Narinig ko siyang natawa bigla, at hindi ko na siya naiintindihan. Baliw na ba siya?

"Bakit palagi na lang umuulan kapag kasama kita nang ganito?" Tanong niya. Pero bago pa man ako makasagot sa kanya ay hinila niya na naman ako sa kamay and this time ay lumihis kami papunta sa auditorium. Tumakbo kaming dalawa nang mabilis dahil lumakas yung ulan. Nagtungo kami sa likod ng building at doon kami sumilong. Buti na lang may dala akong face towel this time kaya pinunasan ko ang sarili ko. Medyo nabasa din kasi ako.

Tiningnan ko siya, na nakatayo sa tabi ko. Inaayos niya ang buhok niyang nagulo dahil sa ulan. "O, hiramin mo." Inaalok ko yung face towel ko sa kanya. Tinanggap niya naman yun at pinamunas niya sa mukha niya.

"Thank you."

Tumango ako. "Thank you rin at nilayo mo ako dun sa girlfriend mong praning."

Hindi niya ako kinontra, so ibig sabihin girlfriend niya nga talaga 'yung impaktang 'yun. Ang hirap kasing paniwalaan kahit lahat na ng tao yun ang sinasabi. Parang ngayon lang ako naniwala dahil si Geoff na mismo ang nasa harap ko, at hindi niya naman dineny.

"Ayos ka lang?"

Nginitian ko siya. "Oo naman. Ako pa ba? Hindi ang tulad niya ang magpapabagsak sa'kin."

Akala ko ngingiti siya tulad ng dati pero hindi, seryoso lang siyang nakatingin sa'kin. "Mag-iingat ka dapat sa kanya, Florence. She's not someone you should piss off."

Nagulat naman ako dun sa sinabi niya. "What do you mean? Hindi ko siya lalabanan? Aba, siya itong unang nang-away sa'kin!"

Nagbuntong-hininga siya. "Alam ko. Kilala naman kita. Alam kong hindi ka makikipag-away kung hindi ka uunahan."

"Buti naman alam mo. So ano 'yung sinasabi mo, bakit ano ba'ng gagawin niya sa'kin kapag inaway ko siya?" Tanong ko.

"Balak niyang ipahiya ka," pagtatapat ni Geoff. "At yun ang hindi ko hahayaang mangyari."

Kinakabahan naman ako sa mga sinasabi niya. Feeling ko may gusto siyang ipahiwatig sa'kin. Gusto kong magtanong pa tungkol doon, pero nawawalan na ako ng gana. Kung hindi niya sinabi yun sa'kin noon, eh ano pang dahilan niya para sabihin ngayon?

Bakit, hindi na niya kaya?

Naalala ko tuloy yung sinabi niya nung tumawag siyang lasing isang gabi. Ang sabi niya nun, baka hindi niya na raw kayanin kung ano man 'yang ginagawa niya at baka bumalik na raw siya sa'kin 'pag nagkataon. Parang unti-unti ko nang nadidiskubre kung ano ang nangyari kay Geoff.

Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit hindi niya sinabi sa'kin kung ano yun. Na parang itinago niya yun sa'kin para hindi ako masaktan. Pero nasaktan pa rin ako in the end.

Medyo tumila na ang ulan kaya nagpasya na akong umalis. "Uy, Geoff. Uuwi na ako."

"Ihatid na kita sa inyo," offer niya, pero siyempre agad akong tumanggi.

"Hindi na. Si...si Ivan ang maghahatid sa'kin..."

"Ah."

"O sige na, alis na ako."

Especially For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon