Para sa puso kong nagmahal, nasaktan, nabigo at umaasa.
Kumakapit sa salitang sana,
Na sana pwede pa.
Pwede pang ibalik yung tayo.
Maulit muli 'yung ikaw at ako,
Sa kabila ng sakit na nanahan rito,
ninanais ko pa rin 'yung tayo.
'Yung tayo, na biglang gumuho
Nagkagutay-gutay --- nagkapira-piraso.
Sapagka't bigla mong nalimot na may ako.
Simula ng sa mundo nati'y may sumingit na "siya".
Dahil sa akin ay nagsawa na.
Sa labis na pagmamahal ko ay naumay ka.
Umapaw sa puso --- ipinasa.
Pinukol mo sa iba --- sa kanya.
Kaya ngayon panaghoy at pagdurusa
pagmasdan mo, sinta.
Pagmasdan mo sa luhaan 'kong mga mata.
Na kahit ang sakit-sakit na.
Narito pa rin upang mahalin ka.
BINABASA MO ANG
Munting Tinig (Mga Tula At Alingawngaw)
PoesíaSalita Agam-agam Konsensya Damdamin Katha ...sa pluma ko't tinta.