First Date namin ni Apollo! Manunuod kami ng movie ngayon. Sabi ko kasi gusto ko panuorin yung movie na "Starting Over Again" nila Toni Gonzaga and Piolo Pascual.
Pinagbigyan niya naman ako. Yehey haha! Dapat talaga may pasok kami ngayon. Shocks! Nag cut ako ng classes for this. Ganun ko siya kamahal. Hahaha!
So ayun, nasa Jeep na kami ni Apollo, parang naliligaw pa yata kami sa Mall na pupuntahan namin.
"Babe, tama ba 'tong sinakyan natin?"
Palingon lingon si Apollo sa kalsada baka nga naliligaw kami.
"Di ako sure, Love. Ngayon lang din ako dito eh." Sabi niya sabay tanong sa driver, "Manong, saan po kami pwedeng bumaba?"
Pano naman kasi, kami na lang yung pasahero!
"Pwede na kayo dito bumaba, lakarin niyo na lang ng konti diyan na 'yung Mall." sabi ni Manong na parang gagarahe na kaagad. Well. Can't blame him.
At ayun na nga, nakarating na kami sa Mall. Sarado pa siya kasi napa-aga kami ni Apollo. 10am pa pala magbubukas 'to.
Ilang minutes lang kami naghintay nagpapasok din agad 'yung mga guards. Kumain muna kami bago kami dumiretso sa sinehan.
"Love, ba't 'yan inorder mo? Akin na yung chicken, sayo 'tong spaghetti. Allergic ka nga dito diba."
Nakalimutan 'kong may manok nga pala yung in-oder ko. "Okay babe, 'wag ka na magalit." sabi ko sabay tawa.
Pagtapos namin kumain, pumila na kami sa bilihan ng ticket para sa Starting Over Again. Infairness, mahaba-haba ang pila at karamihan senior citizen na.
Pagkabili namin ng Tickets, pumasok na kami sa loob. Malapit na mag start yung film oh my gosh inabangan ko talaga 'tong movie na 'to.
Nasa eksena na hinahabol ni Marco si Ginny habang nakasakay sa taxi dahil papuntang airport na si Ginny biglang may binulong si Apollo sa'kin, "Baka gawin mo sakin yan ha?"
Bigla akong napalingon sa kanya, "Hala? Baka ako!"
Gustong-gusto naming part sa movie 'yung nagkasagutan si Ginny at Marco ng, "I deserve an explanation! I need an acceptable reason!"
Habang lumalabas kami ng sinehan nagbabatuhan kami ng linyang 'yan haha!
It was the best. I was happy. He was happy. We were happy.
AN://
ANG IKLI NG UPDATE KO SA 4 HAHA!
PERO ABANGAN NIYO YUNG PART 5 KASI NAKAKAGULAT YUNG TWIST! HAHA
ANYWAY, SHOUT OUT NGA PALA SA FRIEND KONG SI BRITZCEL NA NAG-EEDIT NG MGA TYPOS AT SPACES KO DITO HAHA LABYA FRIEND!
BINABASA MO ANG
Wala nang tayo
RandomSi Alex, ang babaeng ginawang mundo ang dapat ay tao lang. Nagmahal lang pero bakit nasaktan. Lahat ng bagay, may kadikit na masasayang alaala sa kanyang dating minahal. Paano makaka-move on kung ang taong lubos-lubusan niyang minahal ang n...