By: Arey Serrano
Sa isang lamesang mahaba, doon nagsimula
Ang tropa kong mahilig magbasa ng magagandang talata
Mula sa librong mahiwaga
Na ang laman ay puro aral at kabanalan
Lamesa na sa pangkaraniwang araw ay mga pinggan at pagkain lang ang laman
Ngunit sa pagsapit ng Huwebes napupuno ito ng kaligayahan at kaalaman
Patungkol sa labis at tunay na pagmamahal
Pagmamahal na kahit kailanma'y walang makakapantay.
Salamat po AMA sa walang sawa mong pag mamahal
Yan ang salitang madalas naming sinasambit
Pagkat sa kabila ng mga pagsubok na aming nararanasan
Nagagawa parin naming maging malakas at matatag.
BINABASA MO ANG
Ang mala Rollercoaster Ride na Tula
PoesiaSInulat ko ang mga tula na to base sa totoong nararanasan ng mga tao. Ang mga simpleng hugot sa buhay. Nagmahal, nasaktan, umasa, at bumangon. Kagaya ng isang rollercoaster ang buhay natin ay paikot-ikot lang ngunit may iba't ibang level ng heights...