"AND WHAT HECK WAS THAT?!"
Napapikit silang dalawa nang umalingaw-ngaw ang sigaw ng papa ni Julian sa bahay nina Oshien. Pati yung mga magulang niya at ang mama nito napapitlag rin. Nasabi na kasi nila ang balak nila. Umepekto rin yung palusot na naisip ni Julian para gumana yung plano. Pinaka-common na dahilan? Pinaka-effective! Sabi pa niya noon bago mangyari iyon. As expected, napatanga ang mga magulang nila nang marinig ang sinabi nila.
"Marcus Julian! What's this crazy thing all about? Ano 'tong ginawa mo?!"
"Gab, calm down.."awat ni Milly, mama ni Julian.
"Milly, panong.. I just can't imagine why they did this, especially your great son. Julian you are the most responsible for this!"
"But... oh my.. Julian hindi ka na nahiya kina Tito at Tita mo? How did you? God, you are the most responsible for this!" nabigla rin sila sa pagsigaw ng mommy ni Julian. Well, hindi na iba kay Julian yan. Maya-maya lumapit pa siya kay Oshien para bulungan ito.
"Now you know kung sang lahi ako nagmana. Tamo inulit lang ng ina ko sinabi ni ama? Girl version daw."
"Shh..not this time. Hanggang ngayon ba naman nantitrip ka pa rin?"
"At least magaling ako magpoker face. Ikaw? Hmmm..needs improvement." pinisil ni Oshien ang kamay ng katabi habang hawak para tumigil na ito.
"Calm down everyone, after all its' everyone's fault. May kasalanan rin kami. Hindi namin nabantayan si Oshien. Di namin napansing masyado na silang nagkakasama." Sabi ng Papa ni Oshien. Unlike sa mga magulang ni Julian, mahinahon lang ang mga parents ni Oshien, though deep inside, siyempre di rin maiwasang madisappoint.
"Well, upset talaga kami sa nangyari pero, hay.. nandiyan na eh. Good thing is nagsabi na agad sila nang maaga at wala pang nabuo. Wala pa nga ba? Oshien? Kasi as far as I know, two couples never speaks or admits they have done something especially sa parents nila, not unless something came up." Makahulugang sabi ng mama ni Oshien sa kanila.
Awtomatiko tuloy ang angat ng mukha nilang dalawa.
"Wala po talaga!" sabay nilang sabi. Nagkatinginan pa sila.
"Gusto mo totohanin?"
"Mamatay ka na."
"Okay..uhmm..let's be positive nalang. Gab, Milly, I'm so sory sa nangyari." Paumanhin ni Romson(Oshien's dad) sa kanila.
"No.no, kami dapat ang mag-sorry. Pasensya na, hindi rin namin nabantayan yung anak namin." Sabi ni Gab.
"Naku tama na nga yan. Ang mahalaga naman naging honest sila. Anu't-anumang mangyari, handa nilang panagutan ang ginawa nila. Nandyan na yan eh, wala na tayong magagawa. You two must be more responsible from now on."
"I'm so sorry po talaga sa inyo, Pa, Ma, Tito, Tita." Hinging paumanhin rin ni Oshien sa kanila. Sumunod na lang rin ng yuko si Julian.
=AND THAT'S HOW IT GOES=
"Hay! Ano ba yan Juliano! Ayoko na nga maalala yung mga pinagsasabi nila kanina!" Kanina pa kasi inuulit ni Julian ang mga nangyari sa usapan nila. Hindi lang naman kasi natapos doon ang sinabi ng mga magulang nila. Sangkatutak na sermon pa rin ang inabot nila bago sila paalisin sa harap ng mga ito.
"Eh kasi naman eh. Lalo na nung sinabi kong "We have done something.."
"Siraulo ka nanginginig ako nun ah! Kala ko talaga sasampalin ako ni mama! Anyway, alam mo, I smell something shify kanina.." Napatingin si Julian kay Ohsien. Nasa may labas kasi sila ng bahay. Nakaupo sa hagdanan.
"Pansin mo rin? Parang nakaramdam ako na one of these days may Arrange Marriage na mangyayari, inunahan lang natin."
"Badtrip mo. Teka.. anong Arrange Marriage?"
"Asos wag mo ko pagurin. Bahala ka maghanap ng Webster sa kwarto mo Day!" Yan, nabatukan na naman tuloy siya. "Aroo.. nakakarami ka hah.."
"Anong pinagsasabi mong Arrange Marriage? Tayong dalawa pagkakasunduin?"
"Wow! Bravito! Alam mo pala meaning nun? Oh tama na ngang batok putek, baka gusto mong gahasain kita dyan?"
"Wush, as if na kaya mo. Lab lab mo kaya 'ko.."
"Kahit lablab kita pag gusto ko magagawa ko beeehhh!"
"Sapak sa ano gusto?"
"Kaya mo?" hamon ni Julian with matching nakakaloko face. Kala mo nang-seseduct eh. "Anyway, back to the topic. Mom said that someone's getting married here through A.M. method. Obviously that's you my Dear Oshien deep" Duro pa niya sa noo ni Oshien sabay kurot ng mahina sa ilong niya. "And it's not me. I'm not the malas one. Kung ako yun hello? Kailangan pa ba natin gumawa ng alibi para lang makasal? Susubo na nga lang sa'tin mag-eefort pa 'ko? Panira lang yun ng beauty my dear."
"What?!"
"Late receiver? Oh disappointed kasi hindi ako yun?"
"Disappointed kay parents. Anak ng.. bakit 'di nila 'yon sinabi? Ibig sabihin balak nila ako ipakasal sa teka, bakit alam mo 'to? Don't tell me pinlano mo talaga yung ginawa natin? Amin!"
"Hindi nga kakulet!" Napakamot nalang ng ulo si Julian sa kakulitan ng kaharap. "Pain ko pa paa ko eh. Ngayon ko lang nga naalala and that's for sure. 'Di ko pinlano yun. Problema niyo yan ba't ako sisingit?" Ayan na naman ang fierce eyes ni Oshien. Alam na, mukhang papatay na.
"Masama mo Marcus Julian!"
"Pasalamat ka nga eh. Oh eh baket? Gusto mo makasal sa di mo kakilala? Fine madali lang umamin. Siste pala kung maniniwala pa sila."
"Nakakainis ka kasi wala kang pakialam kung magkaproblema ako. Ganyan ka na."
"Ay naku nagdrama ang bata. Siyempre malay mo naman kasi magustuhan mo yung magiging husband mo diba? Di nagmukha pa kong kontrabidang mas gwapo pa sa bida."
"Gago ayoko nga makasal sa di ko kilala eh."
"Ako pa namura. Dahil diyan..." Pinitik ni Julian ang bibig ni Oshien ng pagkalakas-lakas. "Yaman mo ganyan bibig mo. Tinuruan kita ng ganyan? Tsura neto."
"Bumabakla ka na namang Pilyo ka. Sakit ah." Kapa kapa pa niya ang bibig niya habang sinasabi iyon.
"Mura pa. I-lelevel 2 ko yung pitik ko. Simpleng thank you lang kasi di pa masabi. Nagtatampo ako nagtatampo!!" At.. Dahil doon, ngumiti na ng sobrang luwang si Oshien kay Julian, simangot kasi kanina eh. Saka inistrecth ang mga braso.
"THANK YOU MY ALMOST BESTFRIEND!! POWERHUG TAYO!!"
Napailing-iling nalang si Julian dito saka sinalo ang yakap niya.
Ganyan sila eh. Ganyan si Oshien. Mahilig manyakap at yakapin si Julian kapag may successful kalokohan sila o di kaya kapag sobrang saya. Ewan niya pero mukha talagang hinawaan na siya ng kalokohan ng almost bestfriend niya.
"Tama na Plue.. wagas na yakap mo. Makaramdam ka." Parinig ni Julian. Ang higpit kasi yumakap ng isa eh. May iba na siyang nararamdaman.
"Ooooppss.." sabi ni Oshien nang magets yung sinabi ni Julian. (Blushingly)
BINABASA MO ANG
Let's Play! Husband and Wife!
RomanceI'm Bored "Let's play" "No idea." "Let's Sing" "Not interested" "Let's talk" "No topic" "Let's make" "No Thoughts" "I have" "Spill it" "You're bored?" "I am" "Go to church" "Then pray? " "And Marry Me Later."