Chapter 11 - Takteng Library

110 12 5
                                    

Dear Diary,


Alam mo, hindi ko alam bakit kailangang mangyari sa akin ang mga ito. Kung wala siguro si Andrea kanina sa tabi ko, malamang umuwi ako ng maraming bangas ang mukha.

Alam mo yung nawala ko ang dating jolly na sarili ko? Yung assumera na hindi naman talaga?

Akala ko wala ng isasama pa ang araw ko kahapon pero may ipapangit pa pala. Aside sa merong taong sadyang tinulak ako na ikunaumpog ko, hindi ako tinigilan ni Gabriel sa pang-aasar.

Kaninang umaga, dalawang sticky notes ang nakadikit sa locker ko. Siguro yung dalawa, ay iyong hindi ko nakuha kahapon tapos yung isa, kanina.

Yung kahapon, isang malaking smiley ang naka-drawing sa isa, yung isa naman broken heart. Tapos yung ngayong umaga, nakalagay sa sticky note, "Sana kasama mo ako."

Bwisit lang diba? Andaming nagalit sa akin sa bagay na hindi ko naman ginawa at ginusto.

Nung Physics class, na-call out ang attention ko ng teacher namin kasi according to him, nakatitig lang daw ako sa kanya pero hindi ako talaga nakikinig.

Wala akong na-receive na kahit na ano sa lamesa ko today. Mabuti na lang kasi hindi ko talaga yun maa-appreciate at ipagtatatapon ko lang. Baka itapon ko diretso sa mukha niya.

Nung pumasok ako ng classroom, hindi sila masyadong nag-iingay pero ramdam ko ang tension. Alam kong nakatingin siya sa akin at malamang, pinagtatawanan din ako deep inside.

Bakit nga ba ako humantong sa ganito? Bakit naging ganito?

Aminado naman ako na pinagpapantasyahan ko siya pero hindi ko hiniling na lapitan niya ako, paasahin, lokohin, pagtawanan at laruan.

Pero alam mo diary, mahaba haba ang isusulat ko ngayon kasi... shit, sorry. Nababasa ko na ang mga pages mo. Nalulukot ka na. Please 'wag ka magalit sa akin. Sobrang sama lang talaga ng loob ko. Kahit saang angulo ko kasi tignan, 'yun at 'yun lang talaga ang kapupuntahan. Pinaglaruan nila ako.

Sabi sa akin ni Andrea, punta daw kami ng library mamaya at pagtulungan daw namin ang Physics.

Nahihirapan ako diary. Pero alam mo, kanina after lunch, nung tulala akong nakatingin sa labas ng bintana, bigla akong tinapik ni Isaac. Nagulat nga ako eh. At 'yun ata yung pinakamahaba namin na conversation.

Pagtapik niya kasi sabi niya sa akin, "Library after school hours. Physics."

Dahil windang ako, "Ha?" lang ang naisagot ko.

Ngumiti nga siya eh. Alam mo nung nginitian niya ako, parang gusto ko umiyak. Parang gusto ko magsumbong sa kanya. Hindi ko din alam kung bakit eh. Pero totoo pala yung madalas kong marinig na "A smile can brighten someone's day" kasi nag-work 'yun sa akin.

"What I am trying to say is, tutulungan kita sa Physics. Medyo complicated ang lesson natin today. I suppose you are aware?"

Nanibago ako sa kanya pero naalala ko bigla, galit nga din pala ako sa kanya.

Tinanggihan ko ang offer niya, "Okay lang Isaac. Kasama ko naman mamaya si Andrea and she said tutulungan niya ako. I'll be okay, pero salamat sa offer."

Hindi ko naman siya sinungitan kasi compared naman kay Gabriel, hindi naman ako pinaglaruan ni Isaac at hindi ko din naman talaga siya technically na kilala. Alam ko oo classmate ko siya pero hanggang doon lang. Ni hindi kami close.

Pinisil niya ang braso ko ng bahagya at sinabi niya "I understand. But I'll be there if you need my help."

Wow. Just wow.

The Potassium ChroniclesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon