Chapter one: Ang unang sulyap sa kanyang mukha
Sa panahon natin ngayon marami ng bagay ang nauuso. Isa na diyan ang "facebook" . Ang facebook ay isang kilalang social media sa buong mundo.
Dito pwede kayong magkaroon ng komunikasyon ng taong mahal mo , pwede mo din itong maging libangan at pwede mong ibahagi ang mga masasaya at espesyal na pangyayari sa iyong buhay.
Ang kwentong ibabahagi ko po sa inyo ay gawa-gawa lang pero ito ay batay sa mga pwedeng mangyari sa mga kabataang tulad ko na sobrang nahumaling na sa paggamit ng facebook.
Ako po si Shiela Mae Hershey Estorninos at tawagin niyo nalang po ako sa pangalang "Hershey".
Sa totoo lang po hindi ko alam kung bakit "Hershey" ang pangalan ko siguro mahilig lang kumain ng hershey na chocolate ang nanay ko pero okay lang na ito ang pangalan ko maganda naman eh. Ako ay 16 yrs old.
Ako ay nag-aaral sa isang magandang paaralan dito sa manila at ako ay 4th year highschool na. Isa akong maliit pero may maipagmamalaking ganda ng mukha, palakaibigan ako at madalas akong tumambay sa bahay upang magfacebook lang pero minsan kasama ko ang mga kaibigan at kaklase ko upang magcomputer.
Nagsimula yung kuwento ko bago ang araw ng aming pagbabalik na naman namin sa klase.
Ako'y nagising sa isang ingay na nanggagaling sa sala ng aming bahay. Bumaba ako agad upang malaman ko ang nangyayari. Pagkababa ko laking gulat na kasama na ni mommy ang aking daddy.
Si daddy ay galing sa saudi dahil doon siya ipinadala ng kompanya nila upang pangasiwaan ang branch ng kanilang kompanya doon. Agad akong lumapit sa aking tatay upang siya'y yakapin.
Tuwang tuwa ako dahil matagal din siyang nawala. Agad na nagluto si mommy ng masarap na agahan para kay daddy. Habang si mommy ay nagluluto nagkwekwentuhan at nagkakamustahan naman kami ni daddy.
"Anak kamusta ka na ? Okay ka lang ba?" . Sabi ni daddy.
"Siyempre naman daddy ! Sino ba naman ang hindi magiging okay , dumating ka kaya! " . Sabi ko.
"Ay anak eto nga pala ang pasalubong ko sayo ! Bagong ipad.!
"Wow! Dad! Thank you ! Ang ganda naman po nito! Excited na po ako gamitin ! Teka lang po bubuksan ko lang po yung internet.! "
Agad-agad akong nagmadali para gamitin ito at para makapag facebook na din.
Pagkabukas ko ng ipad. Hinanap ko agad ang facebook. At binuksan ko ang aking account. Pagkabukas ko . Tinignan ko ang aking notification. Pagkatingin ko may nagcomment pala sa class picture namin nung akoy 3rd year.
Tinignan ko ang profile nito. Nalaman ko na ang pangalan niya ay Michael Andrew James Respicio.
Bigla akong napatigil dahil hindi ko inaakalang sobrang gwapo niya.
Tinitigan ko to ng ilang minuto na parang ayaw ko na ialis yung tingin ko.
Kinikilig ako sa kanyang kagwapuhan . Binasa ko ang info tungkol sa kanya at nalaman kong pinsan siya ng isa kong kaklaseng si Lea. Grabe kinikilig ako! Tumatak na agad ang kaniyang mukha sa aking isipan!
Dali-dali ko siyang inadd para maging friend ko siya sa facebook. Sa sobrang kilig at excited kong i-accept niya ako ay tinitigan ko nalang ang kanyang mukha.
Di ko namalayan na tinatawag na pala ako ni mommy dahil kakain na kami. Nagulat ako dahil bigla akong kiniliti ni mommy. Ako'y napatili dahil sa kiliti. Tawa ng tawa si mommy at inaasar niya ako dahil may gusto daw ako sa lalaking iyon! Pero sinabi kong hindi.
Niyaya na ako ni mommy na kumain at magsisimba pa daw kami pagkatapos.
Dali-dali kaming nagbihis at umalis na papuntang simbahan.
BINABASA MO ANG
My first love at facebook! â¤ï¸â¤ï¸
Teen FictionIsang kwentong nagpapakita ng pagmamahal ng isang facebook user