"Hey yatz. Pupunta ako kila ate Angie. Magpaparty kaming dalawa. You know, papakabaliw." aya ko.
"Sige. Game ako dyan." excited na sagot ni ate Jen.
"Tara."
Everytime na nabobored kami ni ate Angie, nagtritrip kaming magsasasayaw. Either modern, sexy dance or party party lang.
Nasa labas palang kami ng bahay ni ate Angie rinig na rinig na yung music niya. "Ridin' Solo" by Jason Derulo.
"Tao po! Police toh! Arestado po kayo dahil sa lakas ng music niyo." sigaw ko.
Lumabas si ate Angie ng nakangiti.
"Nagpapakabaliw ka nanaman mag-isa?" tanong ni ate Jen
"Kaya nga kayo andito e. To accompany me." sabi ni ate Angie
"Nope. Inaaresto ka namin. Labas diyan gigibain na bahay mo. May warrant of arrest kami laban sayo." seryosong sabi ko.
She gasped "Sorry na po. Hihinaan ko na po" sakay ni ate Angie.
"Mukha kayong tanga. Kung ayaw nyo, dito nalang kayo sa labas ako nalang mag isang magpapakabaliw sa loob." biro ni ate Jen
"Naiimagine ko yatz ikaw lang magisa. Edi mas mukha kang tanga nun?" sabay tawa kami ni ate Angie.
Pumasok na kami sa loob at nagpakabaliw. Tumugtog ang "2012" "Club Can't Even Handle Me" "Do you remember" "Closer" "Papaya Dance" "Hush Hush Remix" etc. Kumuha si ate Angie ng upuan at humawak sa sandalan nito nang nakatuwad sabay pinaikot ikot ang ulo't buhok. Nag party kami hanggang sa mapagod kami.
I groaned "Kaloka, ang saya! woooo!"
then biglang may kumatok, si Carlo.
"Yes brothah? Hinahanap nako ni mama?" tanong ko habang hinihingal pa.
"Hindi pa. Ate may nagpapasabi kasi. Gusto ka daw niya."
what??? Dirediretso pa 'tong kumag nato. Ano bang pinagsasabi nito?
"Ano? Sino?" gulat na tanong ko.
"Si Ram." nakangiting sabi ni Carlo.
"Ikaw wag ka ngang nagbibiro ng ganyan." kunot noo kong sinabi.
"Oo nga. Sinabi sakin ng kapatid niya na si Radj. Liligawan ka nga daw e. Nasa baba sila, hinihintay ka sa may bakery."
Seriously? Is this some kind of a joke. Am I being punk'd?
"Bakit naman niya ko hihintayin?"
"Bingi lang yatz, gusto ka nga daw kasi e. Nagbibingibingian ka pa e!" singit ni ate Jen "Tara puntahan natin!"
"uuhhhmm ... No! Nakakahiya."
"Yan ka nanaman yatz sa hiya mo. tara na."
"Baka trip lang nila yun."
"Ayy naku. Feeling ko hindi, kaya tara na."
"E pano kung joke lang yan? Edi ako napahiya?"
"E pano kung totoo?"
Hindi nako nakaimik kaya sumunod nalang ako. Chineck ni ate Jen at ate Angie, nandun nga sila, naririnig ko boses niya. Nandun lang ako sa gilid, ayoko magpakita baka magbago isip or pagtingin niya. Takot at kilig ang nararamdaman ko.
"Yatz, ano ?"
"Tara na." nagwalk out ako.
BINABASA MO ANG
First Love Never Dies
Random"Ram ... can we try it again." What if you made a wrong decision of letting go the person you love the most and you just realize that after a year. You realize that you can't love anyone but him. That's Princess Dionisio for you. Since grade 5, cru...