(Natalia's POV)
Kauuwi ko lang galing sa lakad namin kanina nila Jamie at Morgan. Nakita ko ang mama at papa na busy sa kanilang paper works ng family business kaya naman nag mano lang ako at agad nang pumunta sa kwarto ko. Inilapag ko na ang bag ko sa table at saka umupo saglit sa kama para mag pahinga.
Naalala ko kanina ang mga nangyari sa meeting at bahagyang kinabahan ako dahil bukas ng gabi na ang practice namin. Hindi rin maalis sa isip ko si Brandon, napakagwapo niya talaga kahit na ubod ng yabang at sungit niya. Maya maya pa ay tumunog ang cellphone ko na nag patigil ng pag gugunita ko sa mga nangyari kanina. Tumayo ako at kinuha ang cellphone sa bag.
"One Message from Albert"
Laking gulat ko na nagtext sa akin si Albert.
"bihira lang naman ang lalaking ito magparamdam at hindi rin naman mahilig mag send ng group message bakit kaya siya nagtext. "
Agad ko itong binuksan dahil sa pagtataka ko.
"Hey there :) my best bud Miguel wants to get your no. Just text me if it is ok with u ^_^"
"Shoot... Nakalimutan ko nga pala ibigay sa kanya ang number ko tsk".
Sinend ko na agad kay Albert ang cellphone number ko dahil baka masermonan pa ako ng Brandon na yun. Inilapag ko na ang cellphone ko at kinuha na ang towel ko para makapag hilamos. Pumasok na ako sa cr at nag half bath masyadong madaming nangyari sa akin ngayon at alam kong ito palang ang simula ng pag eencounter namin ni Brandon Miguel.
Makalipas pa ang ilang minuto ay natapos na ako mag half bath. Nagbihis na ako at binuksan ang aking laptop para manood ng movie. Hindi na rin ako kumaen dahil nabusog na ako kanina sa kinain namin ng mga kaibigan ko. Mag aalas onse na ng gabi ng matapos ang pelikula na pinanood ko. Inayos ko na ang aking kama para makatulog na ako dahil maaga pa ang pasok namin bukas. Kinuha ko na ang cellphone ko at nag set ng alarm para bukas. Humiga na ako at ramdam ko na ang antok kaya naman natulog na din ako.
*******************
"Alexandra Calling"
"Hel-lo?"
"Aunica? sorry to wake you up! I just wanna say that I'll be in the Philippines SOON" Alex told me feeling so excited.
"Lex naman anong oras pa lang oh? Please let me sleep" sagot ko dito na tila hinihila pa ako ng antok.
"So youre not even excited huh?"She smirked.
"How many times did you say that Lexy, Soon? Oh please, Soon will always be Soon As if like hindi ka naman talga uuwi dito" inis na sagot ko.
"Fine, fine Natalia I just miss you enough to forget our time difference"
"So kelan nanaman yang soon huh?" I told her.
"Well maybe this year? I dont know this month? or even this comming summer?"
"You are really my ga-ga friend huh? Alexandra Marie Sy umuwi ka na please, Tama na ang paghahanap ng British sa Dubai.." biro ko dito.
"Excuse Me Natalia I already have one and I think He's the one... You know.. Ang gwagwapo nila girl super and mind you hindi ka mauubusan dahil madami sila at hinihintay ka na "
" Oh please Alex matagal pa bago ako pumunta dyan at hindi ko sila type no."
natatawa kong sabi sa kanya. At isa pa Si Brandon lang ang nagugustuhan ko at hindi ang mga banyaga na iyon. Kahit kelan talaga hindi nag bago si Alex. Mahilig parin siya sa mga foreigner lalo na sa British. Isa si Alex sa mga tinuturing kong bestfriend kaya lang nasa Dubai na siya ngayon kaya hindi kami madalas na magkasama. Doon na kasi siya nag tatrabaho. Ahead siya sakin ng 3years pero kung kumilos siya ay parang kaedad ko lang siya.
BINABASA MO ANG
Beyond What She Likes
Teen FictionAll of us have our own fantasies about love. We usually get attracted to the physical attributes of a person at first and the whole being is the second one to be recognized. We may envy others for having a good relationship to someone and may questi...