CHAPTER 19

72 21 11
                                    

Marahas akong hinatak ni Brendon sa braso. Wala na 'kong kalakas-lakas para pumiglas pa dahil alam ko naman kumpara sa kan'ya ay mas malakas siya sa 'kin. Dinala niya 'ko sa isang madilim na kwarto, walang kagamit-gamit. Bigla ay malakas niya 'kong tinulak dahilan para sumalampak ako sa malamig na sahig.

Napahiyaw ako sa sakit ng katawan. Hindi ko napigilang tignan siya ng masama at murahin sa isip ko. Atleast kahit sa isip ko, nakakaganti man lang ako sa kan'ya.

"You ain't going nowhere," madiin niyang salita.

"How can I leave? Hindi ba't hinihintay n'yo nga si Grey?" sagot ko.

"Ganon ba talaga kadaling tignan para sa 'yo?" matunog siyang ngumisi, "Hindi ko siya papupuntahin dito para iligtas ka ng gano'n kasimple, Queenie. If he wants to save your life, he must face the consenquences first."

"Damn you, Brendon," I said in my gritted teeth.

Tumagilid siya, "I'll be right back. Kapag umalis ka sa pwesto mo, hindi kita palalagpasin," 'yun lang at padabog na niyang sinarado ang pintuan.

Kinagat ko ang ibabang labi ko habang nakatitig sa pintong pinaglabasan niya. Naiinis ako at nagagalit sa nangyayari. Idagdag mo pa na sumagi bigla sa isip ko si Lindon.

Gusto kong malaman na okay lang siya...

Dahil sa pagod ng katawan, naisandal ko na lang ang ulo ko sa pader at pumikit. Wala rin akong magagawa dahil nanghihina ang katawan ko. Wala akong magagawa kundi ang maghintay ng himala. Ilang sandali pa ay naging blangko na ang isip ko't tuluyang nakatulog.

Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakatulog pero nagising na lang ako sa gulat nang biglang kumalabog ang pinto at mabilis akong hablutin ni Brendon sa kwelyo. Matatalim ang mga mata niya sa 'kin.

"W-What are you---"

Lalo akong nagulat at tumibok ng malakas ang puso ko nang itutok niya sa mukha ko ang isang baril, "Shut your mouth or I'm going to shot you right now."

Napatitig ako sa mukha niya. Wala ang galos na nando'n kanina sa kan'yang pisngi. Mayro'n siyang mga tinamong sugat na kanina'y wala. Medyo marumi na rin ang suot niyang polo na tila nanggaling siya sa isang gulo.

Hinatak ako ni Brendon patayo at kinaladkad palabas ng kwarto. Gusto ko sanang magreklamo pero napunta ang atensyon ko sa mga taong nakahilata sa sahig. Magulo na ang paligid, puno ng dugo ang bawat sulok ng lugar, may mga saksak o tama ng baril ang mga taong wala nang buhay ngayon.

What happened...?

"Queenie!"

Lumingon ako sa tumawag at pakiramdam ko gumaan ng kaunti ang bigat na nararamdaman ko nang makita ko si Grey na may hawak na baril.

"G-Grey.."

"Nandito na 'ko Brendon, pakawalan mo na siya," sambit nito sa kasama ko pero lalo ko lang naramdaman ang higpit ng kapit nito sa 'kin.

"Scum. We're not yet done," sagot nito.

"You call this undone?" sarkastikong tanong ni Grey, "Let her go."

Sa isang iglap, bigla akong niyakap ni Brendon sa likod at tinutok ang nguso ng baril sa aking sintido. Kinabahan ako ng malala sa ginawa niya.

"As easy as that?" suminghal siya, "Tinraydor mo si Alfonso. Akala pa naman namin mapagkakatiwalaan ka--- kayo ni Lindon. Pero hindi lang 'yun, ang nakakagalit pa, pinatay mo pa sila! Ang lakas ng loob mo 'no? Wala kang utang na loob sa mga dating nakasama mo."

CRIMINAL [Under Major Editing]Where stories live. Discover now