"Yatz, gising. May bad news."
"Ano ba inaantok pa ko. Mamaya na yan." reklamo ko.
"May bad news nga e."
"Ano? Jowk lang ang lahat ng nangyari kagabi?"
tamad na pagkasabi ko.
"Ano ba yan. Lagi naman si Ram yang nasa isip mo. Si Lolo Arnold patay na."
Bigla kong napabangon at laking mata kong tinitigan si ate Jen.
"Huwag kang magbiro ng ganyan."banta ko.
"Bat naman ako magbibiro ng ganun?"
"Oh my shocks."
si lolo Arnold, kapatid ng lolo ko. Parang hindi kapani paniwalang wala na siya.
"Mamaya ang lamay. Tutulong tayo doon."
"Osige. Seryoso ka talaga yatz?"
"Kung ayaw mo maniwala, bahala ka"
******
Here we are, nagbibigay ng kape sa mga nandito sa lamay.
"Ate cess, pinapabigay ni Ram." sabay abot ni Carlo ng isang nakatuping papel.
"Letter?" nakangiting tanong ko.
"Ayy hindi. Pogs." inis na sabi ni Carlo.
"Ang adik mo sa pogs." bulong ko.
Letter? Napaka old school naman nito. Binulsa ko yung letter niya, siguro maya maya ko nalang babasahin to after ng mga gawain dito.
"Cess, umuwi ka muna dun satin, bantayan mo mga pinsan mo." utos ni mama.
"Osige po."
Mabilis akong umuwi para bantayan ang mga pinsan ko.
"Ate cess, totoo ba sabi sakin ni ate Ivy? Nililigawan ka daw ni Ram?" tanong nang pinsan kong si Joanna
"Kilala mo yun?" gulat na tanong ko.
"Oo, kapatid niya si Neyo eh. Kaaway ko." malungkot na sabi niya.
"Yiiee. Crush mo yun eh." pangaasar ko.
"Yuck.Kadiri."maarte na sabi ni Joanna.
natawa lang ako sakanya at dumeretso sa kusina para basahin ang letter na binigay sakin ni Ram.
Hi cess :) kamusta ka? pasensya na kung sa sulat lang kita makakausap ngayon. Ayaw mo kasi lumapit eh. Bakit kaya?
Ang dami kong nalalaman sa kapatid mo. Sabi mo daw para tayong Romeo and Juliet, pero hindi nya nasabi kung bakit. Nalaman ko rin yung tungkol sa papa ko at sa tita mo. hahaha nakakagulat nga e. Nakikiramay nga pala ako. Condolence
Sana naman makausap na kita sa personal.
OMFG. Ang daldal naman ng kapatid ko. Ba't niya sinabi yung sa Romeo and Juliet. Urgh.
Yup. Romeo and Juliet. Don't ask me why pero ayaw ng Family ko sa family nila. Maybe may past :( why are they so judgemental.
Nagsulat ako ng reply sa sulat nya.
Hello? hahaha sorry kung di kita makausap sa personal ah, nahihiya kasi ako eh. Thank you sa letter. Next Time chat na lang tayo. eto e-mail ko. happycess@yahoo.com
hihintayin ko chat mo :)
"JOANNA!! tawagin mo kuya Carlo mo." utos ko.
mga ilang minuto lang.
"Bakit ate?" tanong ni Carlo pagpasok sa kusina.
"Bigay mo to oh. Reply ko sakanya." nakangiting utos ko.
"Tsk. Bat di nalang kasi magusap e."
pabulong na reklamo ni Carlo.
I just ignore him. Sinunod naman niya eh. Ok na yun.
After that, nagluto ako ng hotdog para papakin. Yeah yeah .. pinapapak ko ang hotdog lalo na yung tender juicy ang tatak. Yummy kaya. (bawal green)
"Ate cess ano yan" tanong ng isa ko pang pinsan na si Elijah
"Fried Chicken" pilosopo kong sinagot.
"Hotdog e. Penge."
"Ayaw."
"Hmp. Damot"
pero syempre binigyan ko naman yung mga pinsan ko. After ko magluto, kinuha ko yung laptop ko para magOL.
:D 1 friend request. Ram Maverick. Accept!
bliiing
Ram: Hi :)
Me: Zup ?
Ram: Eto namimiss ka.
Me: =">
Ram: Kausapin mo na ko sa personal.
Me: Nahihiya nga ko.
Ram: Bat ka naman mahihiya?
Me: eh kasi nakakahiya.
Ram: Bakit nga ?
ME: eh syempre. ganun talaga. shy type ako e.
Ram: :'(
Me: smile :)
Ram: So, may pag-asa ba ko?
Me: uhm... oo ??
Ram: Yes !
Me: Seryoso kaba talaga?
Ram: Opo :)
Me: :) out nako. mag 12 na e
papatulugin ko pa mga pinsan ko.
Ram: sige po Goodnight :) sweetdreams.
Me: matulog kana din. GoodNight.
----
Kinabukasan is <\3
"Cess, ano tong sinasabi ni Joanna na nililigawan ka ni Ram?" galit na tanong ni mama.
F*ck.
BINABASA MO ANG
First Love Never Dies
Random"Ram ... can we try it again." What if you made a wrong decision of letting go the person you love the most and you just realize that after a year. You realize that you can't love anyone but him. That's Princess Dionisio for you. Since grade 5, cru...