HDHA - Twenty Two - Jealous

2.6K 68 5
                                    

SORRY A MILLION TIMES! Alam kong maraming naghihintay talaga ng UD ng story na ito. Ngayon ito na. Sa lahat ng fans/readers, alam kong sobrang late ako mag-UD guys. Dala lang ng ka-busyhan sa school since malapit na ang OJT namin. Sana maintindihan nyo! :) 

Happy Reading! ☺

==========================================================

TWENTY-TWO

Jealous

SHEKINAH'S POV

Kakarating lang namin sa bahay! Haay grabe napagod ako sa gala namin ni Ser. Pero okey lang, masaya naman ako dahil nakasama ko na naman sya. Hihihi. Si Ser kaya masaya rin? Kanina ko pa yun tinatanong sa kanya pero hindi naman nya ako sinagot. Tahimik lang sya simula nung umalis kami ng park. Walang imik. Kaya tumahimik na rin ako baka magalit na naman kasi sya sa akin. 

Saktong pagtigil ng kotse ni Ser sa tapat ng bahay ay may sumalubong sa aming babae na galing sa may gate. Napatitig ng maigi si Ser sa kanya. Agad syang lumabas ng kotse. 

"Queenie?" Ngumiti ang babaeng pinatutukuyan nya. 

"Luigi!" sabay takbo papalapit kay Ser at niyakap sya. H-ha? Bakit sya niyakap ng Queenie na yun? Sino naman tong babae na 'to? Kaanu-ano sya ni Ser? Bakit may ibang babae na yumayakap sa kanya? Napalalim ang pagkakunot ng noo ko.

"Uhh-Queenie, anong ginagawa mo dito?" hinawakan sya ni Ser sa magkabilang balikat at inilayo. 

"N-naisipan ko lang na bisitahin ka. Okey ka na ba?" tanong nito na sobrang na-aalala. Nakakahalata na ako ah! Ibang feeling na ito. 

"Ah. Ayos lang. Salamat nga pala sa paghatid sa akin kagabi." pasasalamat ni Ser. Ano? Itong Queenie pala na to ang naghatid kay Ser?! Ibig sabihin, magkasama pala sila nun! Hays!

"Ser! Pasok na tayo!" pagsingit ko sa usapan nila. Hinila ko na sya papasok ng gate. 

"T-teka, Eva!" pagpupumiglas nya. "Bisita ko yun oh, wag ka namang ganyan." bulong niya. Tiningnan ko yung Queenie. Ano ngayon kung bisita sya ni Ser ha?! Hays! Gusto lang nya makasama yang babae na yan eh. Fine! Bahala sila dyan. 

Padabog akong pumapadyak-padyak papasok ng bahay. Akyat agad ako ng kwarto at binagsak ang pinto ko. Nakakainis! Hindi ko maintindihan itong nararamdaman ko! Basta pakiramdam ko ay kumukulo ang dugo ko. 

LUIGI'S POV

Napabuntong hininga ako ng malalim. Sira ulo talaga ang babaeng yun. Alam naman nyang may kausap ako pero hinila ako papasok ng gate! Takteng yan. Binagsak pa ang pinto nya! Anong problema nun?

"Tsk. Pasensya ka na, Queenie." pagpapaumanhin ko.

HE'S DATING HIS ANGEL ☺Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon