I want you guys to live with Riley.
No Alexus, no Galen, and also no Daemon.
Gusto kong tumira kayo sa iisang bahay, at bibisita nalang ako paminsan minsan para maipakita nyo rin kay Riley ang totoo ninyong mga pakay kung bakit nyo sya gusto at kung paano nyo sya liligawan.Nagulat ako sa sinabi ni Vicku at sandali akong natulala.
Pero hindi pwede. Nag ttrabaho ako.
Nag aalala kong sabi sa kanya.
Then you're fired.
Parang nalaglag ang aking bibig sa kanyang sinabi.
Paanong nagagawa nyang mag salita ng ganun?
Hindi ganun ang Vicku na nakilala ko.
Kahit ang mga kapatid nya ay nag tinginan sa ugaling ipinakita nya.Pero san ako kukuha ng pang gastos ko?
Pumasok ako dito para mag kapera.
Ano yun? Panibagong pag hahanap nanaman para sakin?Patanong kong sabi sa kanya.
Alam mo naman siguro ang batas na bawal mag karoon ng relasyon ang amo at ang nag ttrabaho para sa kanya. Hindi ba?
Dahan dahan akong tumango at saka ako yumuko dahil nahiya ako bigla.
Paanong hindi ko iniisip yun kahit na mismong ang mga amo ko pa ang may balak na manligaw sa akin?Tatanggalin kita sa trabaho at gagawin kitang official member of the family. Kapatid kita, kung anong meron ako ay meron karin.
May karapatan kang mag utos, at mag desisyon sa mga bagay bagay.
Hindi kana mag sisilbi Riley. Natagpuan na kita at gaya nga ng sinabi ko sayo hindi kita pababayaan.Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya saka ako tumingin sa kanya na nakangiti habang nakaupo sa harapan ko.
Ang isang alilang gaya ko ay bigla bigla nalang yayaman hindi dahil nahanap nya ang prinsipe nya kundi nahanap nya ang kapatid nya.Hindi ko yan tatanggapin.
Anong akala nyo? Pwedeng basta basta nalang kayo mag pasok ng bagong myembro sa pamilya ninyo?
Hindi yun madali, maraming proseso dagdag pa ang pag tanggap sakin ng mag asawang Ryder at siguradong hindi nila iyon matatanggap.
Alam kong madali lang sa inyo iyon dahil meron kayong pamilya at maraming pera.
Pero para sa akin, masyadong malaki at seryoso ang sinasbi mo Vicku.Paliwanag ko sa kanya.
Hindi ko alam kung naiintindihan nya ba ang sinasabi ko o kaylangan ko pang englishin.
Pero kung maiintindihan nila, malaking pasasalamat iyon para sa akin.Wala kaming pamilya Riley.
Nawalan din kami at nag karoon ng bago, kaya posible yung mangyari sa'yo.Paliwanag naman ni Jaythan na ngumiti sa akin saka tumingin sa mga kapatid nya.
H-hindi pwede. Ayoko,marunong naman akong mahiya.
Pag aalalangan kong sabi sa kanila.
Alam kong wala akong pamilya o kahit sariling bahay.
Pero hindi ako gaya ng iba na basta nalang makikitira sa ibang bahay ng walang kapalit.May isa pang paraan.
Singit naman ni Zac na nakaupo rin sa aking harapan gaya ng iba pa nyang kapatid.
Tumingin ako sa kanya na inilapit pa ang kanyang upuan saka hinawakan ang aking kamay.Marry me.
Biglang napatayo si Bryon at akmang susuntukin si Zac. Mabuti nalang ako nahawakan agad ni Jaythan kahit na nakapagitan sa kanilang dalawa si Vicku na nanlaki ang mata sa ginawa ni Bryon pero walang ginawa at tumingin lang.
Pilit na pinaupo ni Jaythan si Bryon na masamang nakatingin kay Zac na nanlilisik din ang mga matang nakatingin pabalik kay Bryon.
BINABASA MO ANG
Beauty and The seven Beast || Complete ✓
Romance#B7B Mag alaga ng pitong anak ng mag asawang mayaman. Yan ang magiging trabaho ni Riley sa pag pasok nya sa buhay ng pamilyang Ryder. Pero ang akala nyang normal na pag aalaga ay hindi pala gaya ng pag aalaga ng mga batang sampung taon ang gulang, k...