A Letter For My Ate

17 0 0
                                    

Dear Ate,

Hi Ate ^_^ Naalala mo pa nung birthday ko? Nagsmile ka saken tapos hinug mo ako. Alam mo bang yun ang pinakamasayang pangyayari sa buong buhay ko? Mahal na mahal kita ate kahit inaapi mo ako. Lagi kitang sinasabihan ng "I love you" pero wala man lang akong matanggap na "I love you too". Hehe n___n pero iniisip ko nalang na tinutugon mo yun. Tanda mo pa nung gusto kong makipaglaro sa'yo? Sabi mo matanda na ako para maglaro kahit 7 years old pa ako nun. Haha. Ikaw talaga ate mapagbiro masyado. Alam ko naman na gusto mong makipaglaro sa'kin eh. Naalala mo pa ba ate, di na ako lumalapit kay mama para hindi kana magselos? Hehe. Ate, mahal na mahal ka namin ni mama, sana isipin mo din yun. Tsaka ate alam mo bang idol na idol kita noon? Sinasagot ko rin si mama katulad mo! Oh diba ate? Ginawa ko talaga yun dahil idol na idol kita. At tsaka ate di rin ako nag-aaral ng maayos noon para hindi na ikukumpara ni mama ung grades ko at tsaka grades mo. Buti nga at mas mataas mga grades mo nun. Haha. Nasabi ba ng mga kaibigan ko ate na ikaw lang ang bukambibig ko sa tuwing nag-uusap kami noon sa room namin? Napagalitan pa nga kami ni teacher nun eh. Haha. Sabi ko sa kanila na napakaswerte ko at may ate akong katulad mo. Ate, alam kong malapit na akong mamatay dahil sa sakit kong cancer. Ginawa ko tong sulat na to para malaman mo kung gaano ka namin kamahal ni mama. Kahit di mo ako binibisita dito sa hospital, mabasa mo lang itong sulat na ginawa ko para sa'yo okay na ako. Ate, mahal na mahal kita, sana mahalin mo na rin si mama. Alagaan mo siya ah. I love

you ate :)

Love,

Bunso

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 12, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Letter For My AteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon