Prolouge

56 2 1
                                    

3 years ago...

Keinalyn's POV

Nakatulalang naglalakad ako pauwi galing school, subalit nanumbalik din ako sa katotohanan nang mapansin kong parang nagtatakbuhan ang mga tao, nagsimula na akong kabahan nang may mga nakaitim na lalaki ang nakita kong papapunta sa direksyon kung saan matatagpuan ang bahay namin kaya nagmadali akong tumakbo pauwi samin.

Halos limang minuto ang itinagal ko sa aking pagtakbo dahil sa sobrang pagmamadali para makarating ako ng mabilis sa aming tahanan.

Nakatayo ako sa harap ng aming pintuan halos di ako makagalaw nang maayos habang hinahabol ko ang aking hininga nang biglang may pagsigaw akong narinig at tila parang pamilyar sakin ang tinig na aking narinig.

Her Mother and her Father's POV

Bitiwan mo ako!
Wala kayong makikita dito!
Kaya magsilayas na kayo!

Nang biglang.....

Waaaaah!

Aaaaaah!

Keinalyn's POV

Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa mabilis din akong pumasok at nakita ko ang mga naka-itim na lalaki na nagsi-alis na hindi ko na sila napigilan dahil sa sobrang gulat ko sa sinapit ng aking mommy at daddy na ngayon ay  nakalumpasay na sa aming malamig na sahig. Nagsimula nang tumulo ang aking mga luha at unti unti ko silang nilapitan at may huling mensahe pang sinabi ang aking ina.

"Keinalyn anak sana mag-aral kang mabuti, 'wag na 'wag mo ding pababayaan ang iyong kalusugan pati na ang iyong sarili kung may manliligaw man sa'yo piliin mo yung lalaking karapat-dapat 'wag iyong mga lalaki sa tabi-tabi, mag-iingat ka din sa mga lalaki na nakita mo kanina lang dahil hindi sila mga tao kundi mga bampira sila, ikaw ang kailangan nila dahil may itinusok ako sa iyo noong bata ka pa na isang kakaibang gamot na magpapakalat ng kanilang lahi, ang anak ng hari nila ang may kailangan sa'yo at iyun si Daimen, tandaan mo na mahal na mahal ka namin ng daddy mo" Sabi ni mommy.

Isang patak ng luha ang tumulo sa kanyang mata nang tuluyan na siyang nawalan ng malay.

Mommy! Mommy! Gumising kayo! Mommyyy! Pasigaw na iyak ko.

Habang tinititigan ko sila, napansin ko na parang nanggagaling ang dugo sa bandang leeg nila, inilapit ko ng bahagya ang aking mukha sa leeg ni mommy nang makita ko ang bakat ng ngipin at dun ko napatunayan na totoo pala ang mga bampira. Ipaghihiganti ko ang aking mga magulang, hinding hindi ako papayag na mamamatay sila ng walang hustisya.

____________________________________

Characters:

Keinalyn Clarkson - Daimen's Pet

Daimen - Keinalyn's Boss

Nathan - Daimen's Brother

Grace - Daimen's Wife

____________________________________

Hi guys! So this is our first time making story, dalawa po kaming magma-manage sa story na to kaya our ang nakalagay sa pang-anim na word. Hehehe.

Kung matatagalan po ang update pagpasensyahan nyo na po baka po kasi maging busy during school month.

Pagpasensyahan nyo na din po kung may maling spelling or grammars (kapag nage-english lang po).

So we hope that you enjoy our story! 😉😁😘

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 27, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

VAMPIRE'S PETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon