Ara's
Iminulat ko ang aking mga mata at narealized kong mag-isa lamang ako sa kama ngayong umaga. Walang Mika. Walang magandang babae sa tabi ko na nakaunan sa braso ko, walang mga bisig na nakapulupot sa bewang ko, wala akong noong pwedeng halikan, wala akong buhok na pwedeng suklayin. Wala akong pwedeng gisingin para lang sabihing "good morning, Mika".
Sigh.
Nakakapanibago.
Hindi ko inaasahan na magiging ganito kabigat.
HIndi ko inaasahang magiging ganito kahirap. Ganito pala yung pakiramdam. Di ko alam kung bakit sobra na akong naattached sa kanya like I never felt before sa kahit kanino, kahit kay Cass. Sobrang dali lang para sakin na maglet go sa isang tao kasi ayoko sa lahat yung humahabol, ayoko sa lahat yung nagmumukha akong tanga.. pero bakit ganito yung nararamdaman ko ngayon, nahihirapan ako and it feels shit. It is as if I want to chase her.
Napatapik na lang ako sa noo ko, hindi ko dapat naiisip ang bagay na yun. Tangina lang! Mali na nga yung pinasukan ko tapos maghahabol pa ako, unang una wala akong karapatan.
Those days I had with Mika, I'm at my happiest, kahit less than two weeks lang yun.. wala eh, yun lang yung mga araw na naalala ko halos lahat ng detalye ng bawat minuto. Yung mga oras na kasama ko sya kapag iniisip ko, it is as if nangyayari pa rin talaga, ganun kareal sa utak ko yung mga moment ko kasama sya. At kahit ako... kahit ako hindi makapaniwalang nararamdaman ko to lahat para sa kanya.
Siya lang ang nakapagparamdam sa akin ng ganito. Siya lang ang nakapagpasaya sa akin ng ganito.
Those days I had with her, ni minsan hindi pumasok sa utak ko na mali yung ginagawa ko. Ni minsan hindi ko naisip na kasalanan yun, hindi ko naisip na masama yun. Ganon plaa talaga ano? Masarap pala talagang gawin yung bawal? Pero bakit ganon? Yun lang yung bawal na nagawa kong ni minsan hindi ko naramdamang bawal? Bakit yun lang yung mali na parang tama?
For once in my life naramdaman ko yung purpose ko. For once in my life nakita kong may silbi yung bawat araw na gigising ako. For once in my life nagkaron ng dahilan yung buhay ko. Nawala ako sa routine ko, nawala ako sa path ko. Pero yung pagkawala ako sa path ko, dun ko naramdaman na ang saya saya ko. Na kumpleto ako. Dun sa halos 2 linggong may Mika sa buhay ko, dun ko lang naramdamang maexcite sa bawat paggising ko, dun ko lang din naramdaman na ayokong matulog kasi mas gusto ko syang kausap, mas gusto ko syang makita, mas gusto ko syang bantayan habang natutulog sya... which is kabaligtaran ng reality ko. Before, as much as possible ayokong gigising ng maaga at gustong gusto kong matulog ng maaga.
Siya ang naging wonderland ng buhay ko.
Pero katulad ng buhay ni Alice sa Wonderland, hindi pwedeng doon sya parati dahil mayroong... mayroong reality... reality kung saan wala ako. Kung saan hindi ako pwede.. kung saan hindi ako kasali....
Natawa na lang ako sa sarili ko sabay poke sa dibdib ko whispering "Aga aga sinasaktan mo yung sarili mo, Vic" napailing na lang ako.
Bumangon ako at muling tumingin sa side ng kama kung saan usual spot ni Mika. Wala talaga sya, Vic. Maybe, just maybe.. hindi na sya babalik.
Hay.
Hindi ako bato. Syempre, nasasaktan din naman ako pero yun yung isang bagay na hindi ko pwedeng maramdaman kapag kausap ko si Mika, kapag kasama ko sya at kapag nakikita nya ako. Hindi ako pwedeng masaktan.. hindi ako pwedeng maging mahina... kasi alam kong ayaw nyang maramdaman ko yun.. kasi oo... oo tao lang ako... at hindi naman joke tong nararamdaman ko sa kanya... I want her.. I want her more than anyone else at every time bumabalik na sya sa reality nya, sa reality nya with Jim? Yun na yung pinakamasakit na parte ng araw ko. Dun ako pinakanasasaktan.. pero katulad ng sabi ko, hindi pwede. Hindi maaari. Ayokong makita ni Mika na naaapektuhan ako sa mga bagay na sinasabi nya tungkol kay Jim kasi unang una,wala naman akong karapatang masaktan, pinasok ko to at kasama sa pagpasok ko rito yung realidad na masasaktan ako... tinanggap ko yun kaya kailangan kong tanggapin na nasasaktan ako. Lalo ngayon.
BINABASA MO ANG
DOWN BY LOVE
RomantikAkala ko nung una May bukas ang ganito Mabuti pang umiwas Pero salamat na rin at nagtagpo