Chapter 0

7 1 0
                                    

Sydney POV:

After 2 years....

Sa wakas tapos na ang premed namin. Thankful din ako na grumaduate akong magna cumlaude.

Naghahanda na ako para sa nalalapit naming graduation mamaya.

..............
After ng graduation ay binalak naming magparty kasama ng mga kablockmates ko.

Gabi na kaya naisipan na lang namin na dito mag check in sa manila hotel.
After mag check in ay nag umpisa na kaming kumain at magkwentuhan.

Hayy ang bilis ng panahon. Parang kahapon first year pa lang kami, ngayon kakatapos lang namin grumaduate. Thankful din ako dahil madami akong naging kaibigan dito sa PLM.

Kung hindi ako dito nag aaral ay malamang di ko sila makakasama. Hindi ko din makikilala si Erickson at di din ako magkakaroon ng sanggre powers xD

Kakatapos ko lang kumain kaya lumabas muna ako para magpahangin.

Nandito ako sa may entrance ng hotel ngunit ilang saglit lang ay biglang umulan.

Napahawak ako sa dibdib ko at bigla na ding tumulo ang luha ko. Hindi ko alam kung bakit nangyayari sa akin ito. Akala ko nung una ito ay dahil nawala sa akin ang brilyante ngunit binigyan naman uli ako ni Erickson ng bago. Nagtanong ako sa kanya tungkol dito ngunit ayaw niyang sagutin ang mga tanong ko.

"Miss okay ka lang ba?" Sabi ng isang babae na lumapit sa akin.

Napansin ko din na pinagtitinginan na ako ng mga tao dito dahil sa pag iyak ko.

"Okay lang ako." Sabi ko sabay ngiti

Pabalik na ako ng may marinig akong boses na parang pamilyar sa akin.

"Maliya?" Napalingon ako sa nagsasalita

Isang lalaking nakaparang vest na jacket na makulay tas may putong sa ulo at nakabahag ay nakatingin sa akin.

Bigla siyang lumapit tas niyakap ako.

Sa di malamang dahilan ay nalungkot ako at napaiyak

Ngunit..

Sino si Maliya?
............................
Author's note:

Ito din yung nakasulat sa last chapter ng unang book xD copy pasted lang xD hahaha

Ang Maharlika at Ang Dilag-3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon