If This Was A Movie

554 20 8
                                    

I know it's been six months since we broke up pero masisisi mo ba ako kung umaasa pa rin akong babalik ka? We've been in a relationship for almost two years at hindi yun ganun kadaling kalimutan. Lalo na kung alam kong hindi sya karapat dapat para sa'yo.

Katulad ng mga nakaraang araw for the past six months, maaga pa rin akong pumasok ngayon. Alam ko kasing makikita kita ng ganitong oras dahil one hour ahead sa klase ko ang pasok mo. Isa pa, nadadaanan mo ang labas ng classroom ko tuwing umaga dahil katapat ng building namin ang sa college nyo. I know it all too well kasi ako ang gumigisng sa'yo noon through phone call at 5:00 a.m. in the morning para lang hindi ka ma-late. Sinusundo mo pa nga ako noon sa bahay at inihahatid sa labas ng classroom namin. Pagkatapos, sisilip ako sa bintana para makita kang kumakaway habang naglalakad papunta sa building nyo.

I was right when I said na makikita kita ngayong umaga. Nagkasabay kasi tayo sa gate ng school. For the first time in forever, ngumiti ka sa akin. Sigurado akong sa akin ka nakangiti dahil wala namang ibang tao sa likod ko nung lumingon ako para tingnan. Siguro hindi ka na galit, siguro may pag-asang babalikan mo na ako.

Kakaupo ko pa lang nang mapatingin ako sa bintana, umuulan na pala. Naalala ko tuloy yung araw na yun. We were so happy back then. Everything was perfect, I thought nothing could ever break us pero hindi pala. Hindi ko akalaing ang pagpasok natin sa college ang magiging malaking problema natin. Hindi ko akalaing lilipas lang ang ilang buwan at makakahanap ka na ng ipapalit sa akin. Actually, hindi nga ipapalit e. Dahil parang kayo na noon kahit tayo pa. Patago nga lang na akala mo hindi ko pansin. Akala mo hindi ko alam na palagi kayong magkatext, magkasama at sabay mag-lunch. Kaya ba imbis na mag-sorry ka nung mahuli kitang magkachat kayo ay nagalit ka pa. Ang sabi mo, magkaibigan lang kayo kaya kahit pa everything tells me that you're lying ay naniwala pa rin ako sa'yo. Kasi mahal kita.

A week after that incident, naging sweet ka sa akin, you're more caring than before. Palagi kang nagtitext, tumatawag, yun pala nagpapagood shot ka lang kasi magpapaalam kang pupunta sa debut ng kaklase mo. Although we had a common friend, a batchmate from highschool na kaklase mo rin ngayon, syempre hindi pa rin ako kasama. Hindi ko naman kasi kilala ang celebrant. Okay lang sana eh, papayagan sana kita kaya lang kasama sya. Si Tricia. Alam ko namang kaya ka sasama dahil sa kanya pero siguro nga umaayon sa akin ang tadhana noon dahil nagkasakit ka. Hindi lang basta lagnat kun'di bulutong. Nursing student ako kaya alam ko na makakahawa ka. Kahit papaano, nagkaroon ako ng dahilan para hindi ka payagan. Tandang tanda ko pa, ang sabi mo noon hindi ka na sasama. Pero bakit nung mismong araw na debut ng kaklase mo, hindi kita matawagan? After twenty missed calls, dun mo lang sinagot.

"Hel..lo?" halos utal mong sabi.

"Nasaan ka?" I asked kahit pa alam ko na ang sagot. Ang lakas ba naman ng music sa background mo eh.

"Sa b..birthday." maybe you realized na hindi ka na makakapagsinungaling kaya sinabi mo sa akin ang totoo. You can't even finish a straight sentence.

"Ah. Sumama ka pa rin pala. Bakit? Dahil andyan si Tricia?"

"Ha? Ano bang pinagsasasabi mo. Di ba sinabi ko nang magkaibigan lang kami?"

"Ah. Magkaibigan. Kaya pala lahat ng classmates mo, inaasar kayong dalawa. Bagay na bagay nga kayo di ba?"

Pagkatapos nun, hindi ka na sumagot at ibinaba na yung tawag na sobrang sakit at nakakabastos para sa akin. Sinubukan kitang tawagan ulit and by the time you answered the call, narinig ko agad ang boses nya malapit sayo. Magkatabi ba kayo sa upuan noon? Wala ka bang ibang kaibigang lalake na makakatabi at kailangan sya pa? Na alam na alam mo namang pinagseselosan ko.

"Hello?!" sagot mo.

"Oh." hindi ko alam kung anong sasabihin. Maraming pumapasok sa isip ko pero hindi lumalabas sa bibig ko.

If This Was A MovieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon