langit..

27 1 0
                                    

Hindi kagandahan ang panahon noong araw na yon, tila nakikisama sa madrama nyang buhay ang kapaligiran.

"Nang iinis ka ba o nakikisimpatya?", masungit na tanong na isang babae sa kalangitan habang sya ay naka upo sa pasilyo ng kanilang eskwelahan.

Siya si Rhina de Castro, 18 taong gulang isang college student sa isang unibersidad sa lungsod. "Promdi" ( ibig sabihin from the province) ang tawag sa kanya dahil bagong luwas lamang sya sa Maynila. Pinili nya dito mag aral sa pag babakasakaling magkaroon ng magandang buhay pag sya ay naka pag tapos ng pag aaral sa isang magandang unibersidad. Fine arts ang kinukuha nyang kurso dahil na rin sa hilig nya sa sining at iba't ibang kaartehan sa mundo. 

"Para namang sasagot ka eh noh?" ang bulong nito sa sarili.

"Ako na, ako na talaga! Ako na lang ang laging ma-drama sa buhay, eh pano naman kasi wala naman akong kaibigan o kakilala dito. Hays!" buntong hininga nito.

Mahirap pala talagang mag-isa sa buhay kaya pala naimbento ang kasabihang "No Man is an Island." pagmo-monologue nito sa sarili habang pinagmamsdan ang langit..

Halos araw-araw ay ganito ang set-up nya. Bahay-Eskwela-Bahay-Eskwela.

Halos dalawang linggo na rin nyang inaaliw ang sarili sa pakiki pag kwentuhan sa langit na kailanman ay hndi sya sasagutin. 

"Buti pa ang langit walang problema" pagmamaktol nito.

"Eh ako?! hndi nawawalan ng problema, kung pwede lang i-share binigay ko na sayo ang iba para naman mabawasan ng kaunti, kahit 6% lang oh.."

Di nya napansin na kanina pa pala may nakikinig sa mga pinagsasasabi nito tungkol sa langit at mga problema nito sa buhay.

"Baliw ka na ba? o may imaginary friend ka lang ha?" may biglang nagssalita sa di kalayuan,

Isa rin palang estudyante ng unibersidad.

"Sino ka ba ha?!" --- maangas na tanong ni Rhina dito

"basta" sagot nito.

"At kailan pa nauso nag pangalan na BASTA? ang pangit namna nang pangalan mo!" banat ni Rhina sa kausap.

"hahahhahahha" 

"ganda ang joke mo ah! hahahah" sabi ng estudyanteng kausap nito.

"aba at talagang!" 

"Bahala ka na sa buhay mo! pake ko sayo! pwe!" naiinis na sabi ni rhina sa kausap sabay takbo paalis sa harap ng kausap.

"kanina pa ko dito pero dahil busy ka sa kakukwento mo jan sa langit hndi mo ko napansin, kanina pa ko nagpipigil ng tawa sayo eh." -- pahabol na sigaw nito kay Rhina.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 30, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

langit..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon