CHAPTER 19

859 35 9
                                    

Ara's POV 

Pagkamulat ng aking mga mata ay automatic ding sumilay ang matamis na ngiti sa aking mga labi. Realizing na hindi ko na ulit kailangang gumising ng mag-isa sa kama na ito for now katulad ng gising ko kahapon dahil ito ako... gumising katabi ang pinakaimportanteng tao sa buhay ko ngayon... 

Buo na agad ang araw ko. 

Pinagmasdan ko lamang ang magandang binibining natutulog sa bisig ko habang nakayakap ng mahigpit sa akin. Hindi ko pinagsisihan ang situation kung nasaan ako kahit alam kong mali ito at alam kong hindi ko ito pagsisisihan kahit kailan. 

Inayos ko ang buhok nitong tumatakip sa kanyang magandang mukha. Katulad ng parati kong ginagawa, tinrace ko gamit ang tip ng mga daliri ko ang kanyang kilay, mata, ilong, labi, chin, pisngi and all. Kahti kailan hindi ko pagsasawaang pagmasdan ang maganda nyang mukha. Kahit kailan ay hindi ako magsasawang kabisaduhin ang bawat detalye ng mukha nya. 

You're so beautiful, Mika. 

My beautiful, MIka. 

My adorable, Mika. 

My wonderful, Mika. 

My everything. 

Alam kong masyadong mabilis kung ano man itong nararamdaman ko para sa kanya pero hindi ko alam, simula ng makilala ko sya lahat ng bagay na hindi ko inaasahan nagagawa ko na, ito pa kaya? 

Hindi mahirap mahalin si Mika. Sobra. Actually, the moment I saw her may iba na agad akong naramdaman para sa kanya and I know it is beyond her physical attributes. Alam kong often times naririnig nyang maganda sya hindi lang sa akin pero sa lahat ng taong nakakakita sa kanya kasi yun ang totoo.... but more than that.. she's beautiful. If you get to know her better, you'll realize na mas maganda sya... na sya ang pinakamaganda. 

Risk taker akong tao... but for once in my life ngayon lang ako natakot sumugal. Ngayon lang ako natakot lumaban for I know that at the of the day, kahit baligtarin ang mundo matatalo at matatalo ako. But every time, every time na nakikita ko si Mika, wala ng ibang sinisigaw ang puso ko kundi ang sumugal kasi it will be all worth it. Wala ng ibang sinasabi ang utak kung hindi ang 'Sumugal ka Vic, mabuti ng matalo at least you make the most of it' 

Ewan, yun na lang din siguro talaga yung mantra ko sa buhay. We only live once. Life is short, let's make the most of it. 

Maybe yes, nasa maling situation nga ako. I might be in the wrongest situation right now, but as long as I'm with the rightest person, I am willing to take the risk, kasi sya lang naman yung magmamatter at hindi ang ibang aspeto. 

Ngayon kasi, hindi ko na alam kung anong tama at mali. All I know is that.. I want her.. no... she's all that I want. 

Nag-umpisa ng dumampi ang labi ko sa noo nito na naging dahilan para magising sya. Pagkamulat ng kanyang mata ay agad ko syang binati ng "Good morning beautiful" 

Nakapikit naman itong ngumiti kaya hinalikan ko ang mata nya. Lalo syang napangiti. Namiss ko to. "I missed you" bulong ko tsaka ako yumakap ng mahigpit sa kanya. 

Pagkalas sa yakap ay agad syang nagsalita "Namiss mo ko e buong gabi tayong magkasama kagabi" 

"Kahit naman kasama na kita namimiss pa rin kita e" sana hindi sya nauumay sa ganitong gestures ko. When it comes to her, parang natural sa aking maging sweet kahit alam kong hindi naman talaga ako sweet na tao. Yung pagiging clingy nga hindi ko na thing e, as in bihirang bihira lang ako maglambing sa tao pero pagdating kay Mika... every chance na meron parang gusto kong laging nakadikit sa kanya, parang gusto kong laging sinasabi kung anong nararamdaman ko para sa kanya at kung gaano sya kaganda para sa akin. 

DOWN BY LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon