Hi ate maxinelat maxinejijiOh my God this is it!😎😎*hingangMalalim*. Ate Maxine, isa po ako sa milyon-milyong taga hanga nyo, isa sa mga likers/followers ng isang Maxine Lat Calibuso(hambogest). Mahigit tatlong taon na po ako sa mundo ng wattpad, ang totoo po ay pangatlong account ko na ito ngayon.
At gusto ko lang po talagang malaman niyo na hindi man ako die-hard-fan niyo, hindi man ako ang numero unong taga-hanga niyo ay isa naman po ako sa mga taong totoong nagmamahal sa inyo at sa mga kwentong ginawa niyo. 😍😍Aksidente ko lang pong nabasa ang he's into her noong minsang may nabasa akong nagcomment sa fb page na kinabibilangan ko, at talaga namang hinanap ko ang wattpad account niyo at ang story niyo. So, ayon po simula nun binasa ko na ang HIH, mahigit tatlong linggo rin bago ko natapos ang season 1 at season 2 dahil may trabaho din po ako nun, that time naman po kasi hindi pa tapos ang season 3 dahil on-going pa. Isa lang po akong silent reader, ung tipong mag-isang kinikilig, mag-isang umiiyak. At nung natapos ko nga pong basahin ang HIH nawalan ako ng ganang magbasa ng ibang story(totoo po😢sorry), mahigit dalawang buwan din po bago ako nakapagbasa ulit ng ibang kwento sa wattpad library ko kahit na hindi pa po ako totally nakakamove-on. Hanggang ngayon po kasi ay nasa isip ko parin bawat mabibigat na linyang binibitawan ng mga karakter, nasa puso ko parin lahat ng emosyong naramdaman ko habang binabasa ko noon ang HIH, at tuwing nabobored ako ay binabasa ko sya ulit mula sa simula, nakakatuwa nga lang po dahil kung ano ung nararamdaman ko noong unang binasa ko ang story ay ganun na ganun parin hanggang ngayon, ung sakit na naramdaman ko, ung kilig, ganun na ganun parin. Kinikilig ako sa linya nila sensui at taguro, naiinis parin ako kay Eerah Anitha, at naiiyak parin ako sa tuwing nagkakalayo ang tagsen. 😭😭😭 Ate Max, wala pang isang taon mula ng matapos ang HIH pero higit sampung beses ko na itong nabasa. (Kahit hindi pa kaso tapos inuulit ko parin) Paulit ulit pero hindi nakakasawa. (baliw na ba ako?😱😱)
Lahat po ng story nyo ate Max ay nabasa ko na at HIH po talaga ang favorite ko, Dahil sa sobrang pagmamahal ko po sa story nyo ay naging stalker niyo na rin po ako sa social media. Heheheh 😊😊at ang ganda ganda nyo po talaga ate Max, ang angas angas ng dating niyo kahit sa larawan at video ko pa lang po kayo nakikita. Pakiramdam ko lumabas si Maxpein mula sa libro sa katauhan niyo. kaya nga po ngayon, tuwing magbabasa ako kapag nag iimagine ako kay Maxpein, ikaw po ang nasa isip ko heheh. 😒😒
Ang totoo po nyan😭😭😭 huhuhu! (SorryAgad) Naiinggit ako doon sa ibang admin na naging ka-close nyo 😢😢 sabi ko sa sarili ko 'sana ako din, makapag papicture manlang kasama nya', 'sana ako din may fs', 'sana ako din may signature nya', 'sana katulad nila makita ko din sya' 😭😭😭 huhuh! Iyak na lang ako. Sa susunod po na magkaroon kayo ng book signing, kahit sa Mindanao pa yan(haharap ako sa grupo ng Isis at Maute... ✌) pipilitin kong makapunta para po makita kayo ng personal. (Segway, taga Cavite po ako).
Ate Max, gusto nyo po bang makita ung higit isang libong screen shot photos na nasa gallery ng phone ko?(syempre hindi, baka magalit pa kayo😒😒😒) heheh. May picture po kayo sa phone ko, mga nakaw lang, hehehe madami din po akong screen shot na picture galing sa HIH, sobrang dami.
Ayon po, salamat po talaga ate Max sa pagsusulat ng HIH, salamat po sa pagbibigay nyo ng inspirasyon sa mga katulad ko. 😍😍
Kinikilig ako 😍😍😘😘😚😚 Iloveyou ate Max! 😎😎
Pansinin nyo po ito.. ✋✋✋ kahit isang comment lang pliiissssss 🙏🙏🙏🙏
Ps: sorry po kung jeje ako magsulat. Huhuh 😭😭
Pps: isa lang po ang sigurado ako, mula sa puso lahat ng sinulat ko, wala akong pinag isipan.
Ppps: sige bash niyo ko, ganyan kayo eh. Pero wala akong pake! Para kay ate Max ang sulat na yan at hindi sa inyo, kaya kingina niyo d-.-b
Pppps: nagcocomment na ako ngayon sa HIH hehehe.
BINABASA MO ANG
To My Hambogest, An Open Letter For Ms. Maxine Lat Calibuso(maxinejiji)
RastgeleHAMBOGest