CHAPTER1: MADUGONG KATATAKUTAN

15 0 0
                                    

Nang hapong yon napag-isipan ng tatlong magkakaibigan na maligo sa pool ng kanilang skwelahan.Si Sandra na pinakamaganda si Ana na napakayaman at si Gwen na napakatalino. Ang tatlong magkakaibigan ay napakapopular sa campus nila kaya naman walang  alinlangan na maraming naiingit sa kanila at isa na nga doon ang anak ng isang mayaman na mataba at sobra ang inggit sa kanila. Dahil noong hindi pa niya sila kaklase ay siya ang sikat sa kanilang school ngunit ng dumating sila sa buhay niya ay lagi na lamang siya pangalawa. Ngunit ang taong pinakaiinisan niya ay walang iba kundi si Sandra dahil alam niya na may laban pa siya kay Ana at kay Gwen pero dahil nga sa likas na kagandahan ni Sandra naagaw niya pati ang mga manliligaw na binabayaran  ng matabang babae para magpanggap na manligaw nito pero dahil sa lubos na kagandahan ni Sandra kahit ang mga ito ay iniwan rin siya.

Samantalang, napagkasunduan nila na magkita sa tapat ng gate nito ng 9:00 ng umaga. Sa di nila maintindihang dahilan ay ninais nilang maligo dito ng panahon na yon.

Ayon nga sa napagkasunduan nagkita sila sa nasabing oras at lugar ng pagtatagpo. Sabay sabay silang nakarating sa pook na yon. Masaya silang nagbatian at nagkamustahan. Bago pa man sila makarating sa trangkahan ay sabay sabay din silang natigilan sa pangalawang pagkakataon . Di na nila pinasin ang pangyayaring yon dahil wala rin namang may lakas ng loob sa kanilang tatlo na pagusapan ang kakaibang nararamdaman nila. Iniisip nila na siguro ay nagkataon lamang yon. Kaya't patuloy sila sa pakikipaghuntahan sa isat-isa. Nagpasya na silang magpalit na damit at hinaya na nila ang isat-isa para maligo sa pool. Tuwang tuwa ang tatlo habang naglalaro ng tubig sa pool. Tatlo lamang sila ng umagang yon. Dahil malaking sponsor ang tatay ni Ana sa skwelahang yon ay nagawan nila ng paraan na makapasok sa pool ng skwelahan na yon kung saan 10:00 am talaga ang bukas non. Habang sila ay naglalaro ng habulan sa pool na yon ay may naramdaman silang kakaiba at sa pangatlong pagkakataon ay binale wala nila iyon. Parehas silang tatlo nag iisip na kapag sinabi nila nng kanilang nararamdaman ay baka matakot ang mga ito at masayang ang magandang araw na iyon, maliban pa sa dahilang baka mapagkamalang baliw kung sino man sa kanila ang magkwento tungkol sa nararamdaman nila. Nasa ganoon silang pagmumuni ng tumigil sila sa kani-kanilang ginagawa.

Pare-parehas silang nakaramdam ng kakaibang lamig na alam nilang hindi nanggagaling sa ihip ng hangin dahil wala namang gaanong hangin ng panahon na yon. Di man lamang gumagalaw ang dahon sa puno sa loob ng school pool na yon. Imposible rin namang magaling sa pool ang lamig na yon dahil ang lamig na nararamdaman nila ay nagmumula sa batok nila. At sa pagkakataon na yon ay di naman sila nakalubog dahil nasa hanggang beywang lamang ang tubig ng pool. Ito ay sa dahilang medyo napaurong sila sa takot.

Gustuhin man nilang umahon ay di nila magawa. Maski ang sumigaw ng panahon na yon ay waring pinagkait dahil ano mang pilit nilang sumigaw ay walang tinig na lumalabas mula dito. Ang tangi na lamang nilang magagawa ay magkatinginan sa isat-isa, magdasal sa kanilang mga isip at umiyak. Maya-maya pa ay may humahatak na sa mga paa nila. Dahil nga sa di sila makakilos ay wala silang magawa kundi magpatianod na lamang dito. Nagtataka sila na hindi sila lumulubog at para lamang silang inaagos habang nakaupo. Hinatak sila patungo sa isang sulok ng pool. Nang makarating sila sa dulo ng pool ang mga nakataas nilang paa ay bigla na lang pumailalim. Maya-maya ay kumusa itong gumalaw na para bang may kinukuha sila sa ilalim. Nararamdaman naman nilang parang may nakasabit sa kanilang mga paa. Kaya't lalo silang nahintakutan at dahil dito labis labis ang pagdarasal nila. Ilang sandali pa ay nararamdaman nilang unti-unti na namang umaangat ang kanilang mga paa. Sabay nito ang bigat na nararamdaman nila sa bahaging paa at binti ng mga ito. Dahan-dahan umaangat ang mga paa nila kasabay nito ang hugis ng ulo at katawan ng isang dalagang babaeng na mahaba ang buhok at nakayuko. Natatakpan ng buhok nito ang kabuuang hugis o itsura ng babae. Nangilabot sila sa kanilang nakita. Umiiyak ang babae. Nang itataas na ng babae ang kaniyang ulo ay dagling nakagalaw ang tatlo. Dahil dito ay kumaripas sila ng langoy at takbo para lamang makalabas sa pool na yon. Bago pa man sila makaalis ay muling lumingon si Ana sa babaeng iyon. Ngayon ay hindi na takot ang nararamdaman nito kundi awa. Nakakasigaw na rin sila kung kaya't na rinig sila ng katiawala ng pool na agad-agad nagpunta sa kanilang tatlo. Halos mabulol bulol at maiyak iyak pa na ikwento ni Sandra ang nakita nila. Si Sandra ay ang isa sa matalik na kaibigan ni Ana. Na may seksing pangangatawan, kinukumpara pa nga ito sa katawan ni Ruffa Mae Quintos kaya naman marami ang nagkakagusto rito. Kung tigtignang mabuti ni Sandra ay may pagkakahawig ito sa nagmumultong babae.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 27, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang PoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon