"Sya at Ako"
Sya at ako
Sino nga ba talaga ang nararapat para sayo?
Ako na nagmamahal ng buong-buo?
O sya na nagpapaligaya sa puso mong nalilito?
Sa bilyong-bilyong tao na meron sa mundo
Dalawa pa kaming pinana ni kupido
Hindi ba pwedeng isa lang kada isang isang tao?
Tapos yung nilalang na 'yon, yun pala ay akoMinsan iniisip ko sana ako na lang sya
Sana ako na lang yung babaeng minamahal mo ng sobra-sobra
Yung magiging araw mo sa umaga
At yung magiging dahilan kung bakit ka masayaSana ako na lang sya
Ako na lang yung babaeng yayakapin mo tuwing nalulungkot ka na
Ako na lang yung magiging sandalan mo kapag walang-wala ka na
Sana ako na lang syaIsa, dalawa, tatlo
Lagi na lang ba akong magiging pangatlo?
Sino nga ba ako para palitan sya sa pwesto mo?
Pwesto na kahit kailan, hindi ko makukuha mula sayoHindi ba pwedeng ako na lang sya?
Ako na lang yung makakasama mo kapag gusto mong tumingin sa mga tala
Ako na lang yung hihilingin mo na makasama hanggang pagtanda
Sana ako na lang syaSa tuwing nakikita ko kayong magkasama
Hindi ko mawari kung bakit hindi ako pwede pumalit sa kanya
Ako na walang ginawa kundi mahalin ka
Ako na nagbabakasakaling mapansin mo tuwing lilingon ka
Ako na handang isakripisyo ang sarili tuwing nahihirapan ka na
Ako na hanggang ngayon umaasa paSya at ako
Hindi ba pwedeng magpalit kami kahit ilang segundo
Ilang segundo para lang makita ang mga ngiti mo
Ngiti na sa wakas ang dahilan ay akoHindi ba pwedeng ako na lang?
Ako na lang yung may karapatan na hawakan yung mga kamay mo kahit sa imahinasyon lamang
Ako na wala ka nang dapat isaalang alang
Kasi yung pagmamahal ko, sobra-sobra na langPwede ko bang maramdaman yung pag-aalaga na binibigay mo sa kanya?
Pag-aalaga na sapat na para maging espesyal sya
Pag-aalaga na sapat na para masabing ayaw mo syang mawala
Pag-aalaga na nililimos ko mula sayo na parang isang baryaSana ako na lang sya
Sya na nagpapaligaya sayo
Sya na nabibigyan ng matatamis na halik mo
Sya na walang katapusan na nahahagkan mo
Sya na kahit kailan, hindi magiging ako~~~~~~
Author's Note: If you have any suggestions regarding the topic, comment nyo lang! I make it up to you kaya 'wag kayong mahiya.
You can also message me your poetries and I will put it here in the book with your username/real name/ pen name, ofcourse.
Don't forget to vote and leave comments! Enjoy reading!
BINABASA MO ANG
Spoken Word Poetry
RandomMga tulang inukit para sa iyong pusong sawi. Iba't ibang tulang may storyang hatid. Sinaktan ka ba? Iniwanan ka ba? Hindi mo ba maintindihan ang sitwasyon mo ngayon? Naguguluhan ka na ba? Magbasa ng mga tulang paniguradong makakarelate ka!