"Naaalala mo pa ba?"
Naaalala mo pa ba yung hindi pa tayo nagkikitang dalawa?
Yung pareho pa natin kaya magsaya kahit tayo lang mag-isa
Yung mga panahon na walang iniisip na mga problema
Problemang pag-ibig na puro sakit lang ang dalaNaaalala mo pa ba noong lumapit ka sa aking tabi?
Noong nangako ka na magiging masaya ako sa iyong piling
Noong hinawakan mo ang aking mga kamay at pinasaya ako ng walang humpay
Kasi mahal, 'yun yung panahon na pinili kong sundin ang puso ko na akala ko tunayNaaalala mo pa ba kung paano tayo naging maligaya?
Kung paano natin pinaramdam na mahalaga tayo sa isa't isa
Kung paano natin inaayos yung mabibigat na problema
Kung paano natin pinilit na isalba ang relasyon na naging patapon naNaaalala mo pa ba?
Naaalala mo pa ba ang lahat?
Naaalala mo pa ba kung paano napalitan ang saya ng lungkot at sakit nang maling pag-iibigan natin?
Kung paano natin pinili na maghiwalay ng daan dahil pareho na tayong nasasaktan
Kung paano tayo namaalam sa isa't isa at ika'y tumalikod para ako'y iwanan na
Kasi mahal, mahal naaalala ko pa
Naaalala ko pa na sa buhay ko, minsa'y dumating ka
BINABASA MO ANG
Spoken Word Poetry
RandomMga tulang inukit para sa iyong pusong sawi. Iba't ibang tulang may storyang hatid. Sinaktan ka ba? Iniwanan ka ba? Hindi mo ba maintindihan ang sitwasyon mo ngayon? Naguguluhan ka na ba? Magbasa ng mga tulang paniguradong makakarelate ka!