"Kamusta Ka Na?"
Kamusta ka na?
Kamusta na yung taong akala ko hindi ako iiwan hangga't kaya pa nya
Kamusta na yung taong nangako na mamahalin ako hangga't yung puso ko tumitibok pa din sa kanyaAyos ka lang ba?
Ayos ka pa din ba, kahit yung 'tayo' noon, ngayo'y wala na
Ayos ka pa din ba, kahit ngayon pareho na tayong nagiisaNagiisa?
Nagiisa ka nga ba?
Nakalimutan ko na may ipinalit ka na nga pala sa akin na iba
Iba, na kayang punan ang lahat ng aking pagkukulang
Iba, na kaya kang pasayahin sa isang salita lamang
Iba, na alam kong wala ng hahadlang
Sya yung iba na kahit kailan hindi mapapalitan ng ako kailanmanMasaya ka na ba?
Mukhang masaya ka naman na
Kasi yung mga ngiti mo may kasama ng tawa
Kaya pasensya na ha
Pasensya na kasi hindi ko makuhang maging maligaya
Kasi yung puso ko hanggang ngayon na sa iyo pa
Kinuha mo ang iyo pero yung akin hindi mo na ibinalik pa
Kaya ngayon ako nagdudusa, ikaw nagsasaya naNangangamusta lang naman talaga ako
At gaya ng mga naunang nangamusta, lahat ng 'yon ay natapos din sa salitang 'paalam na'
BINABASA MO ANG
Spoken Word Poetry
RandomMga tulang inukit para sa iyong pusong sawi. Iba't ibang tulang may storyang hatid. Sinaktan ka ba? Iniwanan ka ba? Hindi mo ba maintindihan ang sitwasyon mo ngayon? Naguguluhan ka na ba? Magbasa ng mga tulang paniguradong makakarelate ka!