Chapter 5

26 4 0
                                    

!WARNING! READ AT YOUR OWN RISK

----- 💀
Kia's PoV

Nagising ako sa harap ng kwarto ko. Agad kong natanaw ang mga pulang rosas na nakakalat sa daan.

Tumayo ako at naramdaman kong may papalapit sa akin. Lumingon ako pero wala naman. Umurong ako hanggang sa naramdaman kong may basa akong naaapakan.

Hindi ako nag-abalang tumingin dito. Napalingon ako sa kanan ko.

Nanghina ang tuhod ko dahil wala na si Kuya. Patay na sya. Tumulo ang luha ko. Kitang kita ko ang putol na brasong nakakalat sa harap ng kwarto nya.

May hawak itong pulang rosas. Lumakas ang pag-iyak ko ng maalala kong ako ang dahilan kung bakit sya umuwi dito.

Siya nalang ang meron ako. Wala akong magulang at yun ang pinaniniwalaan ko. Si kuya sya ang gumagabay sa akin. Pero inilagay ko ang buhay nya sa panganib.

Tumayo ang balahibo ko. May nararamdaman akong humihinga sa likuran ko..

"K-Kia!"

hindi! please tumigil ka na!

Dahan dahan akong lumingon sa likod ko. Narinig ko ang pagtawag sa akin ni Kuya.

Nangtuluyan na akong nakalingon. Napatakip ako ng bibig. Putol putol na ang braso at binti ni Kuya.

Puro dugo na ang mukha nya. Dun ko lang napagtanto na ang binalewala kong parang tubig na naaapakan ko kanina ay dugo na nang gagaling kay kuya.

Dahan dahan akong lumapit sa kanya. Ngayon ko lang malinaw na nakitang nakatali pala sya at nakayuko na lang dahil sa puno ng dugo ang mukha nya.

Natatakot akong humakbang dahil nangyayari ito sa loob ng kwarto ko.

Hindi ako makapaniwala na nangyayari ito. Ilang beses na ako nagmakaawang tumigil na sya.

Humakbang ako uli gamit ang kaliwang paa ko. Saktong pagtapak ko ay namatay ang ilaw.

Napakadilim pero naririnig ko pa din si Kuya. Ang mga pagdaing nya halatang napakasakit.

Takot na humakbang ako ulit. Sabay ng pag-ilaw ng mga kandila sa paligid.

"Forget everything and I will be fine but seeing others hurt is not enough.. I won't let others laugh with joy, I want them to suffer, suffer, suffer"

Naririnig ko si Kuya. Natatatakot ako dahil para na syang nababaliw sa tuwing inuulit nyang sabihin ang lahat ng yun.

Nakarinig ako ng tawa. Nakakarindi, napakasakit nito sa pandinig. Nagtakip ako ng tenga dahil mas lalo itong lumalakas.

"Kia"

Nakita ko na naman sya. Nakatalikod sya sa akin.
Lumakas lalo ang sigaw ni Kuya.

"Argh!!!"

Napaurong ako dahil sa takot dahil unti unti nyang inililingon ang ulo nya nang hindi ginagalaw ang kanyang katawan.

Tuluyan nyang naiharap sa akin ang kanyang ulo..
hindi ko pa rin nakikita ang mukha nya.

"Hinding Hindi ako titigil, hindi ko hahayaang sumaya ang iba dahil kahit kailan hindi ko yun naramdaman"

Tumulo bigla ang luha ko pagkatapos nyang sabihin yun.

Narinig ko ang huling sigaw ni kuya. Wala na wala na talaga sya..

"Sino ka ba?! bakit mo to ginagawa sa amin?!" tanong ko sa kanya.

"hahaha Kia ako si Kia"
----

Inilibing ko si Kuya sa likod ng bahay kahit takot na takot akong hawakan sya at ang ibang parte ng katawan nya. Hindi ko sya mabigyan ng pormal na libing dahil hindi ko alam kung saan ako kukuha ng ipambabayad.

Napaluhod ang nangmatapos ko syang ilibing at sakto ding umulan. Umiyak lang ako ng umiyak.

Naalala ko ang isinagot nya sa akin.

Ang pangalan nya daw ay Kia pero alam kong niloloko nya ako. Sino ba kasi talaga sya at bakit nangyayari to!
----

KianaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon