A/N: si akira po yung asa pic
***
Sakura's PoV
Uwian na naman at ang lakas lakas ng ulan, kaya naman hindi matuloy tuloy yung battle namin sa hip hop eh lagi na lang naulan, sa field kami dapat mag pperform para madaming makapanuod pero ng dahil sa ulan na ito, hindi matuloy-tuloy, pinaghandaan pa naman namin yung battle na yun, nagsikap kami na maging perfect yun, at dahil rin sa battle na ito nalaman kong pwede pala akong maging dancer, at ito rin yung magiging exam namin this grading, pero bago ang lahat paano ako pupunta sa parking lot dahil napakalakas ng ulan at wala akong payong
"Tara na" napatingin ako sa umimik at si Jefferson pala ang isa ko pang best friend, ssshhh lang kayo ah, pero naging crush ko din yan, kaso mukhang may gusto ng iba kaya itinigil ko na lang, sa kasalukuyan ay may hawak syang payong kaya sa kanya na ako sumabay, para makisukob haha, at kasabay ko rin sya pauwi dahil sa napaka bait namin eh pinasabay na namin sya pauwi tutal mahal din ang pamasahe sa kanila at malayo pa sa sakayan ng tricycle
"Jeff may tanong ako sayo" hihihi ito yung best part pag magkasama kami eh
"Oh wag mo susubukang ituloy yan kung hindi hahalikan kita" tingnan lang naten
"Bakit ang panget mo? HAHAHAHA" at nakita ko naman ang reaksyon nya na galit na galit saken
"Kung panget ako, panget ka rin" aba sinusubukan ako
"At bakit aber?"
"Para bagay tayong dalawa"
"YUCCKK, mahiya ka nga sa itsura mo, sa ganda kong toh, sa isang katulad mo lang mapupunta, NEVER!!" At sya naman ngayon ang tawa ng tawa
"IKAW ANG PANGET!!" sigaw ko kahit maraming tao sa paligid
"Oo na, oo na, ako na yung panget" sabay gulo nya sa buhok ko
"Tsk, insicure ka talaga sa buhok ko noh, bakla ka nga" sabi ko habang nag aayos ng maganda kong buhok na ginulo nya
"Tanggap ko ng panget ako, pero bakla, excuse me lang ha, lalaki po ako" taas noo pa sya habang nagpapaliwanag
"Bakit tinatanong ko ba?" Taas kilay ko syang hinarap
"Ini inform lang po kita, baka kasi gusto mo lang ng kiss"
"OMG, paano mo nasisikmurang sabihin saken yan, hellow ako magpapahalik sayo, excuse me lang ha, kausapin mo na lang yung kamay ko"
Nakarating kami sa parking lot na puro kulitan at asaran lang ng may ma sense ulit akong dark aura, sumakay na ako agad at nagtanog sa gwapo kong tito
"Tito bakit pinasakay mo yang imbyernong yan sa magara kong kotse?" Pabulong kong tanong sa kanya, well ganun din naman pala kahit marinig nya, magbibingi-bingihan sya
"Hayaan mo na, wala syang payong at ang lakas-lakas ng ulan, baka magkasakit pa sya" wow may sakit ata ang tito ko ngayon
"Kelan ka pa naging caring sa ibang tao tsk" dahil sa inis ko, sinuot ko na lang yung headphone ko at nagpatugtog, sidekick by dawin lang yung kantang nagpapakalma saken, I'm very eager na matutunan yung dance steps na ang nag cover ay Master Mind, basta magaling sila sumayaw at idol ko sila.
Meanwhile nakarating na rin sa wakas at dahil hindi na mawawala ang inis ko, padabog akong pumasok ng bahay at naiwan ang isa kong sapatos sa labas, diretso lang ang tingin ko at hindi ko pinansin ang magulang ko, at nag tungo ako sa kwarto ko, sa sobra kong inis ay ipinagbabato ko ang lahat ng makita ko sa higaan ko, pinunit ko pa yung drawing na pinagkahirapan ko gawin that time, wala eh hindi ko kayang kontrolin ang sarili kong galit
BINABASA MO ANG
My Untitled Love Story
Teen FictionThis is a fiction story na naniniwala sa kasabihang hindi lahat ng nakikita sa drama ay nangyayari sa totoong buhay, at hindi lahat ng gustuhin natin ay makukuha natin, C'mon basahin ang kwento ni Sakura, marami kang malalaman na hindi mo pa siguro...