7 PARENTS OF IVY/WARNING

2.2K 51 0
                                    


FLASHBACKS

QUEEN PEARL

Ako na siguro ang pinakamasayang babae dahil sa ipinanganak ko si Ivy. Masiyahing bata, ganda na minana sa akin at talino na minana sa aking mahal na asawa na Hari ng Dragic Empire. Habang lumalaki siya ay mas lalo namin napapansin ang mabilis niyang galaw at napakabalanseng enerhiya na bumabalot unti unti sa kanyang katawan na tila hindi napapansin ng aming anak.

Sa paglipas ng panahon, habang lumalaki siya ay mas lalo namang nanganganib ang Dragic Empire. Ang aking mahal na Hari ang nagpatuloy sa sinimulan ng kanyang mga magulang at kasama niya ako sa pagpapalaganap ng kabutihan at tamang paggamit ng kapangyarihan..... at dragon.

KING LIRE

Isang mapagmahal, mabait at maalagang babae. Tatlong salita ang ibinigay kong salita para mailarawan ang katangian ng babaeng mahal ko. Na ngayon ay asawa ko na, at isang ina sa aking anak na babae, si Ivy. Ngunit sadyang mapait si tadhana dahil alam ko, at alam ng asawa ko na lumalakas ang enerhiya sa katawan ng aming anak kung kaya't napag pasyahan namin na sa darating na ika pitong taong gulang niya ay ilalayo namin siya. At balang araw ay sana maiintindihan niya ang rason namin ng kanyang Ina.

FLASHBACK ENDS

AT HEADMASTER NAIR OFFICE

Headmaster Nair: "Ititipon ko kayo, pagkatapos ng klase. Pakisabihan ang inyong mga kaibigan. At dapat ay hindi ito malaman ni Ivy. Peter, Jam. Kayo na bahala kay Ivy."

Sabi ni Headmaster Nair kina Peter at Jam na prenteng nakaupo sa sofa sa kanyang opisina.

Kailangan na kumilos habang hindi pa dumarating ang panahon ng paglusob ng kalaban.

*RIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIINGGGGGG*

Tunog ng bell sa Dragic Empire. Senyales na tapos na ang klase, kinausap naman ni Sienna ang mga kaibigang babae maliban kay Ivy ang tungkol sa pagtitipon. Samantala, nag uusap naman sa mata ang magkakaibigan n a lalaki tungkol dito.

Peter: Ivy, samahan mo naman kami ni Jam. May pupuntahan tayo." / Sabi ng binata kay Ivy.

Ivy: Saan naman tayo pupunta? Hindi ba natin sila kasama? /turo naman ni Ivy sa mga kaibigan.

Jam: Hindi. May gagawin kasi sila e. Lika na.

Hinila naman ni Jam si Ivy kasama si Peter para mailayo at hindi mag duda si Ivy sa kanilang kinikilos at gagawin ng kanyang mga kaibigan.

Lingid naman sa kaalaman ni Ivy ay siya ang tinutukoy talaga ni Headmaster tungkol sa nawawalang anak nina King Lire at Queen Pearl matagal na panahon na ang nakalipas ngunit sa hindi malamang dahilan ay nilihiim ito ni Nair sa mga bata para na rin sa kaligtasan ng Dragic Empire.

*TOK* *TOK*

Katok ni Sienna sa Office Room ni Headmaster Nair.

Pumasok ang magkakaibigan pagkatapos kumatok. Nagulat naman sila ng makita ang Hari at Reyna kung kaya't nag bow ang mga ito.

HM Nair: "Sige na magsi upo kayo. May mahalaga akong sasabihin sa inyo.."

Gulat man ay umupo ang magkakaibigan malayo ng kaunti sa Hari at Reyna. 

HM: Dederetsahin ko na kayo, gusto ko na mag sanay kayo sa mga darating na araw. Dahil naramdaman ng Hari at Reyna na may alam na ang Demonic Clan na nandito sa Dragic Empire ang pinakamalakas na tatalo sa kanila. 

King Lire: May hula ba kayo kung sino siya?

Nagkatinginan ang magkakaibigan. Hanggang sa....

Sienna: Si Ivy po? Tama ba ako?

Queen Pearl: Oo, asan siya? Bakit di niyo kasama?

Nagkatinginan naman sina Sienna at HM Nair. 

HM Nair: Hindi pa niya alam na siya ang may malakas na kapangyarihan, mahal na Hari at Reyna. 

King Lire: Gusto ko na tulungan niyo siya. Hasain at mapalabas ang kanyang kapangyarihan. Nair, ikaw na ang magsabi sa mga bata ang tungkol sa.........

Nagulat ang lahat sa inasta ni Perrie dahil biglang nag itim ang mata nito pagkatapos ay tumawa ng napakalakas, tawa ng isang demonyo. 

"Hahahahahahahahaha!!! Sinasabi ko na nga ba. Maghanda kayo dahil sa darating na ika dalawang buwan magmula ngayon ay lulusob kami at kukunin ang anak niyo."

Pagkatapos ay nahimatay si Perrie na siya namang ikinataranta ng ibang kasama. Dadalhin na sana nila si Perrie sa clinic nang lapitan ni Queen Pearl ang dalaga, ipinatong ang kamay sa dibdib kasabay ay may lumabas na kulay abong puti patungo kay Perrie at...

Perrie: "A-anong nangyari.. hala.. Ano p-pong nangyari sa akin?"  / Gulat na sambit ng dalaga ng makitang nasa harapan niya ang Queen Pearl sa kanyang pag gising.

Queen: Isang itong babala. Hindi ko alam na nakikita mo pala ang pwedeng mangyari, Perrie.

Perrie: Paumanhin po, hindi ko sinasadya na makita niyo po iyon. 

Yam: Kaya pala matamlay ka kaninang umaga pa. Okay ka lang?

Tumango lamang si Perrie. Napag usapan na rin nila na sasabihin ni HM Nair ang katotohanan sa tamang panahon ang tungkol kay Ivy. Samantala nagulat naman ang lahat ng dumating si Peter at humahangos ito. 

Peter: Headmaster, Si Ivy po.......

*****

UD AGAD... - MS. B

THE BALANCER: DRAGIC EMPIRE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon