"God sissy you're so mabagal baka maiwan tayo ng bus!" Pagmamaktol ni Nikka habang inaayos ko yung buhok ko.
"Hindi tayo iiwan nung mga yun no.Remember Pochollo's with us,hindi nila maaatim maiwan ang isa sa miyembro ng first five."
"Kasi naman anong oras na sissy,5am ang call time,15 minutes to 5:00 na."
" Dala naman ni Pochollo yung wheels nya,sabihin na lang natin sa driver bilisan. Excited ka naman kasi masyado." Nilingon ko siya habang pinapasadahan ko na ng tingin ang sarili ko sa lifesize mirror ng kwarto ko.
Nakita ko sa salamin kung paano ako inirapan ni Nikka. "Kung bakit naman kasi need pa ni Axel unahin yung utos ng Daddy niya kesa sa outing na to?ayan tuloy pati kami ni Poch responsible sayo.hmmp!"
Napatawa ako kay Nikka nang makita ko kung paano niya isalampak ang sarili sa kama ko.Halata mong inip n inip na siya. Hindi kasi makakasabay samin si Axel dahil inutusan pa siya ng Daddy niya tungkol sa business nila,kaya nakisuyo si Axel kay Nikka na isabay na ako papuntang school.
Nilingon ko siya saka nginitian. " I'm done".
Umaliwalas naman ang mukha ni Nikka at dali Daling tumayo para makalabas ng kwarto.
Sakto lang naman yung dating namin sa school. Pasakay na rin sila sa bus.
"Naku buti na lang sakto lang yung dating natin sissy." Turan sakin ni Nikka habang umaakyat kami sa bus.
Bale ang naging magkakatabi sa upuan ay sina Pochollo at Nikka,Adrian at Wendell,Erick at Drake,Joshua at Jordan na kateam mate din nila,ako at Gladys at sa tapat namn namin ay si Emily at Kiann. Puro two seats lang kasi ung kinuhang bus ng University para daw mas komportable sa byahe.
Habang nasa byahe kami at natutulog si Gladys biglang tumawag si Axel,dahilan para magising si Gladys. Sinabi niyang bukas pa daw siya makakasunod dahil hnd natapos yung pinapagawa sakaniya.
"Ano ba yan pwede namang itxt na lang.kailangan ba talaga phone call pa?alam ng nasa byahe at pwedeng may mga tulog.tss." reklamo ni Gladys. Pagdating talaga sa pagtulog wag na wag mo siyang iistorbohin dahil maghahalo ang balat sa tinalupan.katulad ngayon,halata mong bad trip siya.
Hindi na lang ako nagsalita para di na humaba ang usapan.
Hindi ko alam bakit di ako makatulog sa gitna ng byahe. Naisipan kong kunin ang headset ko sa bag at makinig na lang ng music. Habang kinukuha ko yung headset ko bigla namang nahulog yung hygiene pouch ko malapit sa paanan ni Kiann.
Napilitan tuloy akong pumihit paharap sa kanila para mas maabot ko ung pouch ko.Pagdampot ko ng pouch ko di ko napigilang mapatingin sa pwesto nila Kiann. Mahimbing siya natutulog habang nakaakbay kay Emily at nakasandig naman yung ulo niya sa balikat ni Kiann. Hindi ko alam pero feeling ko may kumurot sa puso ko ng mga oras na iyon. I watched him sleep,at hindi ko alam kung bakit di ko magawang tanggalin ang mga mata kong nakatuon sa kanya.
Napasinghap ako ng biglang magmulat siya ng mga mata at huling huli niya kong nakatingin sa kanya.He looked at me in his blank expression.
"Ha...hi!nahulog kasi,(pinakita ko yung hawak kong pouch) kinuha ko lang.sorry if nagising kita." Nahihiya kong turan.
He said nothing other than a nod. Then there I saw him how he pulled Emily closer to him. I immediately turned on my original position...and heaved a deep sigh. Then closed my eyes to calm myself from the tension I am feeling that moment.
" Wow ang ganda!!!"
" Perfect!"
" What a scene!!!"Halos lahat yun ang naririnig kong mga papuri ng bawat estudyanteng bumababa at tumatanaw sa resort na pinuntahan namin. Tumagal din ng 4 na oras ang byahe namin bago kami makarating sa malaparaisong lugar na to. Yes. I called this paradise. Parang wala ka ng hahanapin pang magagandang bagay na wala sa lugar na to. Pakiramdam ko at home na at home ako dito.
YOU ARE READING
Loving You Unexpectedly
TeenfikcePlease just try to read! What will you do if the person you hated the most turns out to be your one true love unexpectedly? Will you have the courage to admit it or let your feelings hide? This is a story about Aeries Xandria Wong who has an ex bo...