enjoy reading!
"🎶saw you can keep me inside the rocket of your R.I.P. jeans. Folding your claws into my ice cream. You won't ever bee a loan... Way for me Come on🎶"
0_0
Pfft!
"Hmp!Bwahahahahahahahahahaha!"
"HAHAHAHAHAHA! sheeet!"
"Pfftt! hahahahahaha! Tang*na pre! Hahahahaha"
Walang Humpay sa malulutong na pagtawa ang tatlong magkakaibigan dahil sa narinig nilang Pagkanta ng isang di kilalang babae. Kasalukuyan silang naka tamabay sa Garden sa likod ng school. Ito kase ang unang araw ng klase. Maraming babae ang 'mangha-hunting' 'daw' sa 'kagwapuhan' nilang tatlo. Kailangan daw nilang mag-ingat dahil baka pagkaguluhan sila.
Anyway, hindi naman sila natawa dahil panget ang boses na kanilang narinig. Sa katunayan nga e nagandahan naman sila kahit papaano, yun nga lang e Mali Mali ang lyrics ng babae.
Dahil sa lakas ng pagtawa nilang tatlo ay natigil sa paglalakad ang babaeng itago natin sa pangalang 'KrungKrung'. Di pa kasi natin sya kilala. Medyo kinabahan si KrungKrung dahil hindi nya akalaing may tao pala doon. Luh?! May tao?!
Sa pagkakaalam nya kasi ay wala namang tumatambay sa parteng iyon ng eskwelahan. Lalo na't unang araw ngayon ng pasukan. Sabi ni Jillian walang pumupunta dito dahil inaabangan ng lahat ang pagdating ng campus crushes. So Ano yon?! Multo?! Or worst mga Adik. Nooooo!
"S-sinong nandyan?!" Sa katunayan ay hindi sya takot sa multo, Sa Adik, Oo. Katwiran nya kase ay hindi naman sya maaano ng multo, ngunit ang Adik pwede. Bahala na kayong umintindi👌😂
Natuptop ng magkakaibigan ang kanilang mga labi. Shit! Baka may makakita sa amin dito!
"Kasher? Roie? Paano na? Baka fan natin yan? Baka malaman ng buong campus kung nasaan tayo?!" Wika ni Blaze.
Kinabahan Ang Magkakaibigan dahil baka sumigaw si KrungKrung at malaman ng girls kung nasaan sila. Baka kiligin yon pag nakita kame at magsisigaw. Mahirap na.
"Ah-eh? Labasin nyo na. Dito lang ako. Promise di kayo i-iwan- araaay!" Napahawak si kasher sa noo kung Saan sya pinitik ni Roie.
"Magseryoso ka nga!" Sabi ni Roie Kay kasher. Sa kanilang tatlo kase ay ito ang pinaka seryoso.
"Sino kayo? Mga adik kayo 'noh?!
halos Mapalundag ang tatlo ng nagsalita si KrungKrung sa lirukan nila.
Hindi makapaniwala ang tatlo kung paano ito nakapunta sa likod nila ng hindi nila namamalayan.
Multo ba sya?! Sa isip-isip ng tatlo.Maputi kasi si KrungKrung as in maputi talaga. dahil iniisip nilang white lady sya. At Isa pa, sa loob ng buong high school life nila, ang Alam din nila ay wala namang dumadaan sa likod na bahagi ng eskwelahan kaya doon sila natambay.
Sa kabilang banda, si KrungKrung man ay magulat din ng masilayan ang magagandang lalake na nakamasid sa kanya. Huwaw!! Ang g-gwapo ng mga adik na 'to!
Natulala si KrungKrung at ang magkakaibigan. Basta si KrungKrung nakatingin sa tatlo. Tapos yung tatlo nakatingin sa kanya. In short nagtititigan sila. -_-
"A-anong Adik?! S-sinong Adik?! H-hoy multong panget! Wag kame--"
"Ano?! Multo?! Asan?!" Napalingon-lingon si KrungKrung sa paligid. Hinahanap nya ang multo.
Dahil muka syang tanga sa paghahanap ng multo ay humagalpak na naman sa katatawa ang tatlo. Seriously?? Hahahahah
Nawala ang tensyon na nararamdaman ng tatlo dahil hindi naman pala multo si KrungKrung.
Naginit ang ulo ni KrungKrung dahil wala syang nakitang bakas ng multo sa paligid. Ibig sabihin sya ang tinutukoy ng tatlo. Kaya pala tawa ng tawa ang mga adik na 'to! Grrrr!
Mula pagkabata ay lagi syang tinutukso ng kanyang mga kaklase na white lady. Nabubully sya dati, ngunit natutunan na niyang manapak ng kaklase dahil sa pambubully sa kanya noong siya ay mag grade five.
Dahil natutunan nyang manapak. Lagi na nyang sinasapak ang classmate nyang binubully sya. Hahaha kaya nga palipat lipat sya ng eskwelahan e. Madami syang kaso sa Guidance office. Pero nakakalusot naman kasi may dahilan sya, na provoke lang daw sya dahil sa pambubully sa kanya. Pero hindi sya nagagalit dahil tinawag syang multo ng tatlo. Nagagalit si KrungKrung dahil TINAWAG SYANG PANGET! oo panget! Mas masakit iyon kumpara sa matawag na multo.
Hinawakan nya ang balikat ng isa sa magkakaibigan at mabilis nya itong ginawaran ng matinding sapak.
Bulls eye! Wala ka pa ring kupas Xaire.Nakita nyang nagulat ang dalawa nitong kasama sa pananapak nya.
"W-w-what T-the F-fuck?! Did you just Punch me?!!"
Nakaramdam din ng kaba si KrungKrung este Xaire dahil sa pag sigaw sa kanya ng lalake. Sabihin na nating marunong syang mag karate magboxing at ng kung ano-ano pa, may takot pa din sya. Lalo na kung adik. Sa mga nababasa kasi nya ay nagkakaroon ng lakas ang mga nagdadrugs.
"E-eh kasi tinawag nyo akong multo we! Panget na Multo!! Hmp!"
Pinigilan ni Xaire na wag mautal."Ikaw pa lang ang kauna-unahang sumapak saken! Alam mo ba yon?! Ha?! At sinong sinasabihan mong adik?! Ha?! Sa gwapo naming 'to?! Humanda ka! Pagsisisihan mo'to panget! Hindi mo ba ako nakikilala? Ako lang naman ang pinaka gwapong nilalang sa campus na 'to! At isa din ako sa may ari ng Campus na 'to!"
Medyo natawa si Xaire sa isip nya dahil sa kahanginan ng isa sa magkakaibigan. Pero nangingibabaw pa din ang kaba dahil nalaman nyang isa pala ito sa may ari ng naturang eskwelahan.
Opppsss! Did I messed up with a wrong guy?! Oh no! Kabago-bago ko palang mukang may problema na agad?. Tsk!
-----
Sino ba yung sinapak mo KrungKrung?! Lagooooot!
BINABASA MO ANG
My not so Typical Girl
Romance✖✖MY NOT SO TYPICAL GIRL✖✖ "s-she's d-different" I mean she's weird. YEP! WEIRD! Hindi ko Alam kung may eng-eng sa utak o May talagang ganoon na sya since birth. minsan, masyadong maarte. minsan, totomboy-tomboy. napaka bipolar din nya -_- Pag sina...