CHAPTER XXVIII. |KILIG|

83.4K 1K 98
                                    

CHAPTER XXVIII

LIXIEN POV 

“Oh. Bat natulala ka na dyan” Clyde. Nakangisi pa

“You kiss me?!” Shet. Hindi pa din ako makapaniwala. He’s my first kiss.

“Gusto mo ulitin ko?” Nakakaloko ang ngiti nya.

“Alam mo ba na first kiss ko yun.”

Napangiti naman ito. “Wag kang mag-alala. I would be your Last kiss also.” Namula naman ako sa sagot nya.

“Argh. Hindi pa nga kita sinasagot Clyde. Chansing ka na!” Pinalo ko sya sa braso.

“Oh di sagutin mo na ko.”

“Ewan ko sayo. Maghintay ka ng isang taon bago kita sagutin” Agad namang nanlaki ang mata nya.

“Seriously. No way. Did you forget we made a deal. And if you want to broke the deal then you should kiss me” He smirk.

“Ang Maniac mo. Nahawa ka na kay Yvo”

“Sayo lang ako ganito. Tanging sayo lang” Tapos lumakad na sya papunta dun sa nakapark na kotse. “Ihahatid na kita. Come” Kung makautos talaga. Ayyyysss. 

Lumapit naman agad ako. At pinagbuksan nya ako ng pinto. Then sumakay na sya sa driver seat. Hindi kami nag-iimikan buong byahe. Pero hindi awkward ang atmosphere. It’s just right.

“I like you Lixien.” Nagulat ako ng bigla siyang magsalita at nagulat din ako sa sinabi niya.

Nakatingin lang si Clyde nang diretso sa pagmamaneho. Nang sinabi niya ang salitang yun, hindi ko maipaliwanag pero napangiti na lang ako. Aaminin ko natutuwa ako sa ipinapakita sakin ni Clyde. Malaki na talaga pinagbago nya. At ang light ng feeling pag kasama ko sya. Parang bigla akong nag-glow ng mapakinig ko sa kanya yun.  

Hindi ko na sya sinagot. Kasi sa tingin ko he didn’t demand an answer. Nang makarating na kami sa tapat ng bahay. Asusual he open the door for me.

“You’re going to the audition tomorrow, right?”Clyde.

“Yeah.”

 “I’ll be there. Good luck.” Akmang ki-kiss na naman sya sakin pero agad kong iniharang yung kamay ko.

“Clyde!”

“Bakit ba magiging tayo din naman ahh” Then he gave me a peck on my cheek. Ang assuming!

“Goodnight” sya. At pumasok na sa Car nya at umalis. Kumaway na lang ako.

Pagkapasok ko ng gate napapakinig ko na kaagad ang malakas na tugtug. Nagsisimula na siguro si Max magpraktis. At ayun nga she’s gracefully dancing on the living room. Si yaya pinapanuod sya.

 “MAX!”

Natigil naman sya. “Oh, Budz? Tara halika na. Magpraktis na tayo.”

“May ikukwento muna ako sayo” Tapos hinila ko sya paakyat sa kwarto ko. At duon ko kinuwento yung mga nangyari kanina.

“Waaaahhhh… Kaya pala abot langit ang ngiti mo pagpasok pa lang ng bahay Budz. Hmp. Kung ako sayo dapat sinagot muna agad  sya eh.”

“Ano ka ba naman Max.”

“Ang saya mo Budz… Baka naman hindi lang gusto ang nararamdaman mo sa kanya. Baka mahal mo na sya”

Natigilan ako dun. Mahal. Pero mukhang wala pa nman dun eh. Ang importante yung ngayon.

“Basta hindi ko alam Max. Haha. Sige baba ka na. Magbihis lang ko. Susunod na din ako”

“Sige. May napili na pala akong tugtug sa ating dalawa. Dalian mo ahh.” Tapos lumabas na sya ng kwarto ko.

Nagbihis lang ako ng sando at short kagaya ng bihis ni Max at itinali ang buhok ko.

Then maya-maya bumaba na din ako para simulan na ang praktis namin.

Nasa kalagitnaan na kami ng praktis ni Max nang dumating si Yaya na may dalang Isang boquet of Red Roses at isang Box ng pizza.

“Oh. Yaya para kanino yan?” Tanong ni Max.

“Lixien hija sayo daw may nagpapabigay” Tapos iniabot na sakin ni Yaya na ngiting-ngiti.

Binasa ko naman yung card na nasa flowers

‘It’s just that everybody has an addiction and mine happens to be you

-I miss you already Lixien.

   -Clyde

 Hindi ko na napigilang umirit. Sobrang nag-init ang mukha ko pagkabasa ng note.

Kinuha naman sakin ni Max yung Card. Pati sya umirit na din.

“Waaaahhh! Ang sweet ni Clyde. Ang bilis ‘ha. Nanliligaw pa lang yan. At hindi ko alam na may itinatago pa lang ka-sweetan si Clyde. Boto na talaga ako sa kanya para sayo Budz!”

At dahil dun buong praktis namin akong nasa mood. Kinain na din namin yung pizza. Grabe, mukhang mapapabilis ata ang pagsagot ko sa knya. Haha.

Pero sana naman makapasa kami sa audition bukas.

VOTE. COMMENT. FOLLOW. XOXO

SHE'S MINE.ONLY MINE [PUBLISHED Under Life Is Beautiful (LIB)]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon