Chapter 18

1.1K 38 21
                                    


Rachel's

I tried calling Mika pero hindi siya macontact. Nakakainis lang dahil napakabad timing ng pagkakataon.

The number you have dialed is out of coverage area please try your call again later.

Paulit ulit na puro ganyan lang ang narinig ko and sobrang frustrated na ako. Gustong gusto ko ng sapakin tong ex ko na kanina pa sandal ng sandal sa akin.

"Can you please sit properly?!" frustration really got me.

"Chill." tumawa pa siya, sobrang nakakapikon talaga tong taong to. Ano ba nakita ko sa taong to.

Napairap na lang ako at nang makarating naman kami kung saan kami pinapapunta ni papa ay nagulat ako nang makita ko ang parents ng ex ko.

"Hi Rachel, I've miss you." sabi ni tita, she's kind since day 1.

"Bryan, hijo." sabi ni papa at nakipag bro hug sa ex ko.

"Tito." bati naman ni Bryan pabalik.

"Papa." I greeted him pero nginitian lang ako.

"Sit down." magiliw na saad ni papa.

I really don't know what they're planning but ang alam ko hindi pa nila alam na break na kami ni Bryan since umalis ako agad at hindi pa ako nauwi kay papa.

Papa and I grew apart since nung nagcollege ako, mahigpit pa din siya but he never see me eye to eye. Is it because he asked Mika to stay away from me ng hindi ko alam? Or nagalit siya kasi babae din ang gusto ko?

Umorder na kami, and our parents are talking casually nang biglang hawakan ni Bryan ang kamay ko, na agad ko din namang tinanggal at inapakan ang paa niya dahil magkatabi kami. Napangiwi naman siya, buti nga sa kanya.

"Ano pong meron pa?" I asked dahil hindi ko talaga alam bakit kami pinatawag.

"Hiningi na sakin ni Bryan ang kamay mo, and payag na ako. Congrats." I saw how the eyes of my papa shined. He was teary eyed.

"Anak." yan ang sabi ng parents ni Bryan at lumapit sa akin.

Jusko! Ano ba ang nangyayari. Nag yakapan pa ang parents namin. I think I am in big trouble. I excused myself at nagpuntang cr and I heard someone crying. It was Cha, kaya kahit hindi kami close ay hinagod ko ang likod niya.

"Panyo oh." saad ko at inabot ang panyo ko sa kanya.

"Thank you." patuloy siyang umiiyak.

"Uhm, I know hindi naman tayo close pero kung ano man yan, makakayanan mo yan." sabi ko at ngumiti. Nang papasok na ako sa cubicle ay nagsalita siya.

"Ray and I broke up." Nakaramdam ako ng takot sa narinig ko.

Ayoko i-judge si Cha but I know buhay pa yung feelings niya kay Mika. Medyo naguguluhan ako pero niyaya ko siya lumabas. Sabi ko magkita kami sa bar mamaya. Yupp girl's night out.

Nang makabalik ako sa table namin ay nagpaplano na sila. My ghaaad! Ang sakit sa ulo. Ewan ko ba,  hindi ko masabi kay papa na break na kami ni Bryan at may girlfriend na ako. Parang after nila mag divorce ni mama ngayon ko lang siya ulit nakitang masaya at parang ayokong kunin sa kanya yung mga ngiti niya.

"You're all mine now Rachel." kinilabutan naman ako sa binulong ni Bryan.

"Papa, medyo masakit po ang ulo ko. Uuwi na po muna ako. Tito, tita thank you po sa lunch." tumakbo ako palabas at buti na lang may taxi sa labas.

Bubuksan ko na sana ang pinto nang may makasabay ako sa pagbukas, si Cha.

"Ah sige una ka na, I can wait sa susunod" I smiled pero hinatak na din niya ako papasok sa loob dahil may tumawag sa pangalan ko.

"Rachel!!" paghabol pa ni Bryan sa amin. Hindi ko alam pero natawa kami parehas ni Cha.

"Sino yun?" tanong niya.

"Ex ko."

"Oh i see."

May sandaling katahimikan sa pagitan namin, pero binasag din niya ito agad.

"So tuloy tayo later?" ngumiti siya ng totoo. Alam ko yun.

"Oo naman." Kumindat pa ako bago kami tumawa pareho.

Nagkwentuhan pa kami hanggang sa makarating ako sa bahay, dahil ako na daw muna ang ihatid at siya na din ang nagbayad. Kinuha ko na din ang number niya dahil nga magkikita kami mamaya.

"So how was your date?" tanong ni Jovs na agad kong sinamaan ng tingin.

"It wasn't a date." may pag irap kong sagot sa kanya at nagbihis na din sa kwarto ko.

"Bumalik si Mika dito umiiyak." sabi ni Jovs kaya dali dali akong lumabas ng kwarto.

"Seryoso?!" nagpapanic kong tanong at kinuha yung phone ko para i-dial ang number niya.

"Syempre hindi." binato ko naman sa kanya yung phone ko, tutal hindi ko naman macontact si Mika tsaka matibay naman phone ko.

"Aray!!" natamaan kasi siya sa ulo.

"Biruin mo na ang lasing wag lang ang babaeng guilty sa nagawa niya." at tinalikuran ko na siya.

I called Cha to inform her kung saan kami magmimeet. Late night na din kami nagkita para mas masaya, gusto ko lang.

"Hi!" Bati ko sa kanya nang makita ko siya.

"Shot na!" nakangiti niyang sabi pero kitang kita kong problemado siya.

Hindi ko alam kung nakailang shot na kami pero nagsimula na siyang umiyak.

"Hahaha. He broke up with me kasi hindi niya matanggap na Mika and I had a relationship hahahaha."

"Ha? Why? Does it matter pa ba?"

"Ewan ko sa ugok na yun haha. Pero nagdadalawang isip na din ako." sabi niya na dahilan para ibottoms up ko yung inumin ko. Feeling ko alam ko na kung bakit.

"Bakit ganun Rachel? Hahahahaha. Bakit kailangan kong marealize na mahal ko pa din pala siya, na kailangan ko pa din pala siya, na I'm much better nung kami pa." uminom naman ulit siya at umorder. Pati ako napalunok nanaman ulit.

"Cha..." hinagod ko na lang ang likod niya.

"Pwede bang akin na lang ulit si Mika?" pagkasabi niya nun ay niyakap niya ako.

Ramdam ko yung sakit na nararamdaman niya pero hindi ko maaring ibigay si Mika.

"Akin naman siya bago siya maging sayo diba?" patuloy siyang umiiyak.

"Umamin ka nga, kayo na ba?" tinignan niya naman ako na halos maningkit na yung mata niya dahil na din siguro sa kalasingan.

"Rad" napalingon naman ako agad sa taong nag sabi nun, siya lang naman ang tumatawag sa akin nun.

"Cha.." Lumapit naman siya agad dito at binuhat. Hahahah fuck.

Natawa na lang ako, option lang ba ako? Bakit ganun? Ngayong single na si Cha ganun na lang? Siya na priority?

"Wag kang mag isip ng kung ano jan Rad. Kumapit ka sa damit ko ng mahigpit. Hindi kita iiwan jan mag isa." tumingin naman siya sa akin kaya sinunod ko na yung gusto niya.

"Mika..." saad ko nang makaupo na kami sa kotse niya.

"Not now." sagot niya.

"Mika, mahal na mahal pa din kita." nabigla ako sa sinabi ni Cha, napatingin naman si Mika sa kanya na mahimbing na ang tulog bago tumingin sa akin.

"She wants you back." sabi ko at tumingin sa bintana.

Ayokong makita ang mga mata ni Mika, feeling ko anytime iiyak ako pag nalaman ko kung anong sinasabi ng mga mata niya.

She started the car at pinaandar na ito. Nagulat naman ako nang hawakan niya ang kamay ko ng mahigpit at hinalikan ito.

"Pero ikaw lang ang gusto ko Rad. Ikaw lang wala ng iba."

Unexpected Encounter ( Mika Reyes - Rachel Daquis )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon