MSIMF 13

189 11 0
                                    

Kasey's POV

Nangmahabulan ko ang guard na nag sasara ay biglang napalitan ng smooth ang music kanina.

"Ma'am!?" gulat na sabi nito.

"Kuya sorry po. Natraffic po kasi ako kanina e." sabi ko.

"Okay lang po ma'am nakahabol pa po kayo." sabi nito sa akin na nakangiti.

"Salamat po kuya" sabi kong nakangiti rin.

"Ma'am ang ganda nyo po. Kayo po talaga ang pinaka magandang nakita ko simula kanina." nakangiti pang sabi nito sakin napatawa nalang ako at tuluyan nang pumasok sa gate ng grand entrance.

Syempre! Mana ako kay author. Parehas kaming maganda \(^o^)/
(a/n. Dapat lang! Kundi.....)

Pagpasok ko sa gate ay biglang nagsitinginan ang mga tao saakin, at yung iba naka ngiti na para bang ngayon lang sila nakakita ng maganda, hahaha *^_^*
Tapos yung iba naman sa legs ko nakatingin! Putspa yang mga manyak nayan.

Nakatigil palang ako dito sa gate. As in sa harap palang ng gate fi pa ako nakaka apak sa red carpet kaya dipa sinasabi ang pangalan ko.

Huminga muna ako ng malalim para mapatigil kahit papa ano ang kaba ko.

Pagka apak na pagka apak ko ay mas lalong na glue lahat ng tingin nila sa akin shet naman e. Bakit ba nila ako tinitignan sheeet kinakabahan tuloy ako lalo. Napayuko nalang ako habang hinihintay ang pangalan kong sabihin.

"O wag kang kabahan iha, chin up!" Cheer sakin ng isa sa mga teacher dito na inasign sa pag tawag ng mga pangalan sa grand entrance.

Taas noo akong ngumiti sa kanila at inikot ko ang aking paningin upang hanapin sana sila nicole.

"Ms. Kasey Smith." pagka banggit na pagkabanggit ng pangalan ko ay nagpalakpakan silang lahat. Kasabay ng pagsigaw nila nicole sa di ko alam kung saan.

Hinanap ko agad kung saan ang pinanggalingan nun. Paglingon ko sa left side ko ay nakita ko sila nicole kasama rin nila sila zeidon at alex. Kala ko di makakapunta si alex.

Pagkatingin ko naman sa gawi ni ken ay biglang napa kunot ang noo ko dahil naka tingin ito sa likod at legs ko. Problema nito!? Naiinggit ba sya sa legs at likod kong maputi't makinis!? Bigla namang nagawi ang mata nya sa damit ko.....napataas na ang kilay ko baka naman gusto nya rin yung dress na suot ko??

Pagka angat naman ng mata nya ay biglang nagkasalubong ang mga mata namin kaya nakita ko na kung ano ang ekspresyon na tinatapon nya sa bawat pag titig sa akin.

Ang sama ng tingin nito. Grabe!! Anong kasalanan ko sakanya!? Siguro gusto nya talaga magsuot nang ganito. Di naman nya bagay e. Nag iwas nalang ako ng tingin.

"Buti nalang at nakahabol ka Ms. Smith. You're so gorgeous and sexy huh!?" nakangiting papuri ni ma'am veronica. Sya kasi ang inasign e.

Ngumiti nalang ako sakanyang papuri.

"Pano ba yan boys!? Sinong mag hahatid kay Ms. Smith sa dulo ng red carpet na ito!?" tanong ni ma'am veronica.

Ganun pala yun? Kala ko mag isa lang akong mag lalakad e. Buti nalang dipa ako nag lakad kundi baka pag tawanan pa ako ng mga tao dito, ganda na nang entrance tapos papalpak pa pala.

Napangiti ako ng lumapit si alex sa gawi ko. Nakangiti din ito sa akin. Malapit na sya ng biglang may humawak sa kamay ko at inilagay sa kanyang braso.......pag tingin ko nagulat pa ako.

Si ken kasi yung humawak sa kamay ko't inilagay sa braso nya. Saan to nanggaling!? Nakita ko lang sya kanina dun kila nicole aahh. Nag teleport ba'to??

My Slave is my Fiancée?!Where stories live. Discover now