Kabanata 3

134 14 58
                                    

"Yes we are sibling" sagot ni Kevin. Nagsalubong ang kilay ko at tiningnan si Charmayne

"How come?" naguguluhang tanong ko. "It's a long story, I'll tell you tomorrow" sabi nito. Di ba pwedeng ngayon na?.

"Mag-usap tayo Charmayne sa opisina ko, ngayon na" madiing sabi ni Kevin at iniwan kami ni Charmayne sa sala.

Nag-aalalang tumingin saakin si Charmayne bago sumunod kay Kevin. Umupo muna ako sa sofa, kaloka tong buhay ko maraming plot twist.

Naghintay ako ng ilang minuto bago lumabas si Charmayne sa opisina ni Kevin. "Ano sabi ng kapatid mong epal?" tanong ko ng makalapit na siya saakin.

"Payag na si kuya na dito ka tumira pero in one condition, you must apologize to him first dahil sa nabasag mo ang gamit niya" sabi nito. Kailangan pa bang mag sorry, siya naman may kasalanan eh, ginulat niya ako.

Padabog akong tumayo at pumasok sa office ni Kevin, nadatnan ko itong nagbabasa ng makapal na libro.

Nabaling naman ang tingin niya saakin ng lumapit ako sa kanya.

"I'll give you 10 seconds" walang ganang sabi nito. Ano seryoso tong lalaking to?

"10"

"Wait! Do you really have to countdown and pressure me?!" naiinis kong tanong.

"9..8..7..6..5..4"

"Sorry na, okay, kasalanan mo din naman iyon, ginulat mo ako" mataray na sabi ko.

"You're done here. Get out" madiing sabi nito. "Nagsosorry na nga yung tao. You should at least accept it as a courteous manner between people" galit kong sabi sakanya.

"For someone who doesn't have manners like you, you have no right to teach me manners" wika nito at binalik uli ang atensyon sa librong binabasa niya. Napakagat naman ako sa labi dahil sa sobrang pagtitimpi. Kung hindi ko lang kailangan ng matitirhan ngayon kanina ko pa ito sinakal.

"Are you not going to leave?" tanong niya ng mapansin niyang hindi pa ako umaalis.

"Say that you will forgive me first"

"Go out" walang ganang sabi nito saakin. Ang sama talaga ng ugali.

Padabog akong lumabas sa office ni Kevin. "Ano sabi ni kuya?" usisa ni Charmayne ng makalabas na ako.

"Kapatid mo ba talaga yung gagong yun? Nanggigigil ako sa lalaking yun" naiinis kong sabi. Narinig ko namang tumawa si Charmayne.

"Ba't ka tumatawa? may nakakatawa ba?" nakasimagot kong tanong.

"Finally nakahanap karin ng katapat. By the way kailangan ko ng umalis, nandoon ang kwarto mo katabi ng kay kuya" tinuro ni Charmayne ang pinto ng magiging kwarto ko . "Kung may kailangan ka pa, kausapin mo nalang si kuya" natatawang sabi nito at iniwan na ako. Wala akong ganang kausapin ang kapatid niya.

Nilinis ko nalamang ang sirang frame at pumasok na sa kwarto ko. Lumapit ako sa kama at humiga dito. Namiss ko ang malambot na kama. Inayos ko muna ang mga damit ko sa walk in closet bago umidlip, nakakapagod itong araw na to.

NAPA BANGON ako ng may biglang kumatok sa pinto. Kinusot ko muna ang aking mata bago lumapit sa pinto at binuksan ito. Bumungad naman saakin ang poker face na mukha ni Kevin.

"Oh ano kailangan mo?" mataray kong tanong.

"Change your clothes first and come to my office" walang emosyong utos nito saakin at iniwan ako. Kailangan ko ba talagang magbihis.

Sinunod ko na lamang ang sinabi ni Kevin at pumasok na sa office niya.

Nakita kong nakaupo siya sa sofa.
Uupo narin sana ako ng magsalita siya.

"Who told you to sit down?" masungit na tanong nito sa akin kaya naman dali dali akong tumayo.

"Ano ba pag-uusapan natin Attorney Arnejo?" sarcastic kong tanong. "You can sit now" wika nito. Papaupuin parin pala ako dami pang satsat.

"Madami akong rules sayo dahil nakikitira ka sa pamamahay ko. Unang una ayaw ko sa babaeng walang modo" sabi nito at tumingin saakin. "Ako ba tintukoy niya? siya nga itong walang modo eh." bulong ko.

"What are you mumbling?" tanong nito saakin. Umiling naman ako.

"Nothing, I didn't say anything" tanggi ko.

"Second dapat matuto kang gumawa ng gawaing bahay" sabi niya kaya tiningnan ko siya ng masama. "Pa'no yan, di ako marunong?" tanong ko.

"I'll teach you" walang ganang sabi nito. "And 3rd, walang dapat makaalam na tumitira tayo sa iisang bubong"

"Walang makaka-alam! di naman ako tanga na ipagsasabi sa iba" agarang sabi ko.

"Good"

"Teka pwede bukas mo nalang sabihin yung iba? nagugutom na ako" hirit ko pa ng maramdaman kong nagrereklamo na ang tiyan ko sa sobrang gutom.

"Rule number four bawal kang magsalita hangga't hindi pa ako tapos" sabi nito.

"Ito naman, ginugutom nga kasi ako. Pwede bang tigilan mo muna pagiging strikto mo?" saad ko.

"Saan ka pupunta?" tanong kong makita kong tumayo siya.
"I'll teach you how to cook" sabi nito at hinila ako. Kumalabog ang puso ko ng hawakan nito ang braso ko.

"I'LL SHOW you first the recipes" sabi nito at binigay saakin ang tatlong papel na naglalaman ng recipes.

Nagsimula ng magluto si Kevin kaya pinanood ko nalamang siyang magluto. Mayamaya lang ay natapos siyang magluto at tumingin saakin.

"You have 45 minutes to finish the 2 recipes" wika nito at tiningnan ang wrist watch niya bago umalis sa kitchen. Punyemas papaglutuin ako nito? hindi nga ako marunong humawak ng kutsilyo, magluto pa kaya nito?.

"Wait a minute Kevin" sabi ko at sumunod sa kaya. Nadatnan ko siya nakaupo sa sofa at nagbabasa na naman ng libro.

"Hindi ako marunong magluto" saad ko.

"I gave you the instructions, didn't I?"

"It won't help, hindi nga ako marunong gumamit ng mga untensil magluto pa kaya?"

Binitawan nito ang libro niya at pinakatitigan ako. Napalunok ako ng maramdam kong namumula ako. Punyemas ba't ang gwapo niya.

"You said you didn't want me to be too strict with you then there you go" seryosong sabi nito saakin.

"Kaya hahayaan mo akong magluto? jologs ka ba?"

"Matatapos na ang 45 minutes mo" sabi niya at tiningna uli ang wrist watch.

"Turuan mo muna ako" pagmamaka awa ko.

"2 minutes" he said.

"Oy walang ganyanan"

"3 minutes"

"Ito na nga magluluto na" naiinis kong sabi at padabog na nagtungo sa kitchen.

Remembering HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon