It has to be now.
Before things gets completely out of hand and before her feelings overpower what is left of her reason, it has to be done now. As soon as possible.
Even tonight.
Inaasahan ni Moira na pagdating niya sa kanyang inuukupang apartment, naroon at naghihintay si Ichiro, puno ng pag-aalala ang mukha ngunit mababakas din ang tinitimping galit sa mga mata. Inaasahan niya na sesermunan na naman siya nito ng walang humpay tungkol sa mga bagay-bagay, lalo na yung ugali niya na bigla na lang mawawala ng walang paalam.
She was expecting those kind of reprimands and a whole lot more of other possibilities kaya nung mag-park siya sa labas ng nabubulok na building, at walang Ichiro na sumalubong sa kanya, para siyang pinanghinaan ng tuhod. Whether it be because of relief or disappointment, she doesn't know, and frankly, wala na siyang balak na siyasatin pa ang damdaming iyon. She has already boxed her feelings for him. She had boxed and sealed it so that when her plan for tonight will finally be executed, magawa niya ito ng maayos. If she is to feel remorse after she killed him, then so be it. But that is for another time. For another setting.
Sapat na ang problema na meron siya upang mag-isip pa ng maaaring isunod.
She quickly went up the building using the worn-out rust coated stairs hoping against hope na sana ay hindi pa iyon bumigay dahil sa katandaan. Her weapon room was somewhere safe, sa lugar na hindi malalaman ng iba. Sinadya niyang itago iyon lalo't alam niyang umaali-aligid si Hugo dito sa apartment. Being Everly's appointed bodyguard, alam niyang nakakapasok ito sa loob ng apartment niya kung kelan nito gugustuhin. Alam niya din na wala siyang lihim na hindi nito nalalaman, that's why she has to make things appear normal. No hidden weapons, no big stash of money. Si Geno ang palaging bahala sa pagdedeposito ng mga pera na kinikita niya sa organisasyon.
The creak of the rusty stairs woke her up from her melancholy. She immediately checked if someone was following her or if there is anything suspicious around. Nung wala siyang nakita, ipinagpatuloy niya ang paglalakad hanggang sa makarating siya sa isang tambak ng mga patapon na bagay. Mga dating gamit ng mga naunang nangupahan sa lugar ngunit hindi na dinala nung lumipat, mga gamit na pinaglumaan na at pinagsawaan ng ibang nangungupahan sa building at iba pang mga bagay na nakakapanghinayang namang itapon ngunit wala namang may gustong gumamit.
Sa huling pagkakataon ay inilibot niya ang kanyang paningin sa paligid upang masiguro na walang problemang nakaambang pagkatapos ay pinagpag niya ang naimbak na alikabok ng isang upuan doon. Sa unang tingin ay aakalain mo na isang simpleng upuan ang kanyang hawak-hawak. Kulang ito ng isang bakal na paa at manipis na din ang foam na nakalagay sa upuan niyon. Kinakalawang na din ang bakal na katawan nito at hindi na pantay ang pagkakatayo dahil sa sobrang katandaan. Ngunit ang hindi alam ng normal na tao ay ang itinatago nitong sekreto. Na ang lock at sensor ng kanyang pinto ay nakakabit sa ilalim nito.
Inilagay niya ang kanyang kamay sa ilalim ng upuan na agad namang sinuri ng sensor. Dalawang kulay ang gumapang sa kanyang palad pagkatapos nun. Ang una ay iyong kulay berdeng linya na tiningnan kung pareho sila ng fingerprint ng totoong may-ari ng lugar at ang pangalawa ay ang sensor na hinanap ang palatandaan sa kanyang palad upang walang ibang makasalisi sa kanya lalo ngayon at madali nang makuha ang fingerprint ng mga tao. It was an almost invisible mark. Iyong nunal niya sa may pulsuhan, sa dulo ng kanyang palad. Kung wala iyon, makuha man ng iba ang fingerprint niya, hindi pa rin nila mabubuksan ang kanyang hideout.
The wall creaked and then it opened noiselessly. Sa huling pagkakataon ay inilibot niya ang paningin sa paligid saka madaliang pumasok at ini-activate ang voice control.
"Close the door." saad niya sa system na nangangalaga sa kanyang hideout. Otomatiko namang nagsara ang pinto kasabay ng kanyang mahinang buntong-hininga.
BINABASA MO ANG
Montereal Bastards 4: To Seduce A Bastard (COMPLETED)
Ficción General"I don't even know what kind of game you said." he stated matter of factly. "Ang mechanics ng game ay ganito, magsasalitan tayong magsalita ng mga bagay na hindi pa natin nagawa. Halimbawa, 'Never have I ever played hockey'. Ganun ka-simple!" "Gan...