Chapter 12 - Getting Hot In The Lab

4.7K 260 156
                                    

"It sucks doesn't it? Liking someone you can't have. Seeing them everyday but knowing they'll never be yours. It's the worst feeling because all you can do is dream about and wish for them, but never have them."

Sophia's POV

"Bestie, meet the reason why I'm back here, my first love, my world, my everything...Alexandrine Monteverde."

Oh fuck! Did I heard it right? Sa pagkakaalam ko wala naman defect ang sensory organs ko kaya imposibleng mali ako ng nadinig pero bakit tila tumigil saglit ang sistema ko sa pagfunction ng mga kani-kanilang tungkulin. It feels like my axons, dendritic cells, nerve cells, cerebrum, cerebellum and other parts of my brain system stopped processing the information it has gathered. And why is my heart heavy and...aching? It felt like thousand of needles punctured my heart at the same time with a great force. No words even came out of my mouth, I have this urge to say something but at the same time hindi ko alam kung ano ang akin sasabihin, hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman, hindi ko malaman ang aking gagawin, hindi ko alam. It's kind of ironic that such words can give a life changing effect compared to physical pain. Talaga naman nawindang ako sa nalaman ko.

Diosko Sophia say something! Anything!

"It's good to see you again Jessa, I didn't know that you still have the guts to show up here after you left my sister without even saying goodbye." Alex butted in. Nilabas ko yon kanina ko pa pala pinipigilan na hininga ko. Thank you Lord at may matino din na na i-contribute tong si Alex sa buhay ko, in all seriousness, I appreciate what he has done at this moment. The guy just saved me from embarassing myself in front of them.

"Alexander watch your mouth." Alexa threatened then she put a protective arm around Jessa, just like what she did to me at the canteen before. Ouch.  Masakit din palang makita na yon ginawa niya sa akin noon ay ginagawa niya rin ngayon sa matalik kong kaibigan at sa mismong harapan ko pa, daig ko pa ang nasampal. Imagine, that was a very special gesture for me pero parang biglang nagfade na yon magical effect ng gesture na yon ngayon dahil sa nawiwitness ko. Iniwas ko yon tingin ko sa kanila, ang sakit lang sa mata. Oo, sa mata lang talaga. God, who am I convincing anyway? Maski sarili ko alam kong nasasaktan talaga ako.

"Tsk. Suit yourself then, I'm just saying what's on my mind sis. Oh, I almost forgot, I have good news and tamang tama dahil nandito naman lahat yon gusto ko na makaalam." ngingiti ngiting sabi ni Alex saka tumingin sa akin at kumindat. Nagtaka naman ako sa inasal niya, what was that for? Saka ang dali din magbago ng mood nito a, akala ko pa naman magsasagutan silang magkapatid. No one has directly mentioned it but I know something is going on that I'm not aware of between those three, para silang may unfinished business sa isa't isa.

Mas lalo akong nagulumihanan ng inakbayan pa ako ni Alex papalapit sakanya at mas malapad pa sa noo ni Jessa yon ngiti niya. Hindi pa siya nakuntento at nanggigigil na kinurot pa yon pisngi ko. Takte, ano na naman ba ang inaacting acting nito baka kung ano pa isipin ni Alexa. Speaking of, ang sama ng ipinupukol niyang tingin sa akin. Wow ha! Siya pa may ganang tratuhin ako ng ganyan samantalang siya tong nagpahalik sa mismong harapan ko pa!

Umaasa ka na naman na may pakialam yan sa'yo. Alalahanin mo may Jessa na siya. Masasaktan ka lang! paalala ng isipan ko.

"Oh my God bestie! Are you two...together?!" halos napalingon lahat ng tao sa kinaroroonan namin, nakacircle formation pa naman kami baka akalain nila umagang umaga palang inatupag na namin ang nagchichismis'n dito. Sa totoo lang nagsisimula na rin akong mapikon dito kay Jessa, kitang magkakalapit at magkakaharap lang kami tapos kailangan pang ibroadcast talaga? Napaka OA naman talaga, grabe. Sarap busalan ang bibig, ang bad ko talaga.

"Yes/NOOO!" nagkasabay namin sagot ni Alex, sabay pa namin liningon ang isa't isa. I gave Alex an incredulous look na para bang nasiraan na siya ng bait and in return, pinanlisikan niya ako ng mata pero mabilis lang yon at kung hindi kayo magkaharap hindi mo talaga yon makikita. Hindi ba siya nakapagtake ng vitamins niya at trip na naman ako neto o baka naman tuluyan ng nawala yon turnilyo sa tuktok niya at di na niya mahanap pa. Juicecolored, I think he needs to seek medical attention immediately.

The Internship Syndrome Series: The Hot Resident Doctor (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon