JEEPNEY LOVE STORY [JoshBie]

4.2K 76 39
                                    

Sana po magustuhan nyo, short story lang po ito kaya sana tapusin nyo. Thanks!

Dedicated sa lahat ng JOSHBIELOVERS 

__________________________________________________

[Play niyo yung song, mas maganda kung tuloy-tuloy! GO! ^___^]

Ako si Barbie Forteza, 15 years old, 3rd year highschool. Wala na kayong pake sa sa school ko, di naman kasi kailangan yun sa istoryang ito eh. Maraming nagsasabi na matangkad daw ako, maganda, maputi, cute at dahil uto-uto naman ako, naniwala naman ako. Chos!

Kung maganda nga ako, bakit di ako pinapansin ni Joshua?

Ay oo nga pala! Si Joshua, crush ko yun eh! Matagal na! Since 1st year highschool pa, may pagnanasa na ako diyan kaso dedma naman yun eh. Everyday ko nga siyang gini-greet, tapos nags-smile lang siya sakin. Hmmmpfff! Sarap batukan! Kung di ko lang talaga siya crush, matagal ng wasak wasak ang buto ng lalaking yun. Hahaha! Wag niyo namang sabihing brutal ako! Ganyan lang talaga ako mainis pero di ko naman ginagawa. (Puro salita lang ako, hahaha!)

__________________________________________________

Pero nabago ang lahat nang mangyari 'to:

[First Day of Classes]

"Anaaaaaaaaaak! Gumising ka na! Mala-late ka na oh?! 7am na oh?!", napabalikwas ako sa kama sa sinabi ng nanay ko. Hala! 7am na?! Paano yan, 7:30 ang start ng klase?! Nakakainis naman oh?! Grabe, ang ganda ganda pa naman ng panaginip ko. Hahalikan na sana ako ni Joshua. My God! Pwede na akong mamatay pag nangyari yun. Pero syempre, joke lang yun kasi dapat ikasal muna kami ni Joshua bago ako mamatay. Chos! Hahaha!

"Anak! Bababa ka ba diyan o kakaladkarin kita pababa?!" natigil tuloy ang pagda-daydream ko sa aking future hubby na si JOSHUA DIONISIO. Oo Joshua Dionisio, baka kasi kung sinong Joshua ang iniisip niyo. Babatuhin ko kayo ng ballpen, sige kayo! Ay wag nalang pala, mahal kasi yung ballpen, sayang naman! Ay teka... makababa na nga! At mala-late na talaga ako!

Naligo na ako, nagbihis, nag-ayos, kinuha ko na yung baon ko, at kinuha ko na rin yung gamit ko sabay layas ng bahay. Chos! Pero syempre, nag-paalam muna ako sa nanay ko. Di naman kasi ako bastos na bata noh?! Napaka-bait ko kaya at sobrang HUMBLE. Wag na nga, masyado ng mahangin dito. Hahaha! JK! Syempre maldita din ako, kahit nga BFF ko ina-alaska ko eh! Hindi Nido at hindi rin Bear Brand, Alaska ang gusto ko! Walang pakialamanan! Wag kayong pakialamers! XDDD

Napadaan ako sa bahay ni Joshua My Love. Hahaha! Sa iisang subdivision lang naman kasi kami nakatira. Limang bahay lang ang pagitan ng bahay namin. Syempre naglalakad ako palabas ng subdivision para makasakay ng jeep. Shocks! Wala akong barya, badtrip! Enebenemenyen! Bahala na nga! Ayan, may tumigil na jeep sa harap ko. Di nga dapat ako sasakay kaso nakita ko nakasakay dun sa Joshua kaya sumakay na agad ako.

Naghahanap na ako ng barya sa bag nang biglang magsalita si Joshua.

"Bayad po! Dalawang estudyante!", sabi ni Joshua sa driver sabay abot ng bayad tapos biglang humarap sakin. 

"Ako nalang Barbie. Barbie diba?! Alam ko namang wala kang barya eh!", sabi niya sakin sabay smile ng nakakatunaw. Wiiiiiiiiii! Naiihi tuloy ako! Napayuko nalang ako kasi nahihiya ako dahil nilibre niya pa ako. Ang sweet diba?! Oo, isang napakalaking kakiligan na yan para sa akin. Mababaw lang naman ang kaligayahan ko sa buhay eh.

"K-kilala m-mo ako?!", sabi ko sakanya na medyo nauutal pa. Aba! Malay ko ba kung kilala ako nito. Dedma naman lagi 'to pag nagkikita kami eh. Di nga siya namamansin, smile na nga lang alanganin pa. Di ko nga alam kung saakin ba siya nags-smile o kay Beshy kong super pretty.

"Oo naman! Ikaw yung naggi-greet sakin ng hello tuwing umaga diba?! Pinag-tanong tanong kasi kita sa mga classmate ko kaya nalaman ko name mo." sagot niya sakin. Yes! May care siya sakin! Kilig to the bones na naman ako! Hahaha! Ngumiti nalang ako sakanya sabay kuha ng phone ko sa bag ko.

My God! Patay ako kay BFF nito?! 50 text messages at 20 miss calls?! Naku! Basahin ko nga.

From: Beshy :*

Beshy! Nasaan ka na ba?! Bilisan mo! Mala-late na tayo!

(Puro ganyan lang yung text niya kaya nagreply ako)

To: Beshy :*

Sorry Beshy! Kasama ko kasi sa jeep si crushiiieee!!! Nilibre pa niya ako ng pamasahe. Alam niya daw kasi na wala kong barya. Hahaha! Kilig much talaga ako dito, promise! Sige beshy, kita nalang tayo maya. Mwah mwah :***

Di ko namalayan, nabasa pala ni Joshua yung text ko kay Beshy! Nakakahiya! >.<

"Crush mo ako?" tanong niya sakin. Napayuko nalang ako sabay tango. Waaaaah! Grabe! Hiyang-hiya na ako! Sobra to the highest level!

"Kaya ka pala nahihiya. HAHAHA! Wag kang mag-alala, matagal na rin naman akong may gusto sayo eh. Kaya nga ipinagtanong kita sa mga classmates ko eh. Nahihiya rin kasi ako sayo kaya hindi ako makalapit. Torpe kasi ako at oo, inaamin 'ko", yun nalang yung nasabi niya. Wiiiiiiii!!! Kilig na kilig na talaga ako!

"Pwedeng paakbay?" dugtong pa niya. Tapos inakbayan niya na ako nung tumango ako. Ayiiiieee! Cheesy lang namin dito sa jeep ah. Hahaha! Nakaakbay lang siya sakin hanggang makababa na kami ng jeep.

Pagkababa namin sa may gate ng school, lumuhod siya bigla.

"Barbie, will you be my girl?" bigla niyang sabi sakin. Napasigaw tuloy ako bigla.

"YES JOSHUA!", sigaw ko. Hala! Nakakahiya! Parang ang bilis naman masyado! Pasalamat siya mahal ko siya! Sapukin ko kaya siya?! Joke lang, boyfriend ko na yan kaya wag kayong magulo diyan. Hahaha!

Ayun na ang pinakamasayang araw sa buhay ko. UNFORGETTABLE 

_______________________________________________

[10 YEARS LATER]

"Mommy! Daddy! Wake up na! sabi ni Gabrielle. Anak nga pala namin ni Joshua! Oh diba?! Unica hija yan, nag-iisang anak namin. Kaya spoiled na spoiled eh. At eto na kami ni Joshua ngayon, nakabuo na kami ng pamilya. Sa tinagal-tagal ng pagsasama namin, mga problema, mga paghihirap at ginhawa, magkasama pa rin kami. Kaya masasabi ko na MEANT TO BE talaga kami. Oh diba?! Kita mo naman ngayon diba?! ONE BIG HAPPY FAMILY!

Kaya kung gagayahin niyo ako, may ipapa-alala lang ako.

BABALA: Kung gagayahin niyo ako, siguraduhin niyong nakasakay si crush sa jeep. Dala na rin kayo ng barya niyo in case of emergency. Baka mamaya niyan, wala pala si crush tapos wala kang dalang barya. Kawawa ka naman diba?! Hahaha!

Osha, bye na! Magma-mall pa kami ng mag-ama ko! :***

~ THE END 

_______________________________________________

Author's Note: Ayan, I hope you all like it! Baliw lang talaga ako. Nakaka-dalawang istorya na ako. Wala akong magawa eh. Sensya na kayo super short story lang talaga 'to! Wala rin yatang kwenta?! Pero kinilig ako promise! Sana kayo rin! ^___^

VOTE.COMMENT.BE A FAN

By: asdfghjklove18 ♥

JEEPNEY LOVE STORY [JoshBie]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon