78 °

732 53 22
                                    

areum's pov

"sakay." sambit sakin ni tyrone, hindi siya nakangiti. mas nauna siyang sumakay kaysa sa'kin. nangliligaw ba talaga 'to? :)?

curse you, tyrone.

inis akong sumakay at binalibag ang pinto ng kotse. napatingin naman siya sakin at tinaas ang kilay.

"bakit mo binalibag?" sambit niya.

"ang gentleman mo kasi nahiya si psy sayo." sagot ko.

"ay nako, areum bwiset ka."

"ay nako, tyrone mas bwiset ka." tinignan niya ako ng masama at naglabas siya ng album.

puta, you never walk alone 'to ha!?!

"YOU NEV-"

"napulot ko lang kahapon." walang gana niyang sabi pero halatang nagpipigil siya ng tawa.

"gago, sino naman magtatapon ng album ng bangtan?" inis kong sabi.

"ako."

"eh diba-"

"binili ko tapos tinapon ko tapos pinulot ko." sabi niya. tangna?

"lakas ng trip mo." umirap ako

"mas malakas ka." kumindat siya sakin. pinakyu ko siya kasi kadiri.

biglang tumahimik ang byahe nang tumugtog yung spring day.

napansin kong namula si tyrone habang nagddrive. shet, ano ba 'to.

"can i court you, areum?"

"oo, pumapayag ako, tyrone."

naalala ko na naman yung oras na 'yun. ipinikit ko sandali ang mata ko at umiglip muna.

"nandito na tayo."

pucha, hindi pa nga ako isang minutong nakapikit?

inis akong bumaba ng kotse at narinig kong tumawa si tyrone. bwiset ka ilong hu u basted ka na.

napatigil ako sa paglalabas ng inis ng malaman ko kung nasaan kami. teka, playground?

"namiss mo 'to no?" tanong sakin ni tyrone habang pinagmamasdan namin ang paligid. umupo kaming dalawa sa swing.

"oo, sobra." nakangiti kong sabi habang tinitignan pa rin ang playground.

"areum?" tanong ni tyrone. "oh?"

"naalala mo ba nung mga bata tayo, diba sabi natin sa isa't-isa susulat tayo ng letters para sa ating dalawa?"

"oo tapos ilalagay natin sa lalagyanan at ibabaon sa lupa." ngumiti siya sakin.

"eto, nagdala ako ng papel, ballpen, lalagyanan, padlock pati na rin susi. tig-isa tayo." binigay sakin ni tyrone yung mga gamit.

"game?"

"game."

nag-umpisa na kaming magsulat para sa isa't-isa. hmm, paano ko kaya to sisimulan?

"tapos na ako." sabi niya.

"bilis mo ha? patingin." sambit ko pero inilayo niya yung sulat niya sakin.

"after 3 years mo pa 'to mababasa." sambit niya.

"luh ang tagal."

"maghintay ka gago."

"sorry na tay, na-excite lang?" umiling siya.

"tapos ka na ba?" tanong niya sakin. tinignan ko ang papel ko. okay na siguro 'to.

hindi naman mahalaga kung mahaba yung sulat basta galing sa puso, ayos na.

"oo." tumango ako.

"akin na." ibinigay ko sakanya yung sulat ko at iniligay niya na yun sa may lalagyanan kasama ng sulat ni tyrone para sakin.

"teka, wala tayong shovel. paano 'to?" tanong ko.

"edi kamay." sabi niya.

"naks, boy scout." sabi ko sakanya

"utot, troop leader ka nga nung elementary tayo eh." natatawang sabi niya sakin. sinamaan ko siya ng tingin.

nagsimula kaming mag-hukay gamit ang aming kamay. ngayon ko lang 'to nagawa, thankful ako kasi si tyrone yung kasama kong gumawa nito.

"okay na ba yung ganitong kalalim?" tanong niya. tinignan ko naman. siguro kakasya na 'to.

"okay na, tara lagay na natin."

"teka, hindi ko pa na-padlock." pinadlock niya yung lalagyanan.

"nasayo na yung susi ha?" tumango ako.

"yung iyo ba?"

"nasakin na rin, puso mo na lang kulang." seryoso niyang sambit. namula at napaiwas ako ng tingin.

"hindi kita minamadali, areum. handa akong maghintay para sa-"

eto na yung tamang oras.

hindi ko pinatapos si tyrone at nginitian ko siya.

"sinasagot na kita, tyrone."

----

170528 - tyreum 💖 official na sila!?!?! May bago akong pinublish hehe gay (jimin) and room 143 (taehyung) title support niyo!?!?! ahehehe btw minessage ako ng wattpad about sa jk ph ines si acOe

jungkook ph | jungkookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon