Chapter 18

12.4K 269 1
                                    


CHAPTER EIGHTEEN

HEAVEN'S POV

Hanggang ngayon ay pinagplaplanuhan ko parin ang paglusong namin sa L Gang, gusto ko na silang ipatumba kaagad, gusto nila agawin ang trono namin dahil sa kami ang kinakatakutan ng lahat.

Biglang nag-ring ang phone ko, napatigil ako sa ginagawa ko at tinignan ang pangalan ng tumatawag.

"What is it Kimber?" malamig na tanong ko sa kanya habang ginuguhit ang isang blade.

"Are you busy?"

"Hindi naman, why do you ask?"

"Ahhh....yayayain sana kita sa Mall, gala tayo ihihih!!"

Napasinghap ako dahil sa sinabi ni Kimber, ano namang gagawin namin sa mall??

"Sumama ka na please!!!!!!" pangungulit ni Kimber sa akin. Huminga muna ako ng malalim at sumagot sa kanya.

"Okay fine, magkita nalang tayo sa Ever Mall"

Natapos ang usapin namin ni Kimber. Nakokonsensya rin naman ako dahil sa hindi ko sinasabi sa kanya kung sino ba talaga ako, alam kong matatakot sya sa akin at lalayuan. Kung yun ang gusto niya hindi ko naman sya pipigilan.

Maya't maya ay naligo muna ako. Iniisip ko parin kung ano na bang itsura ngayon ng L Gang, wala paring balita si Jacob kung ano bang nangyayare sa quarters nila pero tiyak na malalaman rin namin yun.

Lumabas na ako sa cr at pumili ng maisusuot na damit. Mas pinili ko ang black na mga damit, kaunti lang ang merong iba't ibang kulay para sa akin masarap sa pakiramdam ang itim. Kinuha ko ang black na t-shirt at kumuha ng isang skinny jeans. Medyo may kalakihan ang damit kaya tinack-in ko ang nasa harap.

Kumuha ako ng sneakers at nag-suot ng foot socks. Tumingin ako sa isang malaking salaman na katabi ng closet ko. Hindi naman ako masyadong mahahalata dahil sa simpleng pananamit ko. Next thing to do is, naglagay na ako ng bangs at nunal, wala namang grado ang salamin ko, ayoko itong palitan baka mas mahalata pa nila ako dahil dun.

Kinuha ko ang string bag ko bumaba na ako para paandarin na ang kotse ko. Ilang minuto lang ay nakarating na ako sa Ever Mall. Cancel muna ang training ko sa Gym ni Shakes dahil sa sasama ako kay Kimber.

Nakita ko si Kimber sa dikalayuan na naghihintay sa akin sa labas. Lumapit naman ako sa kanya at mistulang nagulat pa ito.

"Oh bakit ganyan suot mo?" animoy parang hindi gusto ang sinuot kong damit. Like duh!! Ito kaya paborito ko!! "Ganito ang gusto ko eh, is there something wrong?" nakataas ang kilay kong tanong sa kanya.

"Your so arts naman EJ, like duh, lagi nalang kayang itim ang suot mo, may lamay ka bang laging pinupuntahan ah?" napakunot ako ng noo dahil sa sinabi ni Kimber. Napangisi nalang ako sa sinabi niya, pumasok kami sa loob at nagsimulang mag-libot sa mall.

Puro punta dun punta dito ang gusto ni Kimber. Kapag ayaw ko hinihila naman ako, ang saket na kaya sa paa, malay ko ba sa mga paa niya at hindi sumasakit dahil sa mataas na heels niyang suot. Tss!

BSS #1: That Nerd is a Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon