Chapter 9

938 29 9
                                    

Avie’s POV

It’s Monday and it is my first day sa work. I woke up earlier than the usual. Siguro nga’y excited ako at hindi ko ma explain kung ano yung nararamdaman ko ngayon. Ginawa ko yung daily routines ko dito sa bahay. Nagwalis ako sa buong bahay, nagpunas ako ng sahig at mga gamit, winalisan ko narin yung garden. After cleaning the house, nag-prepare naman ako ng breakfast namin.

Tinakpan ko muna sa mesa yung mga pagkain at umakyat na rin ako sa kwarto ko para maghanda sa pagpasok. Syempre nagpahinga muna ako saglit bago ako maligo. Hindi kasi maganda sa katawan yung galing ka sa init ng pagluluto tapos magbabasa ka ng katawan mo. Baka kasi mapasma pa ako. Actually, sabi sa amin dati ng teacher ko way back in my high school years, wala naman daw scientific explanation about sa pasma. Pero iba parin naman yung nag-iingat ka lalo na para sa health mo.

Nung tapos na akong mag ayos ng sarili ko, bumaba na ako at pumunta sa dining room. And there, I saw Dylan. Nakaayos na rin sya. Tumingin ako sa wall clock at 7:00am na pala. Naghain na ako at ipinagtimpla sya ng coffee. I prepared one for myself na rin.  Importante kasi na mainitan ang sikmura sa umaga. Sa totoo lang, I have this weird attitude na mas prefer uminon ng coffee sa hapon or sa gabi. I am not the kind of person na umiinom talaga ng coffee sa umaga. Pero dahil nga sa office na ako magta-trabaho, kailangang maayos ang lifestyle ko.

“Dylan, here’s your coffee.” Sabi ko at inilapag na yung kape nya sa table.

“Thanks. Tara kumain na tayo.” Compared to the other days, mas soft na ang expression nya ngayon. Medyo nagbago na since yesterday and I’m happy for that. Napasulyap ako sa kanya and my heart skips a beat….. again.

Flashback

Nagising ako dahil sa nakakasilaw na liwanag galing sa bintana. “Umaga na pala”. Sabi ko sa sarili ko. tiningnan ko si Dylan at mahimbing parin syang natutulog. Kinuha ko yung thermal scanner na nasa bedside table at itinapat ito sa noo ni Dylan. Nung nag-beep, nag-flash sa screen yung temperature nya at normal na iyon. Pinunasan ko na rin ng tuyong towel ang leeg at mukha nya kasi pawis na pawis na sya. Hindi sya nag-aircon kasi nga nilalamig sya. Ayan tuloy medyo pawis na sya. Pinatagilid ko sya at pinalitan yung pasak sa likod nya. Napangiti ako. Para kasi akong nag-aalaga ng bata eh kung tutuusin mas matanda pa sa akin ng 2 taon itong inaalagaan ko eh.

I brushed his hair with my fingers at tinitigan ko sya. Ang ganda ng kilay nya. Tama lang ang kapal. Ang haba rin ng pilik-mata nya. Yung ilong naman ang tangos. Ang ganda ng shape. Napatingin naman ako sa labi nya. Ang sexy ng lips nya tapos ang pula-pula pa. parang hindi nga naggaling sa sakit eh. Kagabi medyo maputla yun eh.yung shape ng mukha nya, bagay sa facial features nya. He really do have a define jawline. In short, ang gwapo pala talaga nya. Habang tinititigan ko sya ng mas matagal, feeling ko yung dugo ko ay umaakyat sa mukha ko. ang init ng feeling sa cheeks ko. Bigla na lang bumilis yung tibok ng puso ako at medyo bumilis yung paghinga ko. napahawak ako sa dibdib ko. ano ba itong nararamdaman ko? ang weird ah.

Hindi ko namamalayan, nagising na pala sya. Nakatingin lang sya sa akin. Sagilt akong napatitig sa mga mata nya. Ang ganda. Color brown yung mga mata nya tapos medyo singkit. Parang Japanese-spanish nga ang feature nya eh.

“Avie” tawag nya sa akin. Napakurap naman ako. Sobrang kakaiba yung feeling nung tinawag nya yung name ko. grabe. Nakatingin parin sya sa akin kaya nag-iwas naman ako ng tingin. Parang hindi ko yata kayang tumingin ulit sa kanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 13, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Wife's Tale (slow update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon